Grade 3 GMRC Budget of Work
Grade 3 GMRC budget of work for SY 2026-2027: DepEd's 24 learning competencies by term and week, with links to 32 DepEd lesson exemplars.
DepEd places each competency in a term and in its weeks.
The lesson exemplars named on this page are on one page of their own: Grade 3 GMRC Lesson Exemplars.
On this page
At a glance
Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.
| Term | Weeks | Competencies | With an exemplar |
|---|---|---|---|
| First Term | 1 to 10 | 7 | 7 |
| Second Term | 1 to 11 | 9 | 9 |
| Third Term | 1 to 10 | 8 | 8 |
| All terms | 24 | 24 |
DepEd's lesson exemplars are listed under the competencies they match. Each linked exemplar opens DepEd's copy on Google Drive. An exemplar's quarter and week are those of the four-quarter calendar it was written for; they are not this budget of work's terms and weeks. An exemplar whose own heading gives a different quarter, week or grade from DepEd's list of exemplars, or no week where the list gives one, is named by its title in that list. An exemplar may also cover competencies this budget of work words differently or does not print. Every exemplar's notice names it for teachers and learners and forbids copying or sharing it without leave.
First Term
Week 1 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling hilig at kakayahan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling hilig at kakayahan upang malinang ang tiwala sa sarili.
- Values standard
Tiwala sa sarili (Self-confidence)
- 1.
Naipakikita ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng kawilihan na paunlarin ang kaniyang hilig at kakayahan
- a. Naiisa-isa ang sariling hilig at kakayahan
- b. Napatutunayan na ang sariling hilig at kakayahan ay mahalaga upang makilala ang sarili bilang bata
- c. Nailalapat ang sariling hilig at kakayahan tungo sa kakayahan sa pagpapatibay ng tiwala sa sarili
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 1 (14 pages), licensed through FILCOLS
Weeks 2 to 3 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapatatag ng mga gawi sa pag-iimpok at pagtitipid kasama ang pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapatatag ng mga gawi sa pag-iimpok at pagtitipid kasama ang pamilya bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassionate)
- 2.
Naipakikita ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng tamang paglalaan ng mga pera o gamit na angkop sa iba’t ibang situwasyon
- a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagpapatatag ng mga gawi sa pag-iimpok at pagtitipid kasama ang pamilya
- b. Napatutunayan na ang pagpapatatag ng mga gawi sa pag-iimpok at pagtitipid kasama ang pamilya ay magpapaunlad ng sariling kasanayan na mapamahalaan ang higit na mas malaking halaga ng pera o mga gamit sa kinabukasan
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagpapatatag ng mga gawi sa pag-iimpok at pagtitipid kasama ang pamilya
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 2 (14 pages), licensed through FILCOLS
Week 4 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa kaniyang gampanin sa tahanan at paaralan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbabahagi ng mga karanasan sa pagtugon sa mga gampanin ng isang bata sa tahanan at paaralan bilang tanda ng pagiging responsable.
- Values standard
Responsable (Responsible)
- 3.
Naipakikita ang pagiging responsable sa pamamagitan ng wastong pagtupad sa kaniyang mga gampanin batay sa mga tagubilin ng magulang at nakatatanda
- a. Natutukoy ang mga gawain ng isang bata sa tahanan at paaralan
- b. Napatutunayan na ang mga sariling gampanin ng bata sa tahanan at paaralan ay nakatutulong upang mahubog ang pagiging responsable sa kanilang gawain at kilos
- c. Nakapagbabahagi ng mga karanasan sa pagtugon sa mga gampanin ng isang bata sa tahanan at paaralan
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 3 (13 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 4 (20 pages), licensed through FILCOLS
Week 5 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga sariling pagkilos na may paggalang sa Diyos.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pagkilos na nagpapakita ng paggalang sa Diyos bilang tanda ng pananalig sa Kaniya.
- Values standard
Pananalig sa Diyos (Faith in God)
- 4.
Naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kaniyang mga aral
- a. Nakakikilala ng mga sariling pagkilos ng may paggalang sa Diyos
- b. Naipaliliwanag na ang mga sariling pagkilos na may paggalang sa Diyos ay tanda ng pagkilala at pagmamahal sa Kaniya at ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng mabuting asal
- c. Nailalapat ang mga pagkilos na nagpapakita ng paggalang sa Diyos
- Lesson exemplar: GMRC G3 LE Q1 W5 (22 pages), licensed through FILCOLS
Weeks 6 to 7 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga pansariling gawain na nakabubuti sa kapaligiran.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga natukoy na mabuting magagawa sa kapaligiran bilang tanda ng disiplina.
