Skip to content
NASH Reviewer

Grade 7 Values Education Budget of Work

Grade 7 Values Education budget of work for SY 2026-2027: DepEd's 28 learning competencies by term and week, with links to 31 DepEd lesson exemplars.

DepEd places each competency in a term and in its weeks.

The lesson exemplars named on this page are on one page of their own: Grade 7 Values Education Lesson Exemplars.

Published Updated

At a glance

Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.

TermWeeksCompe­tenciesWith an exemplar
First Term1 to 988
Second Term1 to 11109
Third Term1 to 111010
All terms2827

DepEd's lesson exemplars are listed under the competencies they match. Each linked exemplar opens DepEd's copy on Google Drive. An exemplar's quarter and week are those of the four-quarter calendar it was written for; they are not this budget of work's terms and weeks. An exemplar whose own heading gives a different quarter, week or grade from DepEd's list of exemplars, or no week where the list gives one, is named by its title in that list. An exemplar may also cover competencies this budget of work words differently or does not print. Every exemplar's notice reserves it for teachers and forbids copying or sharing it without leave.

First Term

Weeks 1-2 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa gamit ng isip at kilos-loob sa sariling pagpapasiya at pagkilos.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong gamit ng isip at kilos-loob sa mga sariling pagpapasiya at pagkilos alinsunod sa katotohanan at kabutihan upang malinang ang maingat na paghuhusga.

Values standard

Maingat na paghuhusga (Prudence)

  • 1.

    Nakapagsasanay sa maingat na paghuhusga sa pamamagitan ng pangingilatis sa katotohanan at kabutihan na nakapaloob sa isang situwasyon

    • a. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
    • b. Naipaliliwanag na ang gamit ng isip at kilos-loob sa sariling pagpapasiya at pagkilos ay ang nagsisilbing gabay sa pagpili at pagkilos na alisunod sa katotohanan at kabutihan, dahil ang mga ito ang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa ibang nilalang
    • c. Nailalapat ang wastong gamit ng isip at kilos-loob sa mga sariling pagpapasiya at pagkilos alinsunod sa katotohanan at kabutihan

Weeks 2-3 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa dignidad ng tao bilang batayan ng paggalang sa sarili, pamilya, at kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling kilos ng pagkilala sa dignidad ng sarili, pamilya, at kapuwa upang malinang ang pagiging magalang.

Values standard

Magalang (Respect)

  • 2.

    Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga gawaing magpapabuti sa sarili, pamilya, at kapuwa

    • a. Nakakikilala na ang dignidad ay ang batayan ng paggalang sa sarili, pamilya, at kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang dignidad ng tao bilang batayan ng paggalang sa sarili, pamilya, at kapuwa ay ang nagpapantay-pantay sa lahat ng tao dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob, at ito ang nagbubunsod sa kaniya na gumawa ng mabuti
    • c. Nakapaglalapat ng mga sariling kilos ng pagkilala sa dignidad ng sarili, pamilya, at kapuwa

Weeks 3-4 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasiya, pagkilos, at pakikipagkapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral nang wasto ang pagpapahalaga at virtue sa mga gagawing pagpapasiya, pagkilos at pakikipagkapuwa upang malinang ang pagiging matatag.

Values standard

Matatag (Resilience)

  • 3.

    Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng palagiang paninindigan sa mga taglay na pagpapahalaga at virtue

    • a. Nakakikilala ng mga paraan ng paggamit ng pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasiya, pagkilos, at pakikipagkapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasiya, pagkilos, at pakikipagkapuwa ay gabay na magtitiyak na patungo sa katotohanan at kabutihan ang bawat pagtugon lalo na sa mga situwasyon na sinusubok ang kanilang pagkatao
    • c. Nailalapat nang wasto ang pagpapahalaga at virtue sa mga gagawing pagpapasiya, pagkilos, at pakikipagkapuwa

Weeks 4-5 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sariling pananampalataya sa Diyos.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng sariling pananampalataya sa lahat ng oras upang malinang ang pananalig sa Diyos.

Values standard

Pananalig sa Diyos (Faith in God)

  • 4.

