Skip to content
NASH Reviewer

Grade 4 GMRC Budget of Work

Grade 4 GMRC budget of work for SY 2026-2027: DepEd's 24 learning competencies by term and week, with links to 32 DepEd lesson exemplars.

DepEd places each competency in a term and in its weeks.

The lesson exemplars named on this page are on one page of their own: Grade 4 GMRC Lesson Exemplars.

Published Updated

At a glance

Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.

TermWeeksCompe­tenciesWith an exemplar
First Term1 to 1177
Second Term1 to 1097
Third Term1 to 1085
All terms2419

DepEd's lesson exemplars that match a competency are listed once, under Lesson exemplars. Each competency names the ones it matches, and each name leads to the exemplar in that list. Each linked exemplar opens DepEd's copy on Google Drive. An exemplar's quarter and week are those of the four-quarter calendar it was written for; they are not this budget of work's terms and weeks. An exemplar whose own heading gives a different quarter, week or grade from DepEd's list of exemplars, or no week where the list gives one, is named by its title in that list. An exemplar may also cover competencies this budget of work words differently or does not print. Every exemplar's notice reserves it for teachers and forbids copying or sharing it without leave.

First Term

Weeks 1 to 3 (11 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling kakayahang mag- isip at magmahal na natatangi sa tao.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga kilos na nagpapakita ng kakayahang mag-isip at magmahal ng tao bilang tanda ng pagpapahalaga sa sarili.

Values standard

Pagpapahalaga sa sarili (Valuing oneself)

  • 1.

    Naisasabuhay ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa mga sariling kakayahan na wala sa ibang nilalang (hal. kakayahang magpasiya, umunawa ng damdamin ng iba).

    • a. Nailalarawan ang mga katangian ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya sa ibang nilalang.
    • b. Naipaliliwanag na ang sariling kakayahang mag-isip at magmahal na natatangi sa tao ay magagamit niya upang mapabuti ang kaniyang mga gawi at pakikipag- ugnayan sa kapwa.
    • c. Nakapag-aangkop ng mga kilos na nagpapakita ng kakayahang mag-isip at magmahal ng tao bilang bahagi ng kaniyang pagkabukod-tangi.

    Lesson exemplars: Quarter 1: Week 1

Weeks 3 to 5 (11 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya na nagpapanatili ng masaya at matatag na samahan bilang tanda ng pagiging matapat.

Values standard

Matapat (Honest)

  • 2.

    Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng angkop na paglalahad ng tunay na saloobin sa mga kasapi ng pamilya.

    • a. Nakakikilala ng mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya.
    • b. Napangangatuwiranan na ang mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya ay tungkulin at pananagutan ng bawat isa tungo sa masaya at matatag na samahan.
    • c. Naisasakilos ang mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya na nagpapanatili ng masaya at matatag na Samahan.

    Lesson exemplars: Quarter 1: Week 2

Weeks 5 to 7 (10 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling tungkulin sa pagkilala sa karapatan ng kapuwa- bata.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga tungkulin sa pagkilala sa mga karapatan ng kapuwa-bata bilang tanda ng pagiging magalang.

Values standard

Magalang (Respectful)

  • 3.

    Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawain na kumikilala sa karapatan ng kapuwa-bata.

    • a. Nailalahad ang sariling mga tungkulin sa pagkilala sa karapatan ng kapuwa-bata.
    • b. Nakapagbibigay ng mga patunay na ang sariling tungkulin sa pagkilala sa karapatan ng kapuwa-bata ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
    • c. Naisasakilos ang mga tungkulin sa pagkilala sa mga karapatan ng kapuwa-bata.

    Lesson exemplars: Quarter 1: Week 3, Week 4

Weeks 7 to 8 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga sariling pagkilos na may paggalang sa Diyos.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pagkilos na nagpapakita ng paggalang sa Diyos bilang tanda ng pananalig sa Kaniya.

Values standard

Pananalig sa Diyos (Faith in God)

  • 4.

    Naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng mga paraan ng pagsamba at pagsunod sa mga tagubilin ng kinabibilangang pananampalataya.

