Grade 10 Values Education Budget of Work
Grade 10 Values Education budget of work for SY 2026-2027: DepEd's 23 learning competencies by term and week, with links to 31 DepEd lesson exemplars.
DepEd places each competency in a term and in its weeks.
The lesson exemplars named on this page are on one page of their own: Grade 10 Values Education Lesson Exemplars.
On this page
At a glance
Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.
| Term | Weeks | Competencies | With an exemplar |
|---|---|---|---|
| First Term | 1 to 8 | 7 | 7 |
| Second Term | 1 to 9 | 8 | 7 |
| Third Term | 1 to 9 | 8 | 8 |
| All terms | 23 | 22 |
DepEd's lesson exemplars are listed under the competencies they match. Each linked exemplar opens DepEd's copy on Google Drive. An exemplar's quarter and week are those of the four-quarter calendar it was written for, even where it names SY 2026-2027; they are not this budget of work's terms and weeks. An exemplar may also cover competencies this budget of work words differently or does not print. Every exemplar's notice reserves it for teachers and forbids copying or sharing it without leave.
First Term
Weeks 1 to 2 (8 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pansariling gampanin sa mga isyung panlipunan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng pagtupad sa pansariling gampanin sa mga isyung panlipunan na nakaaapekto sa dignidad ng tao upang malinang ang pagiging mapanagutan.
- Values standard
Mapanagutan (Accountability)
- 1.
Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga gawaing nakasasama sa sarili at kapuwa gaya ng bisyo, pambubulas, panggigipit o panlalamang sa iba
- a. Natutukoy ang mga pansariling gampanin sa mga isyung panlipunan na nakaaapekto sa dignidad ng tao
- b. Nabibigyang katuwiran na ang pansariling gampanin sa mga isyung panlipunan ay mahalagang salik sa pagtataguyod ng dignidad ng tao na makatutulong upang mawala ang diskriminasyon
- c. Nailalapat ang mga wastong paraan ng pagtupad sa pansariling gampanin sa mga isyung panlipunan na nakaaapekto sa dignidad ng tao
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 1 (SY 2026-2027, 14 pages)
Weeks 2-3 (8 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gampanin upang tugunan ang pangangailangan ng sariling kinabukasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gampanin upang paghandaan ang pangangailangan ng sariling kinabukasan ayon sa kakayahan upang malinang ang pagiging matiyaga.
- Values standard
Matiyaga (Perseverance)
- 2.
Nakapagsasanay sa pagiging matiyaga sa pamamagitan ng angkop na pagtugon sa mga hamon ng pag-iimpok o pamumuhunan upang makapaghanda para sa sariling kinabukasan
- a. Nakapagsusuri ng mga gampanin upang tugunan ang pangangailangan ng sariling kinabukasan
- b. Naipaliliwanag na ang mga gampanin upang tugunan ang pangangailangan ng sariling kinabukasan ay makatutulong na mapagtagumpayan ang mga hamon ukol sa pinansiyal o materyal na bagay tungo sa paghubog ng mga gawi nang maayos na pamamahala ng mga resorses
- c. Naisasakilos ang mga gampanin upang paghandaan ang pangangailangan ng sariling kinabukasan ayon sa kakayahan
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 2 (SY 2026-2027, 14 pages)
Weeks 3-4 (8 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pakikipagdiyalogo gamit ang social media o iba pang ugnayan sa kapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng pakikipagdiyalogo gamit ang social media o iba pang ugnayan sa kapuwa.
- Values standard
Mapagpasensiya (Patience)
- 3.
Nakapagsasanay ng pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang ng katotohanan ng mga impormasyon o detalye na nakapaloob sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa bago gumawa ng pagpapasiya o hakbang
- a. Nakakikilala ng mga wastong paraan ng pakikipagdiyalogo gamit ang social media o iba pang ugnayan sa kapuwa
- b. Naipaliliwanag na ang pakikipagdiyalogo gamit ang social media o iba pang ugnayan sa kapuwa ay nakaugat sa pagpapahalaga sa dignidad ng tao kung kaya’t dapat itong nakaayon sa mga sinusunod na alituntunin sa wastong pakikipag-ugnayan
- c. Nailalapat ang mga wastong paraan ng pakikipagdiyalogo gamit ang social media o iba pang ugnayan sa kapuwa
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 3 (SY 2026-2027, 16 pages)
Weeks 4-5 (8 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapatibay ng pansariling ugnayan sa Diyos tungo sa makabuluhang buhay.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapatibay ng pansariling ugnayan sa Diyos tungo sa makabuluhang buhay bilang tanda ng pananamapalataya.