    Nakapagsasanay sa pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng positibong pananaw sa pagharap sa mga hamon sa buhay

    • a. Natutukoy ang mahalagang papel ng sariling pananampalataya sa buhay
    • b. Naipaliliwanag na ang sariling pananampalataya sa Diyos ay nakatutulong sa pagkakaroon ng pag-asa, katatagan, at lakas ng loob (courage) sa pagharap sa mga hamon sa buhay
    • c. Nailalapat ang sariling pananampalataya sa Diyos sa lahat ng oras lalo na sa mga mapanghamong situwasyon (hal. positibong pananaw sa kabila ng kahirapan)

Weeks 5-6 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtitipid at pag-iimpok bilang sariling pangangasiwa sa mga biyaya ng Diyos.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtitipid at pag-iimpok para tulungan ang kapuwa at pamayanan ayon sa sariling kakayahan upang malinang ang pagiging mabuting katiwala.

Values standard

Mabuting katiwala (Good stewardship)

  • 5.

    Nakapagsasanay sa pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng pagsisinop ng lahat ng bagay upang mapakinabangan hindi lamang ng sarili kundi ng kapuwa at pamayanan

    • a. Nakapag-uugnay sa kahalagahan ng pagtitipid at pag- iimpok sa sariling pangangasiwa sa mga biyaya ng Diyos
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtitipid at pag-iimpok bilang sariling pangangasiwa sa mga biyaya ng Diyos ay pagiging mabuting katiwala ng mga kaloob Niya na magagamit sa pagtulong sa kapuwa at pamayanan
    • c. Naisasakilos ang pagtitipid at pag-iimpok upang tulungan ang kapuwa at pamayanan ayon sa sariling kakayahan

Weeks 6-7 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pansariling pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pansariling pagtugon sa panahon ng kalamidad upang malinang ang kahandaan.

Values standard

Kahandaan (Preparedness)

  • 6.

    Nakapagsasanay sa kahandaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng emergency kit o katumbas nito batay sa sariling kakayahan

    • a. Nakakikilala ng mga wastong pagtugon sa panahon ng kalamidad
    • b. Naipaliliwanag na ang pansariling pagtugon sa panahon ng kalamidad ay paraan upang mailigtas ang buhay, malinang ang kahandaan sa pagharap sa mga panganib, mabawasan ang posibleng pagdurusa ng tao at makatulong sa kaligtasan ng kapuwa alinsunod sa mga alituntunin ng awtoridad
    • c. Nailalapat ang mga pansariling pagtugon sa panahon ng kalamidad

Weeks 7-8 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan sa pagtupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan upang malinang ang pagiging mapanagutan.

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 7.

    Nakapagsasanay sa pagigng mapanagutan sa pamamagitan ng panghihikayat sa iba na gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mamamayan

    • a. Nakapagpapahayag ng mga paraan sa pagtupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan ay pakikibahagi niya sa pagpapabuti at pagpapatatag ng bayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan
    • c. Nailalapat ang mga paraan ng pagtupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan tulad ng paggalang sa mga karapatan ng kapuwa, pagsunod sa mga batas, pagiging mabuting pinuno, at tagasunod

Weeks 8-9 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga natutuhang pagpapahalaga sa mga situwasyong kinakaharap upang malinang ang maingat na paghuhusga.

Values standard

Maingat na Paghuhusga (Prudence)

  • 8.

    Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng palagiang pagsangguni sa mga magulang o tagapangalaga tungkol sa mga karanasan kaugnay ng mga natutuhang pagpapahalaga

    • a. Natutukoy ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na may impluwensiya sa kaniyang pagkatao
    • b. Naipaliliwanag na ang pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga ay may gampanin na hubugin ang mga anak sa mga pagpapahalaga
    • c. Nailalapat ang mga natutuhang pagpapahalaga sa mga situwasyong kinakaharap

Second Term

Weeks 1-2 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilyang kinabibilangan bilang tanda ng pagiging matiyaga.

Values standard

Matiyaga (Perseverance)

  • 1.

    Nakapagsasanay sa pagiging matiyaga sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga kahalagahan at kahihinatnan ng pagtupad sa sariling tungkulin sa pamilyang kinabibilangan

    • a. Natutukoy ang mga tungkulin sa pamilya na nararapat tuparin
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya ay nakapaglilinang ng mga mabuting gawi, positibong pagtingin sa sarili, at nakapagpapatibay ng ugnayan sa pamilya
    • c. Naisasakilos ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilyang kinabibilangan

Weeks 2-3 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pamilya bilang likas na institusyon ng pagmamahalan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong paraan ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya bilang tanda ng pagiging mapagmahal.