    • a. Nakapaghahayag ng mga mahalagang aral ng kinabibilangang pananampalataya.
    • b. Naipaliliwanag na ang pagkilala sa sariling pananampalataya ay nagsisilbing gabay upang mas mapabuti ang mga kilos at mailapit ang sarili sa Diyos
    • c. Naisasakilos ang mga aral ng kinabibilangang pananampalataya

    Lesson exemplars: Quarter 1: Week 5

Weeks 8 to 9 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling gawi sa pangangalaga sa mga puno at halaman.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling gawi sa pangangalaga sa mga puno at halaman bilang tanda ng pagiging mapanagutan.

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 5.

    Naipakikita ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing pangangalaga at pagpaparami ng mga puno at halaman.

    • a. Naiisa-isa ang mga sariling gawi sa pangangalaga sa mga puno at halaman.
    • b. Naipaliliwanag na ang mga sariling gawi sa pangangalaga sa mga puno at halaman ay dapat linangin sa bawat bata bilang bahagi ng kaniyang pagiging katiwala sa pagpapanatiling ligtas, malinis at maayos ang kapaligiran.
    • c. Naisasakilos ang mga sariling gawi sa pangangalaga sa mga puno at halaman.

    Lesson exemplars: Quarter 1: Week 6, Week 7

Weeks 9 to 10 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling kamalayan sa mga mabuting kaugaliang Pilipino.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga tinataglay na mabuting kaugaliang Pilipino bilang tanda ng pagmamahal sa bayan.

Values standard

Pagmamahal sa Bayan (Love of Country)

  • 6.

    Nakapagsasanay ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga gawain na nagtatampok sa mga Pilipinong nagsasabuhay ng mabuting kaugalian.

    • a. Natutukoy ang mga pansariling taglay na mga mabuting kaugaliang Pilipino (hal. masayahin, madasalin, masipag).
    • b. Naipaliliwanag na ang sariling kamalayan sa mga mabuting kaugaliang Pilipino ay mahalaga upang maiangkop ang mga kilos at pag-iisip na katangi-tangi sa lahing pinagmulan.
    • c. Naisasakilos ang mga tinataglay na mabuting kaugaliang Pilipino.

    Lesson exemplars: Quarter 1: Week 8

Weeks 10 to 11 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagpapaunlad ng sariling kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pagpapaunlad ng mga sariling kakayahan, talento at hilig na may paggabay ng pamilya bilang tanda ng tiwala sa sarili.

Values standard

Tiwala sa sarili (Self-confidence)

  • 7.

    Naisasabuhay ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng paglahok sa mga programang pampaaralan na nagpapaunlad ng mga kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya.

    • a. Naiisa-isa ang mga sariling kakayahan, talento at hilig ng isang bata na kailangang paunlarin nang may paggabay ng pamilya.
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng sariling kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya ay nakapag-aangat ng tiwala sa sarili at kalooban upang gawin ang kaniyang mga tungkulin.
    • c. Nailalapat ang sariling pagpapaunlad ng mga sariling kakayahan, talento at hilig nang may paggabay ng pamilya.

    Lesson exemplars: Quarter 2: Week 1

Second Term

Weeks 1-2 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagtitipid at pag-iimpok para makatulong sa kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagtitipid at pag-iimpok na nakalaan para sa sarili at kapuwa bilang tanda ng pagiging matipid.

Values standard

Matipid (Thrifty)

  • 1.

    Nakapagsasanay sa pagiging matipid sa pamamagitan ng pagtatabi ng mga bahagi ng baong pera/allowance o gamit na ayon sa kakayahan na maaaring makatulong sa sarili o kapuwa sa panahon ng pangangailangan.

    • a. Naipahahayag ang ugnayan ng sariling pagtitipid at pag-iimpok sa pagtulong sa kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtitipid at pag-iimpok para makatulong sa kapuwa ay mahalagang disiplinang pansarili na dapat linangin upang matugunan ang pangangailangan ng sarili at kapuwa sa takdang panahon.
    • c. Nailalapat ang mga paraan ng pagtitipid at pag-iimpok na nakalaan para sa sarili at kapuwa.

    Lesson exemplars: Quarter 3: Week 3

Weeks 2 to 3 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa sariling pagkilala sa mga natatanging taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) sa pamayanan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan upang bigyang pagkila ang mga natatanging taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) dahil sa kanilang kontribusyon bilang tanda ng pagiging mapagpasalamat.