- Values standard
Pananampalataya (Faith)
- 4.
Naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagdaraos o pakikilahok sa mga gawain ayon sa kakayahan
- a. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapatibay ng pansariling ugnayan sa Diyos tungo sa makabuluhang buhay
- b. Napatutunayan na ang pagpapatibay ng pansariling ugnayan sa Diyos tungo sa makabuluhang buhay ay katangian ng tao bilang esprituwal na nilalang na naipakikita sa paglilingkod sa kapuwa at pagkiling sa kabutihan
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagpapatibay ng pansariling ugnayan sa Diyos tungo sa makabuluhang buhay
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 4 (SY 2026-2027, 14 pages)
Weeks 5-6 (8 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling pagtugon sa mga isyung pangkalikasan tungo sa sustenableng pag-unlad.
- Performance standard
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang sariling pagtugon sa mga isyung pangkalikasan tungo sa sustenableng pag-unlad bilang tanda ng pagiging mabuting katiwala.
- Values standard
Mabuting katiwala (Good stewardship)
- 5.
Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga adbokasiya at proyektong pangkapaligiran sa paaralan o pamayanan
- a. Natatalakay ang sariling pagtugon sa mga isyung pangkalikasan tungo sa sustenableng pag-unlad
- b. Naipaliliwanag na ang sariling pagtugon sa mga isyung pangkalikasan tungo sa sustenableng pag- unlad ay gampanin ng bawat indibidwal upang makapagbigay ng kontribusyon sa pagpapabuti ng pinagkukunang-yaman at pagharap sa mga maaaring suliranin na kaakibat nito
- c. Nailalapat ang wastong pagtugon sa mga isyung pangkalikasan tungo sa sustenableng pag-unlad ayon sa kakayahan
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 5 (SY 2026-2027, 12 pages)
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 6 (SY 2026-2027, 12 pages)
Weeks 6-7 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling paninindigan sa karapatang pantao tungo sa makatarungang pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral nang wasto at mapayapa ang sariling paninindigan sa karapatang pantao tungo sa makatarungang pamayanan upang malinang ang pagiging makatarungan.
- Values standard
Katarungan (Justice)
- 6.
Nakapagsasanay ng pagiging makatarungan sa pamamagitan ng patas na pakikitungo sa kapuwa at pagsasaalang-alang nang makatuwirang pagtatangi sa opinyon at saloobin ng iba
- a. Nakapagsusuri ng mga paraan ng paninindigan sa karapatang pantao tungo sa makatarungang pamayanan
- b. Nahihinuha na ang sariling paninindigan sa karapatang pantao tungo sa makatarungang pamayanan ay mahalaga upang magkaroon ng wastong kamalayan at pag-unawa sa mga nararapat na ibigay sa kapuwa na may kaakibat na paggalang sa kanilang dignidad at pakikitungo nang patas at pantay
- c. Naisasakilos nang wasto at mapayapa ang sariling paninindigan sa karapatang pantao tungo sa makatarungang pamayanan
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 7 (SY 2026-2027, 16 pages)
- Lesson exemplar, Quarter 1 Week 8 (SY 2026-2027, 14 pages)
Weeks 7-8 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling pagpapahalaga bilang gabay sa pagpaplano sa buhay.
- Performance standard
Naisasagawa ang mga plano na nagpapakita ng wastong paghahanda sa pagpaplano sa buhay upang malinang ang pagiging mapanagutan.
- Values standard
Mapanagutan (Accountability)
- 7.
Nakapagsasanay ng pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagbubuo ng tamang pananaw sa ibayong paghahanda sa bokasyong pagpapamilya
- a. Nasusuri ang mga sa sariling pagpapahalaga bilang gabay sa pagpaplano sa buhay (hal. Pagkakaraon ng trabaho, pagpasok sa isang bokasyon, pagpapamilya at iba)
- b. Naipaliliwanag na ang sariling pagpapahalaga sa pagpaplano sa buhay ay nangangailangan ng ibayong paghahanda at komitment bilang moral na pananagutan
- c. Nakapagbabalangkas ng mga plano na nagpapakita ng wastong paghahanda sa pagpaplano sa buhay
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 1 (SY 2026-2027, 19 pages), pilot implementation
Second Term
Weeks 1 to 2 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga katangian ng pagmamagulang.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng positibong pananaw sa mga katangian ng pagmamagulang na may pagkilala sa konteksto at kakanyahan ng bawat pamilya upang malinang ang pagiging maunawain.