Values standard

Mapagmahal (Loving)

  • 2.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagmahal sa pamamagitan ng palagiang paglingap sa kalagayan ng mga kasapi ng pamilya

    • a. Nakakikilala sa pamilya bilang likas na institusyon ng pagmamahalan
    • b. Naipaliliwanag na ang pamilya bilang likas na institusyon ng pagmamahalan ay pundasyon ng lipunan na humuhubog sa pagkatao, mabubuting gawi at pakikipagkapuwa tungo sa makabuluhang buhay
    • c. Naisasakilos ang wastong paraan ng pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya

Weeks 3-4 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa sama-samang pananalangin ng pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng pamilya upang malinang ang pagiging madasalin.

Values standard

Madasalin (Prayerful)

  • 3.

    Naisasabuhay ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng kusang paghihikayat sa sama-samang pananalangin ng pamilya sa anumang situwasyon

    • a. Natutukoy ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin ng pamilya
    • b. Nahihinuha na ang sama-samang pananalangin ng pamilya ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pananampalataya at ugnayan ng mga kasapi nito
    • c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pakikibahagi sa sama-samang pananalangin ng pamilya

Weeks 4-5 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paghubog ng konsensiya gabay ang pananampalataya ng pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paghubog ng konsensiya gabay ang pananampalataya ng pamilya upang malinang ang maingat na paghuhusga.

Values standard

Maingat na paghuhusga (Prudence)

  • 4.

    Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagninilay at pagsangguni sa mga taong may alam tungkol sa moral na pamumuhay

    • a. Nakakikilala ng mga paraan ng paghubog ng konsensiya gabay ang pananampalataya ng pamilya
    • b. Nahihinuha na ang paghubog ng konsensiya gabay ang pananampalataya ng pamilya ay makatutulong sa paggabay ng isip sa pagkilatis ng kabutihan o kasamaan ng kilos batay sa likas na batas moral upang matiyak ang palagiang pagkiling sa kabutihan
    • c. Naisasakilos ang gawain na nagpapakita ng paghubog ng konsensiya gabay ang pananampalataya ng pamilya

Weeks 5-6 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtugon ng pamilya sa pagbabago ng klima (climate change).

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng wastong pagtugon ng pamilyang kinabibilangan sa pagbabago ng klima (climate change) bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.

Values standard

Mapagmalasakit (Concerned)

  • 5.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga gawaing pampamilya ng wastong pagtugon sa pagbabago ng klima (climate change)

    • a. Naipahahayag ang mga wastong pagtugon ng pamilya sa pagbabago ng klima (climate change)
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtugon ng pamilya sa pagbabago ng klima (climate change) ay pagtupad sa mga tungkulin nitong makiisa sa mga pandaigdigang gawain upang wastong mapamahalaan ang mga epekto nito sa kapaligiran
    • c. Naisasakilos ang mga sariling paraan ng wastong pagtugon ng pamilyang kinabibilangan sa pagbabago ng klima (climate change)

Weeks 6-7 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga tungkulin ng pamilya sa bayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan bilang bahagi ng pagtupad sa tungkulin ng pamilyang kinabibilangan sa bayan bilang tanda ang nasyonalismo.

Values standard

Nasyonallismo (Nationalism)

  • 6.

    Nakapagsasanay sa nasyonalismo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kahalagahan ng mga pambansang pagdiriwang at kontribusyon ng mga bayani, paglalagay ng watawat at mga pambansang simbolo na naaayon sa batas

    • a. Natutukoy ang mga paraan ng pamilyang kinabibilangan sa pagtupad ng tungkulin nito sa bayan
    • b. Naipaliliwanag na ang mga tungkulin ng pamilya sa bayan ay paraan upang magbigay ng kontribusyon sa kabutihan, katiwasayan, kapayapaan at kaunlaran ng pamayanan na magiging matibay na pundasyon ng lipunang Pilipino
    • c. Naisasakilos ang sariling paraan bilang bahagi ng pagtupad sa tungkulin ng pamilyang kinabibilangan sa bayan

Weeks 7-8 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtuklas at pagpapaunlad ng sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagpapaunlad ng mga sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa bilang tanda ng tiwala sa sarili.

Values standard

Tiwala sa Sarili (Self-confidence)

  • 7.