Values standard

Mapagpasalamat (Gratitude)

  • 2.

    Naisasabuhay ang pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng paggamit sa mga kontribusyon ng mga natatanging taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) bilang gabay sa pasiya at kilos.

    • a. Nailalarawan ang mga katangi-tanging nagawa at pagpapahahalaga ng mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) sa pamayanang kinabibilangan.
    • b. Naipaliliwanag na ang sariling pagkilala sa mga natatanging taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) sa Pamayanan ay pagpapahalaga sa kanilang mga kontribusyon na nagpapabuti sa kalagayan ng lipunan o bayan.
    • c. Nakapaglalapat ng mga paraan upang bigyang pagkilala ang mga natatanging taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) dahil sa kanilang kontribusyon.

    Lesson exemplars: GMRC G4 LE Q3 W5; Quarter 4: Week 5

Weeks 3 to 4 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtupad sa mga gawain sa pamilya nang may kahusayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawain sa pamilya nang may kahusayan bilang tanda ng pagiging matiyaga.

Values standard

Matiyaga (Perseverance)

  • 3.

    Nakapagsasanay ng pagiging matiyaga sa pamamagitan ng palagiang paggawa ng mga gawaing bukas sa mungkahi ng miyembro ng pamilya.

    • a. Nakapaglalarawan ng mga aktibidad / pagkilos sa pamilya na kailangang gawin nang may kalidad.
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtupad sa mga gawain ay nakapagpapaunlad ng sarili at ugnayan sa pamilya.
    • c. Nailalapat ang mga gawain sa pamilya na kailangang gawin nang may kalidad.

    Lesson exemplars: Quarter 2: Week 2

Weeks 4 to 5 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pamilya bilang pinagmumulan ng maayos na komunikasyon sa kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga natutuhan mula sa pamilya kaugnay ng maayos na komunikasyon sa kapuwa bilang tanda ng pagiging mapagpasensiya.

Values standard

Mapagpasensiya (Patience)

  • 4.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng angkop na pananalita at pagtugon sa kapuwa nang may pagsasaalang-alang sa damdamin ng kapuwa.

    • a. Natutukoy ang mga aral na natutuhan mula sa pamilya kaugnay ng maayos na komunikasyon sa kapuwa.
    • b. Naipaliliwanag na ang pamilya bilang pinagmumulan ng maayos na komunikasyon sa kapuwa ay nakapaglilinang ng mga angkop na gawi o pagtugon sa pakikipag-ugnayan ng mga kasapi nito sa ibang tao.
    • c. Nailalapat ang mga natutuhan mula sa pamilya kaugnay ng maayos na komunikasyon sa kapuwa.

    Lesson exemplars: Quarter 2: Week 3

Weeks 5 to 6 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagbibigay-halaga sa pamilya bilang paglalapat ng mga aral ng pananampalataya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang iba’t ibang paraan ng paglalapat ng mga aral ng pananampalataya sa mga situwasyon sa pamilya bilang tanda ng pagiging masunurin.

Values standard

Masunurin (Obedience)

  • 5.

    Naipakikita ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng mapagkalingang pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya.

    • a. Nakapagpapahayag ng iba’t ibang paraan ng paglalapat ng mga aral ng pananampalataya sa mga sitwasyon sa pamilya.
    • b. Nakapagsusuri na ang paglalapat ng mga aral ng pananampalataya bilang gabay sa mga situwasyon sa pamilya ay tungo sa malugod na pamumuhay.
    • c. Naisasakilos ang iba’t ibang paraan ng paglalapat ng mga aral ng pananampalataya sa mga situwasyon sa pamilya.

    Lesson exemplars: Quarter 2: Week 4, Week 5

Weeks 6 to 7 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa tungkulin ng pamilya sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pansariling paraan bilang bahagi ng tungkulin ng pamilyang kinabibilangan sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig bilang tanda ng pagiging mabuting katiwala.

Values standard

Mabuting katiwala (Good stewardship)

  • 6.

    Napagsisikap sa pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawain ng pamilya na nagpapanatili ng kalinisan ng tubig.