- Values standard
Maunawain (Understanding)
- 1.
Nakapagsasanay sa pagiging maunawain sa pamamagitan ng walang paghuhusgang pagtanggap sa iba’t ibang katangian ng pagmamagulang
- a. Nasusuri ang mga katangian ng pagmamagulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak
- b. Napatutunayan na ang mga katangian ng pagmamagulang ay nakaugat sa paniniwala, kultura at karanasan ng pamilya na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng kabuuang pagkatao at mga pagpapahalaga niya
- c. Nakabubuo ng positibong pananaw sa mga katangian ng pagmamagulang na may pagkilala sa konteksto at kakanyahan ng bawat pamilya
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 2 (SY 2026-2027, 24 pages), pilot implementation
Weeks 2-3 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpili ng iba’t ibang bokasyon gabay ang pamilya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng positibong pananaw sa pipiliing bokasyon gabay ang pamilya upang malinang ang karunungan.
- Values standard
Karungan (Wisdom)
- 2.
Naisasabuhay ang karunungan sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang ng mga kahihinatnan ng pipiliing bokasyon gabay ang pamilya
- a. Nakapagpapahayag ng iba’t ibang bokasyon na maaaring piliin gabay ang pamilya
- b. Naipaliliwanag na ang pagpili ng iba’t ibang bokasyon gabay ang pamilya ay indikasyon ng pagkilala sa sarili na nangangailangan ng ibayong paghahanda at commitment upang matamo ang tagumpay at tunay na kaligayahan tungo sa makabuluhang buhay
- c. Nailalapat ang positibong pananaw sa pipiliing bokasyon gabay ang pamilya
Weeks 3-4 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapahalaga sa impluwensiya ng pamilya sa pananampalataya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapahalaga sa impluwensiya ng pamilya sa pananampalataya bilang tanda ng pagiging mapagpasalamat.
- Values standard
Mapagpasalamat (Gratitude)
- 3.
Naisasabuhay ang pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng pagtatangi sa mga gawi ng pamilya sa pananampalatayang kinabibilangan
- a. Natutukoy ang paraan ng pagpapahalaga sa impluwensiya ng pamilya sa pananampalataya
- b. Naipaliliwanag na ang pagpapahalaga sa impluwensiya ng pamilya sa pananampalataya ay nagpapatibay sa mga natutuhan at kinalakihang paniniwala ukol sa Diyos na magbibigay direksyon sa mga moral na pagpapasiya sa buhay
- c. Nailalapat ang mga paraan ng pagpapahalaga sa impluwensiya ng pamilya sa pananampalataya
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 4 (SY 2026-2027, 24 pages), pilot implementation
Weeks 4-5 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtugon ng pamilya sa mga isyung pagkalikasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sarling gampanin sa pagtugon ng pamilya sa mga isyung pagkalikasan bilang tanda ng pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 4.
Naisasabuhay ang pakikiisa sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga polisiya o alituntunin sa pangangalaga sa kalikasan gabay ang pamilya
- a. Natutukoy ang mga paraan ng pagtugon ng pamilya sa mga isyung pagkalikasan
- b. Naipaliliwanag na ang pagtugon ng pamilya sa mga isyung pagkalikasan ay kinakailangan ng kamalayan at pakikiisa ng bawat kasapi nito tungo sa kolektibong pananagutan ng pangangalaga sa kapaligiran
- c. Naisasakilos ang mga sarling gampanin sa pagtugon ng pamilya sa mga isyung pagkalikasan
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 5 (SY 2026-2027, 19 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 6 (SY 2026-2027, 13 pages), pilot implementation
Weeks 5-6 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa wastong pagtugon ng pamilya sa mga napapanahong isyung panlipunan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong pagtugon ng pamilya sa mga napapanahong isyung panlipunan bilang tanda ng pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 5.