    Nakapagsasanay sa tiwala sa sarili sa pamamagitan ng palagiang pagkilos ng mga paraan na tutugon sa kaniyang layunin sa pagpapaunlad ng talento at hilig

    • a. Natutukoy ang mga sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa ay nakatutulong sa pagtupad sa mga tungkulin, pagbuo ng pananaw sa ninanais na propesyon (kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay), at paglilingkod sa kapuwa ayon sa kaniyang kakayahan
    • c. Naisasakilos ang pagpapaunlad ng mga sariling talento at hilig kaagapay ang kapuwa

Weeks 8-9 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapaunlad ng sarili batay sa katangian ng pagpapakatao para sa bayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang katangian ng pagpapakatao sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin upang malinang ang pagiging mapagmalasakit.

Values standard

Mapagmalasakit (Compassion)

  • 8.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga gawaing nagpapabuti sa kalagayan ng mga mamamayan ayon sa kaniyang kakayahan

    • a. Nakakikilala ng katangian ng pagpapakatao
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng sarili batay sa katangian ng pagpapakatao para sa bayan ay makatutulong sa paggampan sa kaniyang mga tungkulin para sa pagtupad ng kaniyang misyon sa buhay na maglingkod
    • c. Nailalapat ang katangian ng pagpapakatao sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin

Weeks 9-10 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling kilos ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa upang malinang ang pagiging mapagpakumbaba.

Values standard

Mapagkumbaba (Humility)

  • 9.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagpakumbaba sa pamamagitan ng sariling kilos ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa

    • a. Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa
    • b. Nahihinuha na ang pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa ay nakatutulong sa pagbuo ng sarili at nasirang ugnayan sa pamilya at kapuwa kung isinasagawa nang may kababaang-loob
    • c. Nailalapat ang mga sariling kilos ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapuwa

Weeks 10-11 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pakikipagkaibigan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan sa pagpapatatag ng pakikipagkaibigan bilang tanda ng pagiging matapat.

Values standard

Matapat (Honest)

  • 10.

    Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan at bukas na komunikasyon sa kapuwa

    • a. Natutukoy ang mga positibong dulot ng mabuting pakikipagkaibigan
    • b. Nahihinuha na ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na sariling pagkakakilanlan, pagpapaunlad ng pagkatao, at mapayapang pakikipag-ugnayan sa kapuwa dahil nabuo ito sa kagustuhang makipag-ugnayan bunga ng pagmamahal
    • c. Naisasakilos ang mga paraan sa pagpapatatag ng pakikipagkaibigan

Third Term

Weeks 1-2 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paggalang sa mga kaugalian ng kapuwa na nakaugat sa pananampalataya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong pagtugon sa mga kaugalian ng kapuwa na nakaugat sa pananampalataya bilang tanda ng pagiging magalang.

Values standard

Magalang (Respect)

  • 1.

    Nakapagsasanay sa pagiging magalang sa pamamagitan ng pagiging sensitibo sa oras at gawain ng kapuwa na kabilang sa ibang pananampalataya

    • a. Natutukoy ang iba’t ibang kaugalian ng kapuwa na nakaugat sa pananampalataya
    • b. Naipaliliwanag na ang paggalang sa iba’t ibang kaugalian ng kapuwa na nakaugat sa pananampalataya ay nakatutulong sa pagpapanatili ng mapayapang ugnayan sa kabila ng pagkakaiba- iba ng sistema ng paniniwala
    • c. Naisasakilos ang wastong pagtugon sa mga kaugalian ng kapuwa na nakaugat sa pananampalataya

Weeks 2-3 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya upang malinang ang pagiging mapagmalasakit.

Values standard

Mapagmalasakit (Compassion)

  • 2.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa kapuwa sa pamamagitan ng paglalaan ng bahagi ng anumang halaga, gamit, oras o kasanayan para sa kapuwa batay sa kaniyang kakayahan

    • a. Nailalarawan ang mga paraan ng paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya
    • b. Naipaliliwanag na ang paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya ay pinagmumulan ng pagkukusang gumawa ng kabutihan lalo na sa mahihirap, mahihina, at nasa laylayan ng lipunan ayon sa sariling kakayahan
    • c. Nailalapat ang paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya

Weeks 3-4 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa wastong paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa upang malinang ang pagiging matipid.

Values standard

Matipid (Thrifty)

  • 3.

