Grade 8 VALUES EDUCATION Budget of Work
Grade 8 VALUES EDUCATION budget of work for SY 2026-2027: DepEd's 28 learning competencies by term and week, with links to 32 DepEd lesson exemplars.
DepEd places each competency in a term and in its weeks.
The lesson exemplars named on this page are on one page of their own: Grade 8 VALUES EDUCATION Lesson Exemplars.
On this page
At a glance
Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.
| Term | Weeks | Competencies | With an exemplar |
|---|---|---|---|
| First Term | 1 to 9 | 8 | 8 |
| Second Term | 1 to 11 | 10 | 10 |
| Third Term | 1 to 11 | 10 | 10 |
| All terms | 28 | 28 |
DepEd's lesson exemplars are listed under the competencies they match. Each linked exemplar opens DepEd's copy on Google Drive. An exemplar's quarter and week are those of the four-quarter calendar it was written for; they are not this budget of work's terms and weeks. An exemplar whose own heading gives a different quarter, week or grade from DepEd's list of exemplars, or no week where the list gives one, is named by its title in that list. An exemplar may also cover competencies this budget of work words differently or does not print. Every exemplar's notice reserves it for teachers and forbids copying or sharing it without leave.
First Term
Weeks 1-2 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga emosyong nararamdaman.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagkilala sa mga emosyong nararamdaman upang malinang ang maingat na paghusga.
- Values standard
Maingat na paghuhusga (Prudence)
- 1.
Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagninilay sa kamalayan sa mga emosyong nararamdaman, kilos, pag-iisip, at reaksiyon ng katawan.
- a. Naiisa-isa ang mga indikasyon ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga emosyong nararamdaman.
- b. Napatutunayan na ang emosyong nararamdaman ay nakatutulong upang lubos na makilala ang sarili at makatugon nang wasto sa mga nararamdaman sa bawat situwasyon tungo sa pagpapaunlad ng sarili at ugnayan sa kapuwa.
- c. Naipakikita ang pagkilala sa mga emosyong nararamdaman.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 1 (SY 2024-2025, 17 pages), pilot implementation
Weeks 2-3 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang positibong pananaw gabay ang pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga pagkilos na nagpapahalaga sa mga positibong pananaw gabay ang pamilya upang malinang ang pagiging matatag.
- Values standard
Matatag (Resilience)
- 2.
Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga positibong pananaw gabay ang pamilya.
- a. Nailalarawan ang positibong pananaw gabay ang pamilya.
- b. Naipaliliwanag na ang positibong pananaw gabay ang pamilya ay may impluwensiya sa kalusugang pangkaisipan at pangkatawan, na nagsisilbing kanlungan sa lahat ng panahon at ito ang naglilinang ng katatagan.
- c. Naisasakilos ang mga gawain na nagpapahalaga sa mga positibong pananaw gabay ang pamilya.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 2 (SY 2024-2025, 17 pages), pilot implementation
Weeks 3-4 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pakikipagkapuwa-tao.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pakikipagkapuwa upang malinang ang pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassion)
- 3.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagiging sensitibo at wastong pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa.
- a. Nailalarawan ang mga paraan ng pakikipagkapuwa bilang isang kabataan.
- b. Naipaliliwanag na ang pakikipagkapuwa-tao ay nakaugat sa kalikasan ng tao bilang panlipunang nilalang at naglilinang ng kaniyang kaganapan bilang tao sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na indikasyon ng pagmamahal.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pakikipagkapuwa bilang isang kabataan.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 3 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Weeks 4-5 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pananampalataya bilang gabay sa pag-iingat sa sarili.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pag-iingat sa sarili gabay ang pananampalataya upang malinang ang paggalang sa buhay.
- Values standard
Paggalang sa buhay (Respect for life)
- 4.
Nakapagsasanay sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga gawain at ugnayan na nakasasama sa katawan.
- a. Natutukoy ang mga paraan ng pag-iingat sa sarili gabay ang pananampalataya.
- b. Naipaliliwanag na ang pananampalataya bilang gabay sa pag-iingat sa sarili ay pagpapanatili ng ugnayan sa Diyos at pagtiyak upang lubos na mapahalagahan ang buhay at makamit ang layunin ng kaniyang pagkalikha.