- Values standard
Disiplina (Discipline)
- 5.
Naipakikita ang disiplina sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawaing pangkapaligiran
- a. Natutukoy ang mga pansariling gawain na nakabubuti sa kapaligiran
- b. Naipaliliwanag na ang mga pansariling gawain na nakabubuti sa kapaligiran ay magdudulot ng ligtas, maayos, at malinis na pamayanan
- c. Naisasakilos ang mga natukoy na mabuting magagawa ng bata sa kapaligiran
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 6 (19 pages), licensed through FILCOLS
Week 8 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga pansariling karapatan na kinikilala sa pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawain na nagbibigay-halaga sa mga karapatang tinatamasa ng bawat bata bilang tanda ng pagiging magalang.
- Values standard
Magalang (Respect)
- 6.
Nakapagsasanay sa pagiging magalang sa pamamagitan ng wastong pakikitungo sa kapuwa sa iba’t ibang situwasyon
- a. Naiisa-isa ang mga pansariling karapatan na natatamasa ng isang bata sa pamayanan
- b. Naipaliliwanag na ang mga pansariling karapatan na kinikilala sa pamayanan ay nagtitiyak sa kaligtasan at matiwasay na pamumuhay ng bawat bata
- c. Naisasakilos ang mga gawain na nagbibigay-halaga sa mga karapatang tinatamasa ng bawat bata
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 7 (23 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 8 (17 pages), licensed through FILCOLS
Weeks 9 to 10 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling paraan ng pakikilahok sa pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pakikiisa sa mga gawain sa loob ng tahanan bilang tanda ng pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 7.
Naipakikita ang pakikiisa sa pamamagitan ng pagtupad sa mga gawain sa loob ng tahanan na ayon sa kaniyang kakayahan
- a. Natutukoy ang mga sariling paraan ng pakikilahok sa mga gawain sa loob ng tahanan
- b. Naipaliliwanag na ang sariling paraan ng pakikilahok sa mga gawain ng pamilya ay nakatutulong sa pagkakabuklod-buklod at pagpapatatag ng ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya
- c. Nailalapat ang mga sariling paraan ng pakikiisa sa mga gawain sa loob ng tahanan (Hal. paraan ng wastong pakikipag-ugnayan nang may paggalang ang bawat kasapi ng mag-anak)
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 1 (25 pages)
Second Term
Week 1 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa ugnayan ng sarili sa kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga kilos na nagpapakita ng wastong pakikitungo sa kapuwa bilang tanda ng pagiging mapagpasensiya.
- Values standard
Mapagpasensiya (Patience)
- 1.
Naipakikita ang pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng angkop na pananalita at pagtugon sa mga situwasyong kasama ang kapuwa
- a. Nailalarawan ang mga ugnayan ng sarili sa kapuwa
- b. Naipaliliwanag na ang ugnayan ng sarili sa kapuwa ay nakatutulong sa paglinang ng mga kasanayan sa pakikipagkapuwa
- c. Nailalapat ang mga kilos na nagpapakita ng wastong pakikitungo sa kapuwa
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 1 (25 pages), licensed through FILCOLS
Weeks 2 to 3 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga impormasyon sa barangay na kinabibilangan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa barangay na kinabibilangan bilang maingat na paghuhusga sa mga nalalaman at naririnig.
- Values standard
Maingat na Paghuhusga (Prudence)
- 2.
Naipakikita ang maingat na paghuhusga sa mga impormasyon tungkol sa barangay na kinabibilangan
- a. Nakakikilala ng mga impormasyon tungkol sa barangay na kinabibilangan
- b. Napatutunayan na ang mga impormasyon sa barangay na kinabibilangan ay mahalagang gampanin sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at katahimikan ng mamamayan
- c. Nakapagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa barangay na kinabibilangan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 1 (24 pages), licensed through FILCOLS
Week 4 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng wastong pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya bilang paglinang sa pagiging totoo.
- Values standard
Pagiging Totoo (Sincerity)
- 3.
Naipakikita ang pagiging totoo sa pamamagitan ng wastong pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya.
- a. Nailalarawan ang pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya
- b. Napangangatuwiranan na ang wastong pakikipag- ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya ay daan upang malinang ang pagmamahalan at pagkakaunawaan.