    Naisasabuhay ang pagiging matipid sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa na pahalagahan ang tubig at enerhiya sa lahat ng oras

    • a. Nakapagpapahayag ng mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa
    • b. Nahihinuha na ang wastong paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa ay paggampan sa tungkuling tumulong sa pagtitiyak at pagpapanatili ng mga ito
    • c. Naisasakilos ang mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa

Weeks 4-5 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga musika o sayaw ng lahi na maipagmamalaki ng kapuwa Pilipino.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagtataguyod ng mga musika o sayaw ng lahi na maipagmamalaki ng kapuwa-Pilipino bilang tanda ng nasyonalismo.

Values standard

Maingat na Paghuhusga (Prudence)

  • 4.

    Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagbibigay- kahulugan sa mga ugnayang nahinuha sa kasaysayan at kasalukuyang panahon batay sa mga mapagkakatiwalaang datos o impormasyon

    • a. Nailalarawan ang impluwensiya ng kasaysayan ng bansa sa pakikipagkapuwa
    • b. Napatutunayan na ang impluwensiya ng kasaysayan ng bayan sa pakikipagkapuwa ay nagbukas ng kamalayan sa mga ugnayang lumilinang ng mabuting pagka-Pilipino na magsisilbing batayan sa pagharap sa mga isyu ng bayan
    • c. Naisasakatuparan ang mga kilos na nagpapahalaga sa impluwensiya ng kasaysayan ng bansa sa pakikipagkapuwa

Weeks 5-6 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pamilya bilang gabay sa pagpili ng mga mabuting pinuno sa komunidad at bayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong pagkilatis sa mga pinuno na may mga mabuting katangian ayon sa gabay ng pamilya upang malinang ang karunungan.

Values standard

Karunungan (Wisdom)

  • 5.

    Nakapagsasanay sa karunungan sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa mga kahihinatnan ng mga pasiya mula sa pagkilatis sa mga katangian ng mga pinuno

    • a. Nailalarawan ang gampanin ng pamilya bilang gabay sa pagpili ng mga mabuting pinuno sa komunidad at bayan
    • b. Naipaliliwanag na ang pamilya bilang gabay sa pagpili ng mga mabuting pinuno sa komunidad at bayan ay sandigan ng mga matibay at wastong batayan sa pagkilatis o pag-alam sa mga mabuting katangian ng lider na maglilingkod sa bayan
    • c. Naisasakilos ang wastong pagkilatis sa mga pinuno na may mga mabuting katangian ayon sa gabay ng pamilya

Weeks 6-7 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mapanagutang paggamit ng social media bilang mamamayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng mapanagutang paggamit ng social media bilang mamamayan upang malinang ang disiplina.

Values standard

Disiplina (Discipline)

  • 6.

    Nakapagsasanay sa disiplina sa pamamagitan ng pag- iingat sa mga inilalagay sa sariling social media at mensahe sa iba

    • a. Nakakikilala ng mga paraan ng mapanagutang paggamit ng social media bilang mamamayan
    • b. Napatutunayan na ang mapanagutang paggamit ng social media bilang mamamayan ay paraan upang magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapuwa at katiwasayan ng bayan
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng mapanagutang paggamit ng social media bilang mamamayan

Weeks 7-8 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa papel ng espirituwalidad sa pagiging mabuting mamamayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan sa pagganap ng kaniyang tungkulin sa pamayanan na ginagabayan ng espirituwalidad upang malinang ang pagiging mapanagutan.

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 7.

    Nakapagsasanay sa pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagtitiyak sa kabutihan at saysay ng mga gawain para sa bayan

    • a. Nakapag-uugnay sa papel ng espirituwalidad sa pagiging mabuting mamamayan
    • b. Naipaliliwanag na ang papel ng espirituwalidad sa pagiging mabuting mamamayan ay nakatutulong sa pagganap ng kaniyang tungkulin sa bayan nang mapanagutan bilang indikasyon ng pag- unawa sa dahilan ng kaniyang pag-iral
    • c. Naisasakilos ang mga paraan sa pagganap ng kaniyang tungkulin sa pamayanan na ginagabayan ng espirituwalidad

Weeks 8-9 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagninilay sa mga isyu ng bayan bilang bahagi ng espirituwalidad.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagninilay sa mga isyu ng bayan bilang bahagi ng espirituwalidad upang malinang ang pagiging matiyaga.

Values standard

Matiyaga (Perseverance)

  • 8.