Naisasabuhay ang pakikiisa sa pamamagitan ng aktibong pakikisangkot sa mga proyekto at programang panlipunan
- a. Natutukoy ang mga wastong pagtugon ng pamilya sa mga napapanahong isyung panlipunan
- b. Naipaliliwanag na ang wastong pagtugon ng pamilya sa mga napapanahong isyung panlipunan ay bahagi ng kanilang pananagutan bilang pangunahing tagapaghubog ng mga susunod na mamamayan tungo sa maunlad na pamayanan
- c. Nailalapat ang sarling paraan bilang bahagi ng wastong pagtugon ng pamilya sa mga napapanahong isyung panlipunan
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 7 (SY 2026-2027, 20 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 2 Week 8 (SY 2026-2027, 14 pages), pilot implementation
Weeks 6-7 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu ng pakikipagkapuwa batay sa mga uri ng konsensiya.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong pakikipagkapuwa batay sa mga uri ng konsensiya upang malinang ang pagiging matapat.
- Values standard
Matapat (Honest)
- 6.
Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng palagiang pagninilay sa iba’t ibang ugnayan sa kapuwa na may pagkiling sa kabutihan batay sa mga uri ng konsensiya
- a. Nasusuri ang mga isyu ng pakikipagkapuwa batay sa mga uri ng konsensiya
- b. Naipaliliwanag na ang mga isyu ng pakikipagkapuwa batay sa mga uri ng konsensiya ay nangangailangan ng tamang pag-unawa na gagabay sa wastong paghuhusga o pagpapasiya na may pagkiling sa kabutihan upang mapanatili at mapaunlad ang positibong pakikitungo sa iba
- c. Nailalapat ang mga wastong pakikipagkapuwa batay sa mga uri ng konsensiya
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 1 (SY 2026-2027, 17 pages)
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 2 (SY 2026-2027, 19 pages)
Weeks 7-8 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng personal na pagpili ng Karera sa pagpapabuti ng pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagpili ng Karera nang may pagsasa-alang-alang sa mga panloob at panlabas na salik tungo sa pagpapabuti ng pamayanan bilang tanda ng maingat na paghuhusga.
- Values standard
Maingat na paghusga (Prudence)
- 7.
Nailalapat ang maingat na paghusga sa pagpili ng karera nang may pagsasa-alang-alang sa mga panloob at panlabas na salik tungo sa pagpapabuti ng pamayanan
- a. Naiisa-isa ang mga salik sa pagpili ng sariling Karera (hal. Senior High School Track, trabaho, negosyo, kurso at iba pa) na may kaugnayan sa pagpapabuti ng pamayanan
- b. Naipaliliwanag na ang ugnayan ng personal na pagpili ng karera sa pagpapabuti ng pamayanan ay nangangailangan ng ibayong paghahanda bilang bahagi ng kaniyang pansarili at panlipunang gampanin tungo sa matagumpay na kinabukasan at makabuluhang buhay
- c. Naisasakilos ang pagpili ng karera nang may pagsasa- alang-alang sa mga panloob at panlabas na salik tungo sa pagpapabuti ng pamayanan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 1 (SY 2026-2027, 26 pages), pilot implementation
Weeks 8-9 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pang- unawa sa makataong kilos gabay ang pamilya tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga makataong kilos gabay ang pamilya tungo sa makabuluhang pakikpagkapuwa bilang tanda ng pagiging mapanagutan.
- Values standard
Mapanagutan (Accountability)
- 8.
Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagtitimbang sa mga pasiya at gawi na magpapanatili ng wastong pakikipag-ugnayan sa kapuwa
- a. Nasusuri ang mga makataong kilos gabay ang pamilya tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa
- b. Nahihinuha na ang makataong kilos gabay ang pamilya tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa ay magbubunsod ng ugnayan na may pagpapahalaga sa dignidad ng tao at kusang pagpapasiya na may pagsasaalang-alang sa kabutihan ng lahat
- c. Naisasakilos ang makataong kilos gabay ang pamilya tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 3 (SY 2026-2027, 19 pages)
Third Term
Weeks 1 to 2 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu sa paggawa na nakaaapekto sa pakikipagkapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga mungkahi sa mga isyu sa paggawa na nakaaapekto sa pakikipagkapuwa upang malinang ang pagiging makatarungan.