- c. Nailalapat ang mga sarling paraan ng wastong pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 2 (26 pages)
Week 5 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtupad sa mga gampanin at sa mga inaasahang kilos sa tahanan at paaralan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtupad sa mga gampanin at mga inaasahang kilos sa tahanan at paaralan bilang tanda ng pagkukusa.
- Values standard
Pagkukusa (Initiative)
- 4.
Nakapagsasanay ng pagkukusa sa pamamagitan ng wastong pagtugon sa mga itinakdang gawain at iskedyul
- a. Natutukoy ang mga gawain na nagpapakita ng pagtupad sa mga gampanan at mga inaasahang kilos sa tahanan at paaralan
- b. Nasusuri na ang pagtupad sa mga gampanin at mga inaasahang kilos sa tahanan at paaralan ay lilinang ng mga gawi na makatutulong sa pagpapaunlad ng kaniyang mga kasanayan at ugnayan sa kapuwa
- c. Nailalapat ang mga inaasahang kilos nang may pagkukusa sa tahanan at paaralan
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 3 (30 pages)
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 4 (23 pages)
Week 6 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pakikibahagi sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagiging aktibo sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilyang kinabibilangan bilang tanda ng pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 5.
Naipakikita ang pakikiisa sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglalaan ng oras upang matupad ang mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya
- a. Nailalarawan ang mga sariling paraan ng pakikibahagi sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilyang kinabibilangan
- b. Naipaliliwanag na ang pakikibahagi sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilya ay lilinang ng mga kaugalian o gawi ng pakikipag-ugnayan sa Diyos
- c. Naisasakilos ang pagiging aktibo sa mga gawaing panrelihiyon o paniniwala ng pamilyang kinabibilangan
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 5 (23 pages)
Weeks 7 to 8 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga gawi ng pamilya sa pangangalaga sa kalikasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling kilos na nagpapakita ng gawi ng pamilya sa pangangalaga sa kalikasan bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassion)
- 6.
Naipakikita ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga mabuting kinagawian ng pamilya sa pangangalaga sa kalikasan sa iba’t ibang paraan
- a. Naiisa- isa ang mga gawi ng pamilya sa pangangalaga sa kalikasan
- b. Naipaliliwanag na ang mga gawi ng pamilya ay nakaaapekto sa sariling kaisipan at kilos sa pangangalaga ng kalikasan
- c. Nailalapat ang mga sariling kilos na nagpapakita ng mga gawi ng pamilya sa pangangalaga sa kalikasan
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 6 (20 pages), licensed through FILCOLS
Week 9 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa rehiyong kinabibilangan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagsunod sa mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa rehiyong kinabibilangan bilang tanda ng pagiging masunurin.
- Values standard
Masunurin (Obedience)
- 7.
Naipakikita ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sariling karanasan sa pagtalima sa mga mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa rehiyong kinabibilangan
- a. Nakakikilala ng mga mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa rehiyong kinabibilangan
- b. Napangangatuwiranan na ang mga mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa rehiyong kinabibilangan ay kailangang panatiliin
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagsunod sa mga mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa rehiyong kinabibilangan (hal. malapit na ugnayan, paggalang sa matatanda, at pagtutulungan)
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 7 (20 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 8 (22 pages)
Week 10 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling kakayahan para sa kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng pagtulong sa kapuwa sa iba’t ibang situwasyon bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassion)
- 8.
Naipakikita ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng kahandaan na mag-alok at magbigay ng angkop na pagtulong sa pangangailangan ng ibang tao
- a. Natutukoy ang mga sariling kakayahan na makatutulong sa kapuwa
- b. Napangangatuwiranan na ang kahandaan na mag- alok at magbigay ng tulong ayon sa sariling kakayahan sa kapuwa ay lilinang ng pagmamalasakit dito.
- c. Naisasakilos ang mga sariling paraan ng pagtulong sa kapuwa sa iba’t ibang situwasyon (hal. pagbabahagi ng gamit/pagkain, pag-alalay sa maysakit o nasaktan)
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 2 (24 pages), licensed through FILCOLS
Week 11 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling pagkilala sa mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) o iba pang may natatanging kondisyon.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) o iba pang may natatanging kondisyon batay sa kanilang kalagayan bilang tanda ng pagiging magalang.
- Values standard
Magalang (Respect)
- 9.