    • a. Natutukoy ang mga tungkulin ng pamilya sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig.
    • b. Nabibigyang-diin na ang tungkulin ng pamilya sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig ay bahagi ng kanilang gampanin bilang katiwala na sinisiguradong may pagkukunan ng pangangailangan ang kasalukuyan at ang mga susunod na henerasyon.
    • c. Nailalapat ang mga pansariling paraan bilang bahagi ng tungkulin ng pamilyang kinabibilangan sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig.

    Lesson exemplars: Quarter 2: Week 6

Weeks 7 to 8 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapatatag sa mga gawi sa pamilya ayon sa kaugaliang Pilipino.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pakikilahok sa mga gawain na nagpapatatag ng mga kaugaliang Pilipino bilang tanda ng pagmamahal sa bayan.

Values standard

Pagmamahal sa Bayan (Love of Country)

  • 7.

    Nakapagsasanay sa pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtugon sa pagpapatatag ng mga gawi sa pamilya ayon sa kaugaliang Pilipino.

    • a. Nailalarawan ang mga kalagayan ng pagpapatatag ng mga gawi sa pamilya ayon sa kaugaliang Pilipino.
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapatatag sa mga gawi sa pamilya ayon sa kaugaliang Pilipino ay nagpapalakas ng damdaming makabayan.
    • c. Naisasakilos ang mga pakikilahok sa mga gawain na nagpapatatag ng mga kaugaliang Pilipino.

    Lesson exemplars: Quarter 2: Week 7, Week 8

Weeks 8 to 9 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtupad ng tungkulin ng pamilya sa kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pansariling paraan sa pagtupad ng tungkulin ng pamilya sa kapuwa bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.

Values standard

Mapagmalasakit (Compassion)

  • 8.

    Naisasabuhay ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pakikiisa sa pamilya sa pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa.

    • a. Nakapag-uuri ng mga tungkulin ng pamilya sa kapuwa (hal. pagiging bukas-palad sa mga nangangailangan, pakikiramay sa panahon ng krisis, pagtuturo sa mga batang walang magulang o tagapangalaga).
    • b. Napatutunayan na ang pagtupad ng tungkulin ng pamilya sa kapuwa ay dapat gampanan bilang bahagi ng kanilang tungkulin na maglingkod sa kapuwa at mapagbuti ang kanilang ugnayan.
    • c. Naisasakilos ang mga pansariling paraan sa pagtupad ng tungkulin ng pamilya sa kapuwa.

Weeks 9 to 10 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagkakapantay- pantay ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kakayahan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan na nagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba bilang tanda ng pagiging magalang.

Values standard

Magalang (Respect)

  • 9.

    Naisasabuhay ang pagiging magalang sa kapuwa sa pamamagitan ng pantay-pantay na pakikipag-ugnayan sa kabila ng pagkakaiba-iba (hal. walang pagtatangi sa kapuwa anuman ang kaniyang estado sa buhay).

    • a. Nakapaghahambing ng mga pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng sarili at kapuwa.
    • b. Naipaliliwanag na ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ay patunay na lahat ay may karapatan at tungkulin na dapat kilalanin ng bawat isa tungo sa mapayapang ugnayan.
    • c. Nakabubuo ng mga paraan upang itaguyod ang pagkapantay-pantay ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Third Term

Weeks 1 to 3 (10 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag unawa sa kababaang-loob sa kapuwa bilang tanda ng pananampalataya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga aral ng kababaang-loob sa kapuwa mula sa kinabibilangang pananampalataya bilang tanda ng pagiging mapagpakumbaba.

Values standard

Mapagpakumbaba (Humility)

  • 1.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagpakumbaba sa pamamagitan ng regular na pananalangin, kusang pag-amin sa mga nagawang kamalian, at pagkilala na lahat ay magkakapantay-pantay o walang nakahihigit sa isa’t isa.

    • a. Nakapagpapahayag ng mga aral ng kababaang-loob sa kapuwa mula sa kinabibilangang pananampalataya.
    • b. Naipaliliwanag na ang kababaang-loob sa kapuwa bilang tanda ng pananampalataya ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kanilang ugnayan tungo sa paglilingkod sa iba.
    • c. Naisasakilos ang mga aral ng kababaang-loob sa kapuwa mula sa kinabibilangang pananampalataya.