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng pag-iingat sa sarili gabay ang pananampalataya.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 4 (SY 2024-2025, 13 pages), pilot implementation
Weeks 5-6 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga sariling paraan ng pagdakila sa Diyos.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtitipid at pag-iimpok para tulungan ang kapuwa at pamayanan ayon sa sariling kakayahan upang malinang ang pagiging mabuting katiwala.
- Values standard
Mapagpasalamat (Gratitude)
- 5.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga papuri at kabutihan ng Diyos batay sa relihiyon o paniniwalang kinabibilangan.
- a. Naiisa-isa ang mga sariling paraan ng pagdakila sa Diyos.
- b. Naipaliliwanag na ang mga sariling paraan ng pagdakila sa Diyos ay pagkilala sa Kaniya at pagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang tinatamasa.
- c. Nakapaglalapat ng mga sariling paraan ng pagdakila sa Diyos batay sa relihiyon o paniniwalang kinabibilangan.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 5 (SY 2024-2025, 17 pages), pilot implementation
Weeks 6-7 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamumuhay nang payak bilang pansariling pag-iingat sa kalikasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pamumuhay bilang pansariling pag-iingat sa kalikasan upang malinang ang kapayakan.
- Values standard
Kapayakan (Simplicity)
- 6.
Nakapagsasanay ng kapayakan sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa mga pangangailangan kaysa sa kagustuhan.
- a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng payak na pamumuhay bilang pansariling pag-iingat sa kalikasan.
- b. Nahihinuha na ang payak na pamumuhay at wastong pagkunsumo ay kailangan bilang pakikiisa ng tao sa pag-iingat sa kalikasan.
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng payak na pamumuhay bilang pansariling pag-iingat sa kalikasan.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 6 (SY 2024-2025, 17 pages), pilot implementation
Weeks 7-8 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ayon sa kakayahan upang malinang ang pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassion)
- 7.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga gawaing nagtatampok ng pagtitipid at pag-iimpok upang makatulong sa pamayanan (hal. pagbibigay ng mga lata, bote, pahayagan na maaaring ibenta).
- a. Naiisa-isa ang mga paraan ng sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ayon sa kakayahan.
- b. Naipaliliwanag na ang sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ay aktibong pakikibahagi sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng sariling pag-iimpok at pagtitipid upang makatulong sa pamayanan ayon sa kakayahan.
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 7 (SY 2024-2025, 10 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 8 (SY 2024-2025, 10 pages), pilot implementation
Weeks 8-9 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga tungkulin sa sariling edukasyon bilang pagtugon sa tungkulin ng pamilya upang malinang ang pagiging masipag.
- Values standard
Masipag (Industrious)
- 8.
Nakapagsasanay sa pagiging masipag sa pamamagitan ng paggawa hanggang matapos ang mga itinakdang gawain sa pag-aaral sa kabila ng mga hamon/limitasyon.
- a. Naiisa-isa ang mga tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bawat bata.
- b. Naipaliliwanag na ang tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata ay paunlarin ang mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng bawat bata tungo sa matagumpay at makabuluhang buhay na ginagabayan ng katotohanan at kabutihan.
- c. Nailalapat ang mga tungkulin sa sariling edukasyon bilang pagtugon sa tungkulin ng pamilya.
- Lesson exemplar: Values Education G8 LE Q2 W1 (SY 2024-2025, 14 pages), pilot implementation
Second Term
Weeks 1-2 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pagsubok sa pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong pagtugon sa mga nararanasang pagsubok sa pamilyang kinabibilangan upang malinang ang pagiging matatag.
- Values standard
Matatag (Resilience)
- 1.
Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng pagtataglay ng positibong pananaw sa buhay at pagtulong sa sarili na malampasan ang mga pinagdaraanang pagsubok.
- a. Natutukoy ang mga pagsubok sa pamilya.
- b. Napatutunayan na ang mga pagsubok sa pamilya ay kailangang unawain at matanggap upang magsilbing inspirasyon at gabay sa hinaharap.
- c. Nakapaglalapat ng mga wastong pagtugon sa mga nararanasang pagsubok sa pamilyang kinabibilangan.
- Lesson exemplar: Values Education G8 LE Q2 W2 (SY 2024-2025, 14 pages), pilot implementation
Weeks 2-3 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa kadalisayan sa salita at gawa sa pakikipagkapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga kilos ng pagiging totoo sa salita at gawa sa kapuwa upang malinang ang pagiging matapat.