Naipakikita ang pagiging magalang sa mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) o iba pang may natatanging kondisyon sa pamamagitan ng wastong pakikipag-ugnayan
- a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) o iba pang may natatanging kondisyon
- b. Napatutunayan na ang sariling pagkilala sa mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) o iba pang may natatanging kondisyon ay nagsusulong ng paggalang at pagtanggap tungo sa payapang pakikipagkapuwa
- c. Nakapagmumungkahi ng mga wastong paraan ng pagkikipag-ugnayan batay sa kalagayan ng mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) o iba pang may natatanging kondisyon
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 3 (23 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 4 (25 pages), licensed through FILCOLS
Third Term
Week 1 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paghahandog ng panalangin sa kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagpapahayag ng panalangin para sa ibang tao batay sa kanilang pangangailangan o situwasyon bilang tanda ng pagiging madasalin.
- Values standard
Madasalin (Prayerful)
- 1.
Nakapagsasanay sa pagiging madasalin sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon o oras para sa pananalangin sa kapuwa
- a. Nailalarawan ang iba’t ibang paraan ng pananalangin para sa kapuwa
- b. Naipaliliwanag na ang paghahandog ng panalangin sa kapuwa ay pagpapaunlad ng pananampalataya
- c. Naipahahayag ang mga panalangin para sa iba’t ibang tao batay sa kanilang pangangailangan o situwasyon
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 5 (19 pages), licensed through FILCOLS
Week 2 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pamamahala sa mga bagay na hindi na nagagamit sa tulong ng kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawain sa tahanan o paaralan na nagtataguyod sa pamamahala sa mga bagay na hindi nagagamit sa tulong ng kapuwa upang malinang ang pagiging masinop.
- Values standard
Masinop (Prudent)
- 2.
Nakapagsasanay sa pagiging masinop sa pamamagitan ng paglikha ng mga gamit mula sa mga bagay na hindi na nagagamit
- a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pamamahala sa mga bagay na hindi na nagagamit sa tulong ng kapuwa
- b. Napatutunayan na ang pamamahala sa mga bagay na hindi na nagagamit sa tulong ng kapuwa ay simpleng paraan sa pagsisinop ng mga biyaya ng kalikasan
- c. Nakalalahok sa mga gawain sa tahanan o paaralan na nagtataguyod ng 4Rs sa tulong ng kapuwa (Refuse, Reduce, Reuse, Recycle)
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 6 (21 pages), licensed through FILCOLS
Week 3 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paghikayat sa kapuwa na igalang ang mga sagisag ng bansa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang panghihikayat sa kapuwa na igalang ang mga sagisag ng bansa bilang tanda ng pagmamahal sa bayan.
- Values standard
Pagmamahal sa Bayan (Love of Country)
- 3.
Naipakikita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga angkop na kilos upang maipaunawa sa kapuwa ang kahalagahan ng sagisag ng bansa
- a. Natutukoy ang mga paraan ng panghihikayat sa kapuwa na igalang ang mga sagisag ng bansa
- b. Napangangatuwiranan na ang paghikayat sa kapuwa na igalang ang mga sagisag ng bansa ay pagkilala sa pambansang adhikain, tradisyon at pagkakaisa ng mga Pilipino
- c. Naipahahayag ang panghihikayat sa kapuwa na igalang ang mga sagisag na nagtataguyod ng pagmamahal sa bayan
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 7 (17 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 8 (19 pages), licensed through FILCOLS
Week 4 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga alituntunin sa Barangay na kinabibilangan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagpili ng mga tiyak na alituntunin sa barangay na kinabibilangan na itataguyod sa sariling paraan bilang tanda ng pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 4.
Naipakikita ang pakikiisa sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawain alinsunod sa mga alituntunin sa barangay na kinabibilangan
- a. Natutukoy ang mga alituntunin sa barangay na kinabibilangan
- b. Naipaliliwanag na ang mga alituntunin sa barangay na kinabibilangan ay mahalagang sundin upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at katahimikan ng mga mamamayan
- c. Nakapipili ng mga tiyak na alituntunin sa barangay na kinabibilangan na itataguyod sa sariling paraan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 2 (17 pages), licensed through FILCOLS
Week 5 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga tungkulin ng mga taong nakatira sa Barangay.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagsunod sa mga tungkulin sa kinabibilangang barangay bilang kasapi nito upang malinang ang pagiging responsable.
- Values standard
Responsable (Responsible)
- 5.