Weeks 3 to 4 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran katuwang ang kapuwa upang makaiwas sa mga sakit.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan katuwang ang kapuwa upang makaiwas sa mga sakit bilang tanda ng pagiging malinis.

Values standard

Kalinisan (Cleanliness)

  • 2.

    Naipakikita ang pagiging malinis sa pamamagitan ng pagtupad sa mga nakatakdang gawain ng paglilinis sa sariling tahanan at paaralan

    • a. Natutukoy ang mga situwasyon at paraan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran katuwang ang kapuwa
    • b. Napatutunayan na ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran katuwang ang kapuwa upang makaiwas sa mga sakit ay bahagi ng tungkuling pangalagaan ang sarili, ibang tao at kapaligiran tungo sa malusog na katawan at isip
    • c. Nailalapat ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan katuwang ang kapuwa upang makaiwas sa mga sakit

Weeks 4 to 5 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag unawa sa mga Laro ng Lahi kasama ang kapuwa-bata.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga Laro ng Lahi kasama ang kapuwa-bata na nagtatampok sa kultura ng rehiyong kinabibilangan bilang tanda ng nasyonalismo.

Values standard

Nasyonalismo (Nationalism)

  • 3.

    Napasisidhi ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga Laro ng Lahi.

    • a. Nakakikilala ng mga Laro ng Lahi kasama ang kapuwa-bata sa rehiyong kinabibilangan na nagpapakita ng kanilang kultura.
    • b. Naipaliliwanag na ang mga Laro ng Lahi kasama ang kapuwa-bata ay paraan upang maitampok muli ang kultura ng Lahing Pilipino.
    • c. Nakalalahok sa mga Laro ng Lahi kasama ang kapuwa-bata na nagtatampok sa kultura ng rehiyong kinabibilangan.

Weeks 5 to 6 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtupad ng pamilya sa mga alituntunin ng pamayanan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga alituntuning sinusunod ng pamilyang kinabibilangan sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang tanda ng pagiging masunurin.

Values standard

Masunurin (Obedience)

  • 4.

    Nakapagsasabuhay ng pagiging masunurin sa pamamagitan ng panghihikayat sa iba na tumalima sa mga alituntunin sa pamayanan.

    • a. Naiisa-isa ang mga alituntuning sinusunod ng pamilyang kinabibilangan sa pamayanan.
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtupad ng pamilya sa mga alituntunin ng pamayanan ay mahalagang gampanin para sa ligtas, maayos at mapayapang lipunan.
    • c. Nailalapat ang mga alituntuning sinusunod ng pamilyang kinabibilangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

    Lesson exemplars: GMRC G4 LE Q3 W2; Quarter 3: Week 3; Quarter 4: Week 2, Week 3

Weeks 6 to 7 (8 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga mabuting katangian ng lider- estudyante na makatutulong sa pamayanan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong pamimili ng lider sa paaralan batay sa mga katangian ng mabuting pamumuno bilang tanda ng karunungan.

Values standard

Karunungan (Wisdom)

  • 5.

    Nakapagsasanay sa karunungan sa pamamagitan ng pangingilatis ng mga pipiliing lider-estudyante batay sa katangian ng mabuting pamumuno.

    • a. Naiisa-isa ang mga mabuting katangian ng lider- estudiyante na makatutulong sa pamayanan.
    • b. Naipaliliwanag na ang mga mabuting katangian ng lider-estudiyante na makatutulong sa bayan ay nakapagkikintal ng wastong pananaw tungkol sa mapanagutang pamumuno at pagpili ng karapat- dapat na lider.
    • c. Naisasakilos ang wastong pamimili ng lider sa paaralan batay sa mga katangian ng mabuting pamumuno.

    Lesson exemplars: GMRC G4 LE Q3 W4; Quarter 4: Week 4

Weeks 7 to 8 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga gawain ng katapatan sa pamayanan bilang indikasyon ng pananampalataya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong pagtugon sa mga itinakdang situwasyon na nagbibigay- pagkakataon na ipakita ang kaniyang katapatan bilang tanda ng pagiging matapat.

Values standard

Matapat (Honest)

  • 6.

    Naisasabuhay ang pagiging matapat sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga bagay na hindi kaniya, pagiging totoo sa salita, at gawa.