- Values standard
Matapat (Honest)
- 2.
Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng pagtutugma ng salita at kilos ayon sa damdamin at iniisip ng kapuwa na may pagsasaalang-alang sa kahihinatnan nito.
- a. Natutukoy ang mga paglabag sa pagiging totoo sa salita at gawa sa kapuwa (hal. pagsisinungaling, hindi pagtupad sa pangako at tungkulin).
- b. Naipaliliwanag na ang kadalisayan sa salita at gawa sa pakikipagkapuwa ay patunay ng pagkakaroon ng pananagutan sa katotohanan at mabuting konsensiya, na ang layunin ay ibigay sa kapuwa ang nararapat bilang paggalang sa kaniyang dignidad.
- c. Nailalapat ang mga kilos ng pagiging totoo sa salita at gawa sa kapuwa.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 1 (SY 2024-2025, 17 pages), pilot implementation
Weeks 3-4 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa paglinang ng positibong disposisyon bilang mamamayan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng paglinang ng positibong disposisyon bilang mamamayan upang malinang ang maingat na paghuhusga.
- Values standard
Maingat na paghusga (Prudence)
- 3.
Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga sariling pananaw sa mga pangyayari sa bayan.
- a. Nakakikilala ng mga paraan ng paglinang ng positibong disposisyon bilang mamamayan.
- b. Naipaliliwanag na ang paglinang ng positibong disposisyon bilang mamamayan ay makatutulong sa pagtupad sa mga sariling tungkulin sa bayan.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng paglinang ng positibong disposisyon bilang mamamayan.
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 1 (SY 2024-2025, 19 pages)
Weeks 4-5 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbibigay-halaga sa kabutihang dulot ng pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng pagbibigay-halaga sa mga kabuthang dulot ng pamilya upang malinang ang pagiging mapagpasalamat.
- Values standard
Mapagpasalamat (Gratitude)
- 4.
Naisasabuhay ang pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng palagiang pagdiriwang ng mga munting tagumpay na nakamit sa tulong ng mga positibong katangian ng pamilyang kinabibilangan.
- a. Nakakikilala sa mga kabutihang dulot ng pamilya sa sarili.
- b. Naipaliliwanag na ang pagbibigay-pansin at halaga sa kabutihang dulot ng pamilya ay nakatutulong upang lubos na maunawaan ang sarili.
- c. Nailalapat ang mga sariling paraan ng pagbibigay- halaga sa mga kabutihang dulot ng pamilya.
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 3 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Weeks 5-6 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagiging mapagpasalamat sa Diyos sa tulong pamilya at kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pasasalamat sa Diyos na natutuhan mula sa pamilya at kapuwa upang malinang ang pagiging mapagkumbaba.
- Values standard
Mapagkumbaba (Humility)
- 5.
Naisasabuhay ang pagiging mapagkumbaba sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapuwa bilang indikasyon ng pasasalamat sa Diyos.
- a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng pasasalamat sa Diyos mula sa natutuhan sa pamilya at kapuwa.
- b. Naipaliliwanag na ang pagiging mapagpasalamat sa Diyos sa tulong ng pamilya at kapuwa ay pagkilala sa biyayang tinatamasa.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pasasalamat sa Diyos na natutuhan mula sa pamilya at kapuwa.
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 4 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Weeks 6-7 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya upang malinang ang pananampalataya.
- Values standard
Pananampalataya (Faith)
- 6.
Naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa kinabibilangang pamilya.
- a. Nakakikilala ng mga situwasyon na indikasyon ng presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya.
- b. Napatutunayan na ang presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya ay makikita sa kapayapaan, katatagan at pagmamahalan sa loob ng pamilya.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pagkilala sa presensiya ng Diyos sa loob ng pamilya.
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 5 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Weeks 7-8 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga tugon ng pamilya sa mga pangangailangang pisyolohikal na may pagsasaalang-alang sa kalikasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga tugon ng pamilya sa mga pangangailangang pisyolohikal na may pagsasaalang-alang sa kalikasan upang malinang ang pagiging mapamaraan.
- Values standard
Mapamaraan (Resourceful)
- 7.
Nakapagsasanay sa pagiging mapamaraan (resourceful) sa pamamagitan ng pagtatanim, pagbuburo at iba pang kaugnay na gawain nang may pagsasaalang-alang sa kalikasan.