    Nakapagsasanay sa pagiging matiyaga sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga bagong natuklasan at epekto nito sa sariling pagpapasiya at kilos bilang bahagi ng pagninilay

    • a. Nakapagpapahayag ng mga reyalisasyon (insight) mula sa pagninilay sa mga isyu ng bayan
    • b. Napatutunayan na ang pagninilay sa mga isyu ng bayan bilang bahagi ng espirituwalidad ay kailangan upang mabigyan ng wastong kahulugan ang mga pangyayari sa paligid na magiging batayan ng kaniyang pagpapasiya at pakikisangkot ayon sa sariling kakayahan
    • c. Naisasakilos ang pagninilay sa mga isyu ng bayan bilang bahagi ng espirituwalidad

Weeks 9-10 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapanatili ng panahanan (habitat) ng mga hayop sa pamayanan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga hakbang upang maiangat ang kamalayan sa mga panahanan (habitat) ng mga hayop sa pamayanan upang mapanatili ang pagiging mabuting katiwala.

Values standard

Mabuting katiwala (Good stewardship)

  • 9.

    Nakapagsasanay sa pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng wastong paraan sa pagpapanatili ng panahanan (habitat) ng mga hayop sa pamayanan

    • a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatili ng panahanan (habitat) ng mga hayop sa pamayanan
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapanatili ng panahanan (habitat) ng mga hayop sa pamayanan ay lilikha ng balanse sa kalikasan o biodiversity upang mamuhay nang ligtas at mapayapa bilang bahagi ng tungkulin ng bawat mamamayan
    • c. Nakapaglalapat ng mga hakbang upang mapanatili ang mga panahanan (habitat) ng mga hayop sa pamayanan

Weeks 10-11 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa glokalisasyon bilang tugon sa mga suliranin ng bayan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang produkto o serbisyo na tumutugon sa pangangailangan ng pamayanang kinabibilangan alinsunod sa glokalisasyon upang malinang ang ma-inobasyon na pagiging malikhain.

Values standard

Malikhain (Creativity)

  • 10.

    Nakapagsasanay sa pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagiging sensitibo sa mga maliliit na suliranin sa pamayanan upang mabigyan ng solusyon gamit ang glokalisasyon ayon sa kaniyang kakayahan

    • a. Nakakikilala ng kabutihan ng glokalisasyon bilang tugon sa suliranin ng bayan
    • b. Naipaliliwanag na ang glokalisasyon bilang tugon sa mga suliranin ng bayan ay pakikibahagi sa pamayanan gamit ang malikhaing paraan at inspirasyon mula sa ibang bansa tungo sa paglinang ng pambansang pagkakakilanlan
    • c. Nakalilikha ng produkto o serbisyo na tumutugon sa pangangailangan ng pamayanang kinabibilangan alinsunod sa glokalisasyon

For school heads

School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.

  • The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
  • Compare the plan's week with the weeks this page gives its competency. A plan ahead or behind is a question to ask about pacing, not a fault: DO 009, s. 2026 intends the budget of work as "a guiding reference only for teachers in lesson planning" (para. 25).
  • Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
  • DO 016, s. 2026 lets a competency "span several lessons", each session contributing "to clear and progressive goals toward learner mastery" (para. 7(a)(i)). It says nothing of a competency's parts: where one lists parts under it, check across the plan's sessions that every part is reached.
  • This file gives content, performance and values standards for each block of weeks: where the plan quotes standards, check that they are its block's. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).

Guides

More Grade 7 budgets of work

About this page

A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to where in the term each one falls. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jul 20, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lesson exemplars are DepEd's. What this page says of each, its quarter, week, school year, pages and notice, and its title where one is shown, comes from DepEd's list of lesson exemplars and from the exemplar itself. The lines under the title, At a glance, the notes on the lesson exemplars, For school heads, the links under "More Grade 7 budgets of work", this section, and labels such as "Weeks" and "Content standard" are NASH Reviewer's.

NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.

If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.

From the budget of work to the NASH

Practice applying the standards

Checking lesson plans against the curriculum is instructional leadership, part of Focusing on Teaching and Learning, one of the five PPSSH domains the NASH tests. Practice it with timed situational items.

What you practice with

  • Timed situational items, two minutes each
  • Items aligned with the five PPSSH domains and the SOLO taxonomy
  • Partial credit and an explanation for every choice
  • Premium: every practice set and a NASH-style mock exam
Free
Practice sets to start
30-day pass
₱1,000 for 30 days
Lifetime
₱3,000 once

Practice scores are study aids, not official NASH ratings.