    • a. Natutukoy ang mga gawain ng katapatan na umiiral sa pamayanan.
    • b. Naipaliliwanag na ang mga gawain ng katapatan sa pamayanan bilang indikasyon ng pananampalataya ay patunay ng pagsasabuhay ng mga aral ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala.
    • c. Naisasakilos ang mga wastong pagtugon sa mga itinakdang situwasyon na nagbibigay-pagkakataon na ipakita ang kaniyang katapatan.

    Lesson exemplars: GMRC G4 LE Q3 W7; GMRC G4 LE Q3 W8; Quarter 4: Week 7, Week 8

Weeks 8 to 9 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pangangalaga sa mga hayop bilang bahagi ng kapaligiran.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop bilang bahagi ng kapaligiran upang malinang ang pagiging mapagmalasakit.

Values standard

Mapagmalasakit (Compassion)

  • 7.

    Naisasabuhay ang pagiging mapagmalasakit sa mga hayop sa pamamagitan ng pagiging sensitibo at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

    • a. Nailalarawan ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop bilang bahagi ng kapaligiran.
    • b. Naipaliliwanag na ang pangangalaga sa hayop bilang bahagi ng kapaligiran ay tungkulin ng tao bilang isang mabuting katiwala upang mapanatili ang buhay at kalusugan.
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop bilang bahagi ng kapaligiran.

    Lesson exemplars: GMRC G4 LE Q3 W6; Quarter 4: Week 6

Weeks 9 to 10 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan upang maipagmalaki at tangkilikin ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan bilang tanda ng nasyonalismo.

Values standard

Nasyonalismo (Nationalism)

  • 8.

    Nakapagpapasidhi ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng interes at kamalayan sa kasaysayan ng mga lugar bilang unang hakbang sa pagpapalaganap ng mga ito.

    • a. Naiisa-isa ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan.
    • b. Naipaliliwanag na ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan ay mahalagang kilalanin, pangalagaan at pagyamanin upang ipaalala ang mga kabayanihan ng mga Pilipino o ang kahalagahan ng kasaysayan ng lugar.
    • c. Nakalilikha ng mga paraan upang maipagmalaki at tangkilikin ang mga makasaysayang lugar sa pamayanang kinabibilangan.

    Lesson exemplars: GMRC G4 LE Q3 W1; Quarter 4: Week 1

Lesson exemplars

DepEd's lesson exemplars for the subject that match a competency on this page, in DepEd's order. Each competency names the ones it matches.

For school heads

School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.

  • The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
  • Compare the plan's week with the weeks this page gives its competency. A plan ahead or behind is a question to ask about pacing, not a fault: DO 009, s. 2026 intends the budget of work as "a guiding reference only for teachers in lesson planning" (para. 25).
  • Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
  • DO 016, s. 2026 lets a competency "span several lessons", each session contributing "to clear and progressive goals toward learner mastery" (para. 7(a)(i)). It says nothing of a competency's parts: where one lists parts under it, check across the plan's sessions that every part is reached.
  • This file gives content, performance and values standards for each block of weeks: where the plan quotes standards, check that they are its block's. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).

Guides

More Grade 4 budgets of work

About this page

A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to where in the term each one falls. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jul 20, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lesson exemplars are DepEd's. What this page says of each, its quarter, week, school year, pages and notice, and its title where one is shown, comes from DepEd's list of lesson exemplars and from the exemplar itself. The lines under the title, At a glance, the notes on the lesson exemplars, For school heads, the links under "More Grade 4 budgets of work", this section, and labels such as "Weeks" and "Content standard" are NASH Reviewer's.

NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.

If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.

From the budget of work to the NASH

Practice applying the standards

Checking lesson plans against the curriculum is instructional leadership, part of Focusing on Teaching and Learning, one of the five PPSSH domains the NASH tests. Practice it with timed situational items.

What you practice with

  • Timed situational items, two minutes each
  • Items aligned with the five PPSSH domains and the SOLO taxonomy
  • Partial credit and an explanation for every choice
  • Premium: every practice set and a NASH-style mock exam
Free
Practice sets to start
30-day pass
₱1,000 for 30 days
Lifetime
₱3,000 once

Practice scores are study aids, not official NASH ratings.