- a. Natutukoy ang mga tugon ng pamilya sa mga pangangailangang pisyolohikal ( hal. pagtatanim ng gulay, pagbuburo, at iba pang kaugnay na gawain).
- b. Naipaliliwanag na ang mga tugon ng pamilya sa mga pangagailangang pisyolohikal gaya ng pagtatanim, pagbuburo at iba pang kaugnay na gawain, bilang pinagkukunan ng pagkain ay paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan gamit ang kakayahan at taglay na resorses.
- c. Naisasakilos ang mga paraan sa pagtugon ng pamilya sa mga pangangailangang pisyolohikal na may pagsasaalang-alang sa kalikasan.
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 6 (SY 2024-2025, 15 pages), pilot implementation
Weeks 8-9 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggunita ng pamilya sa mga makasaysayang pagdiriwang.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling mga paraan ng paggunita ng pamilyang kinabibilangan sa mga makasaysayang pagdiriwang ayon sa kanilang kakayahan upang malinang ang nasyonalismo.
- Values standard
Nasyonalismo (Nationalism)
- 8.
Nakapagsasanay sa nasyonalismo sa pamamagitan ng paghahalaw ng mga virtue na ipinakita ng mga bayani at nasasalamin sa mga makasaysayang pagdiriwang.
- a. Nakakikilala ng mga paraan sa paggunita ng pamilya sa mga makasaysayang pagdiriwang.
- b. Naipaliliwanag na ang paggunita ng pamilya sa mga makasaysayang pagdiriwang ay nakapagpapaunlad ng kamalayan sa mga kabayanihan ng mga magiting na Pilipino at mahahalagang pangyayari upang bigyang- pugay ang mga ambag ng mga ito sa bansa.
- c. Nailalapat ang sariling mga paraan ng paggunita ng pamilyang kinabibilangan sa mga makasaysayang pagdiriwang ayon sa kanilang kakayahan.
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 7 (SY 2024-2025, 15 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 8 (SY 2024-2025, 14 pages), pilot implementation
Weeks 9-10 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamahala ng ugnayan sa panahon ng hindi pagkakaunawaan sa kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng pamamahala ng ugnayan kung may hindi pagkakaunawaan sa kapuwa upang malinang ang pagiging mapagpasensiya.
- Values standard
Mapagpasensiya (Patience)
- 9.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga paraan ng positibong pagpapayapa ng isip at damdamin
- a. Nakapagpapahayag ng mga wastong paraan ng pamamahala ng ugnayan kapag may hindi pagkakaunawaan sa kapuwa.
- b. Naipaliliwanag na ang pamamahala ng ugnayan sa panahon ng hindi pagkakaunawaan sa kapuwa ay mahalaga para maisalba ang mabuting ugnayan at mapairal ang kahinahunan upang makaiwas mula sa mga hindi inaasahang kahihinatnan.
- c. Naisasakilos ang mga wastong paraan ng pamamahala ng ugnayan kapag may hindi pagkakaunawaan sa kapuwa.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 2 (SY 2024-2025, 18 pages), pilot implementation
Weeks 10-11 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa positibong pananaw sa seksuwalidad ng sarili at kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan sa pagpapanatili ng positibong pag-iisip tungkol sa seksuwalidad ng sarili at kapuwa upang malinang ang pagiging magalang.
- Values standard
Magalang (Respect)
- 10.
Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga kamag-aral na isabuhay ang positibong pananaw sa seksuwalidad.
- a. Nakakikilala ng iba’t ibang pananaw sa seksuwalidad.
- b. Naipaliliwanag na ang positibong pananaw sa seksuwalidad ng sarili at kapuwa ay mahalaga sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan at paggalang sa kapuwa.
- c. Nakapaglalapat ng mga paraan sa pagpapanatili ng positibong pag-iisip tungkol sa seksuwalidad ng sarili at kapuwa.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 3 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Third Term
Weeks 1-2 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala o relihiyon.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa paniniwala o relihiyon upang malinang ang pagiging magalang.
- Values standard
Magalang (Respect)
- 1.
Nakapagsasanay sa pagiging magalang sa pamamagitan ng angkop na pagtugon kapag pinag-uusapan ang mga pagkakaiba-iba sa paniniwala ng iba’t ibang paniniwala o relihiyon.
- a. Naiisa-isa ang mga wastong paraan ng pakikipag- ugnayan sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa paniniwala o relihiyon.