Nakapagsasanay sa pagiging responsable sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa-bata na gampanan ang mga tungkulin bilang kasapi ng barangay na kinabibilangan
- a. Naiisa-isa ang tungkulin ng mga taong nakatira sa barangay
- b. Naipaliliwanag na ang mga tungkulin ng mga taong nakatira sa barangay ay kailangang gampanan ng lahat bilang pagtataguyod ng kanilang kabutiha
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pagsunod sa mga tungkulin sa kinabibilangang barangay bilang kasapi nito
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 3 (17 pages), licensed through FILCOLS
Week 6 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pakikibahagi sa mga gawain ng relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagpili ng mga paraan ng pakikibahagi sa mga gawain ng relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan ayon sa kaniyang kakayahan bilang tanda ng pananampalataya.
- Values standard
Pananampalataya (Faith)
- 6.
Naipakikita ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng gawain ng relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan
- a. Nakakikilala ng mga gawain ng relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan
- b. Nasusuri na ang pakikibahagi sa mga gawain ng relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan ay nakapagpapatibay ng ugnayan sa Diyos
- c. Nakapipili ng mga paraan ng pakikibahagi sa mga gawain ng relihiyon o paniniwala sa kinabibilangang pamayanan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 4 (17 pages), licensed through FILCOLS
Weeks 7 to 8 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag - unawa sa pakikiisa sa pamayanan sa pagpapanatili ng malinis na hangin.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pakikiisa sa pamayanan upang mapanatili ang kalinisan ng hangin bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassion)
- 7.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagpamalasakit sa pamamagitan ng sariling paraan upang mapalinis ang hangin
- a. Nakakikilala ng mga paraan ng pakikiisa sa pamayanan upang mapanatili ang kalinisan ng hangin
- b. Napangangatuwiranan na ang pakikiisa sa pamayanan sa pagpapanatili ng malinis na hangin ay tungkulin ng bawat mamamayan
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng pakikiisa sa pamayanan upang mapanatili ang kalinisan ng hangin (hal. pagtatanim ng halaman at puno, wastong pagtatapon ng basura)
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 5 (17 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 6 (22 pages), licensed through FILCOLS
Weeks 9 to 10 (10 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga kontribusyon ng mga makabagong bayani (Modern Day Heroes) sa bayan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng gawain na nagtatampok sa kabayanihan ng mga makabagong bayani (modern day heroes) bilang tanda ng pagiging mapagpasalamat.
- Values standard
Mapagpasalamat (Gratitude)
- 8.
Naipakikita ang pagiging mapagpasalamat pamamagitan ng pagkilala sa mga kontribusyon ng mga makabagong bayani (Modern Day Heroes) sa bayan
- a. Nakapag-uugnay ng kahalagahan ng kontribusyon ng mga makabagong bayani (Modern Day Heroes) sa kasalukuyang panahon
- b. Naipaliliwanag na ang mga kontribusyon ng mga makabagong bayani (modern day heroes) ay dapat kilalanin bilang pagpupugay sa mga mabuting naidulot nila sa pamayanan na dapat tularan ng mamamayan
- c. Nakabubuo ng gawain na nagtatampok sa kabayanihan ng mga makabagong bayani (modern day heroes) (hal. pagsasadula, skit, role playing)
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 7 (21 pages), licensed through FILCOLS
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 8 (21 pages), licensed through FILCOLS
For school heads
School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.
- The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
- Compare the plan's week with the weeks this page gives its competency. A plan ahead or behind is a question to ask about pacing, not a fault: DO 009, s. 2026 intends the budget of work as "a guiding reference only for teachers in lesson planning" (para. 25).
- Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
- DO 016, s. 2026 lets a competency "span several lessons", each session contributing "to clear and progressive goals toward learner mastery" (para. 7(a)(i)). It says nothing of a competency's parts: where one lists parts under it, check across the plan's sessions that every part is reached.
- This file gives content, performance and values standards for each block of weeks: where the plan quotes standards, check that they are its block's. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).
Guides
- DO 016, s. 2026: what a lesson plan holds, and how a school head reviews plans and coaches
- Writing an ILAW lesson plan, part by part, with three sample plans
- From curriculum to lesson: unpacking a competency, and the budget of work as a guide to pacing
- DO 015, s. 2026: summative tests, the term examination and what a school head checks
- The three-term school calendar: term dates, test dates and the End-of-Term Block
More Grade 3 budgets of work
About this page
A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to where in the term each one falls. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jul 20, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lesson exemplars are DepEd's. What this page says of each, its quarter, week, school year, pages and notice, and its title where one is shown, comes from DepEd's list of lesson exemplars and from the exemplar itself. The lines under the title, At a glance, the notes on the lesson exemplars, For school heads, the links under "More Grade 3 budgets of work", this section, and labels such as "Week" and "Content standard" are NASH Reviewer's.
NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.
If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.