- b. Napatutunayan na ang pakipag-ugnayan sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala o relihiyon ay pagtitiyak ng mapayapang pamumuhay kasama ang ibang tao.
- c. Nakapaglalapat ng mga wastong paraan ng pakikag- ugnayan sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala o relihiyon.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 4 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Weeks 2-3 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkalinga sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng pagkalinga sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya upang malinang ang pagiging mapaglingkod.
- Values standard
Mapaglingkod (Servitude)
- 2.
Naisasabuhay ang pagiging mapaglingkod sa pamamagitan ng pagkalinga sa kapuwa.
- a. Nailalarawan ang mga paraan ng pagkalinga sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya.
- b. Naipaliliwanag na ang pagkalinga sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya ay patunay ng pagmamahal sa Diyos at pagtupad sa tungkuling maglingkod sa kapuwa.
- c. Naisasakilos ang mga sariling paraan ng pagkalinga sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 5 (SY 2024-2025, 15 pages), pilot implementation
Weeks 3-4 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa ng pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa upang malinang ang pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassion)
- 3.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa mga hayop sa pamamagitan ng pagbibigay ng kailangang resorses ng mga ito ayon sa sariling kakayahan.
- a. Nakakikilala ng mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa.
- b. Napatutunayan na ang pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa ay aktibong pakikibahagi bilang mabuting katiwala ng mga nilikha ng Diyos.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pangangalaga sa mga hayop katuwang ang kapuwa.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 6 (SY 2024-2025, 16 pages), pilot implementation
Weeks 4-5 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa na ang Pilipino ay kapuwa mamamayan ng daigdig.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga katangian ng Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig upang malinang ang pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 4.
Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng wastong pakikitungo sa ibang lahi kung may pagkakataon o pakikisangkot sa mga pandaigdigang gawain na nagsusulong ng kabutihang panlahat.
- a. Natutukoy ang mga katangian ng Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig.
- b. Nahihinuha na ang mga Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig ay may katangi-tanging paraan ng pagkalinga sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi at may kakayahang makiisa sa mga pandaigdigang gawain na nagsusulong ng kabutihang panlahat.
- c. Naipakikita ang mga katangian ng Pilipino bilang kapuwa mamamayan ng daigdig.
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 7 (SY 2024-2025, 15 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 8 (SY 2024-2025, 14 pages), pilot implementation
Weeks 5-6 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin sa bayan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin sa bayan ayon sa kaniyang kakayahan upang malinang ang nasyonalismo.
- Values standard
Nasyonalismo (Nationalism)
- 5.
Nakapagsasanay ng nasyonalismo sa pamamagitan ng kahandaan sa kahihinatnan ng mga sariling pasiya o kilos sa kapuwa mamamayan.
- a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin sa bayan.
- b. Natutuklasan na ang paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin ay may kaakibat na tungkuling piliin at gawin ang mabuti para sa bayan.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng paggamit ng kalayaan sa mapanagutang pagsunod sa mga alituntunin sa bayan ayon sa kaniyang kakayahan.
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 2 (SY 2024-2025, 16 pages)
Weeks 6-7 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa paglinang ng makataong pakikipag-ugnayan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang makataong pakikipag-ugnayan upang malinang ang pagiging patas.
- Values standard
Pagiging patas (Fairness)
- 6.
Nakapagsasanay sa pagiging patas sa pamamagitan ng walang paghuhusgang pakikipag-ugnayan sa kanila at pagkilala sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa pamayanan.
- a. Nailalarawan ang makataong pakikipag-ugnayan sa bayan.
- b. Naipaliliwanag na ang makataong pakikipag-ugnayan sa bayan ay nagpapakita ng patas na pakikitungo (fair treatment) sa kapuwa anuman ang kanilang kasarian, kakayahan, katayuan sa buhay, relihiyon o paniniwala, at ideyolohiya bilang paggalang sa kanilang dignidad.
- c. Naisasakilos ang makataong pakikipag-ugnayan sa bayan.
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 3 (SY 2024-2025, 19 pages)
Weeks 7-8 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtupad sa mga gampanin ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang gampanin ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala upang malinang ang pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 7.
Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng pagkukusang maging bahagi ng mga gawain ng relihiyon o paniniwalang kinabibilangan.
- a. Naiisa-isa ang mga gampanin ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala.
- b. Nakapagpapatibay na ang pagtupad sa mga gampanin ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala ay mapagkukunan ng inspirasyon, pag-asa at karunungan sa pamumuhay sa bayan.
- c. Nakikibahagi sa pagtupad sa mga gampanin ng kinabibilangang relihiyon o paniniwala.
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 4 (SY 2024-2025, 18 pages)
Weeks 8-9 (5 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya upang malinang ang pagiging mapagbigay.
- Values standard
Matiyaga (Perseverance)
- 8.
Nakapagsasanay sa pagiging mapagbigay sa pamamagitan ng kusang-loob na pagtulong sa kapuwa gamit ang sariling oras, talento o resorses.
- a. Natutukoy ang mga paraan ng pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya.
- b. Naipaliliwanag na ang pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya ay pagtugon sa tungkuling ibahagi ang mga kaloob ng Diyos nang may pagsasaalang-alang sa pangangailangan ng kapuwa.
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pagiging bukas-palad sa kapuwa bilang salamin ng pananampalataya.
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 5 (SY 2024-2025, 18 pages)
Weeks 9-10 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtugon ng mga mamamayan sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species).
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong pagtugon ng mamamayan sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species) upang malinang ang paggalang sa buhay.
- Values standard
Paggalang sa buhay (Respect for life)
- 9.
Nakapagsasanay sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa ng wastong pag-iingat sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman(endangered species).
- a. Nakakikilala ng mga wastong pagtugon ng mga mamamayan sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species).
- b. Nahihinuha na ang pagtugon ng mga mamamayan sa pangangalaga sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species) ay pagtiyak ng kaligtasan at pagpapanatili ng balanse ng kalikasan.
- c. Naisasakilos ang mga wastong pagtugon ng mamamayan sa mga nanganganib na maubos na hayop at halaman (endangered species).
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 6 (SY 2024-2025, 19 pages)
Weeks 10-11 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pakikilahok ng pamilya sa mga gawaing pangkapayapaan ng bayan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling tungkulin sa pakikilahok ng pamilyang kinabibilangan sa mga gawaing pangkapayapaan ng bayan upang malinang ang pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 10.
Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga programa na maaaring lahukan ng pamilya na tumutugon sa kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.
- a. Natutukoy ang mga kilos ng pakikilahok ng pamilya sa mga gawaing pangkapayapaan ng bayan.
- b. Naipaliliwanag na ang pakikilahok ng pamilya sa mga gawaing pangkapayapaan ay nakatutulong sa pagpapanatili ng pagtutulungan, pagkakaisa at katiwasayan ng bayan.
- c. Nailalapat ang mga sariling tungkulin sa pakikilahok ng pamilyang kinabibilangan sa mga gawaing pangkapayapaan ng bayan.
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 7 (SY 2024-2025, 17 pages)
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 8 (SY 2024-2025, 15 pages)
For school heads
School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.
- The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
- Compare the plan's week with the weeks this page gives its competency. A plan ahead or behind is a question to ask about pacing, not a fault: DO 009, s. 2026 intends the budget of work as "a guiding reference only for teachers in lesson planning" (para. 25).
- Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
- DO 016, s. 2026 lets a competency "span several lessons", each session contributing "to clear and progressive goals toward learner mastery" (para. 7(a)(i)). It says nothing of a competency's parts: where one lists parts under it, check across the plan's sessions that every part is reached.
- This file gives content, performance and values standards for each block of weeks: where the plan quotes standards, check that they are its block's. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).
Guides
- DO 016, s. 2026: what a lesson plan holds, and how a school head reviews plans and coaches
- Writing an ILAW lesson plan, part by part, with three sample plans
- From curriculum to lesson: unpacking a competency, and the budget of work as a guide to pacing
- DO 015, s. 2026: summative tests, the term examination and what a school head checks
- The three-term school calendar: term dates, test dates and the End-of-Term Block
More Grade 8 budgets of work
About this page
A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to where in the term each one falls. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jul 20, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lesson exemplars are DepEd's. What this page says of each, its quarter, week, school year, pages and notice, and its title where one is shown, comes from DepEd's list of lesson exemplars and from the exemplar itself. The lines under the title, At a glance, the notes on the lesson exemplars, For school heads, the links under "More Grade 8 budgets of work", this section, and labels such as "Weeks" and "Content standard" are NASH Reviewer's.
NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.
If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.