- Values standard
Makatarungan (Justice)
- 1.
Nakapagsasanay sa pagiging makatarungan sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga posisyon o paninindigan na nakabatay sa mga wastong pamantayan, obhektibong pagtingin sa situwasyon at mga mungkahing magpapabuti dito
- a. Nasusuri ang mga isyu sa paggawa na nakaaapekto sa pakikipagkapuwa
- b. Napatutunayan na ang mga isyu sa paggawa na nakaaapekto sa pakikipagkapuwa ay nangangailangan ng wasto at kolektibong pagtugon upang mangibabaw ang mga mabuting gawi na makatutulong sa produktibong ugnayan at paggawa at mapagtagumpayan ang mga hamon dito
- c. Nakabubuo ng mga mungkahi sa mga isyu sa paggawa na nakaaapekto sa pakikipagkapuwa
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 4 (SY 2026-2027, 14 pages)
Weeks 2-3 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pananampalataya o paniniwala bilang gabay sa mabuting pakikipagkapuwa.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga aral ng pananampalataya o paniniwala bilang gabay sa pakikipagkapuwa upang malinang ang pagtataglay ng integridad.
- Values standard
Integridad (Integrity)
- 2.
Nakapagsasanay sa pagtataglay ng integridad sa pamamagitan ng pagsusulong ng mabuting pakikipagkapuwa kahit walang sumusubaybay alinsunod sa kinabibilangang pananampalataya o paniniwala
- a. Nakapagpapahayag ng mga aral ng pananampalataya o paniniwala bilang gabay sa mabuting pakikipagkapuwa
- b. Naipaliliwanag na ang pananampalataya o paniniwala bilang gabay sa mabuting pakikipagkapuwa ay mahalagang isabuhay sa anumang situwasyon upang mapanatili at mapaunlad ang ugnayan na nakabatay sa pagmamahal at pagkalinga sa kapuwa tungo sa makabuluhang buhay at mas malalim na ugnayan sa Diyos
- c. Nailalapat ang mga aral ng pananampalataya o paniniwala bilang gabay sa pakikipagkapuwa
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 5 (SY 2026-2027, 19 pages)
Weeks 3-4 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakapit-bisig sa pagharap sa mga napapanahong isyung pangkalikasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pakikipagkapit-bisig sa pagharap sa mga napapanahong isyung pangkalikasan upang malinang ang pakikiisa.
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 3.
Naisasabuhay ang pakikiisa sa pamamagitan ng panghihimok sa kapuwa na makilahok sa mga napapanahong gawaing pangkalikasan na may pagsasaalang-alang sa kanilang kakayahan
- a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagkakapit-bisig sa pagharap sa mga napapanahong isyung pangkalikasan
- b. Napatutunayan na ang pagkakapit-bisig sa pagharap sa mga napapanahong isyung pangkalikasan ay pagtupad sa gampanin ng lahat na tugunan ang mga banta sa pagkasira, pagkaubos at pananamantala sa kalikasan
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng pakikipagkapit- bisig sa pagharap sa mga napapanahong isyung pangkalikasan
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 6 (SY 2026-2027, 18 pages)
Weeks 4-5 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtanggap sa pagkakaiba- iba ng kultura ng iba’t ibang henerasyon.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng iba’t ibang henerasyon ng kapuwa bilang tanda pagpapahalaga sa pamana ng kultura.
- Values standard
Pagpapahalaga sa Pamana ng Kultura (Appreciation of Cultural Heritage)
- 4.
Naisasabuhay ang pagpapahalaga sa pamana ng kultura sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga gawi o paraan ng pamumuhay at kultura ng iba’t ibang henerasyon
- a. Nailalahad ang pagkakaiba-iba ng kultura ng iba’t ibang henerasyon
- b. Napatutunayan na ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng iba’t ibang henerasyon ay daan sa malalim at mabuting pakikipag-ugnayan ng bawat isa tungo sa mahusay at maginhawang samahan sa pamayanan
- c. Nakapaglalapat ng mga paraan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng iba’t ibang henerasyon
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 7 (SY 2026-2027, 18 pages)
- Lesson exemplar, Quarter 3 Week 8 (SY 2026-2027, 16 pages)
Weeks 5-6 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pantay-pantay na pagtingin sa iba’t ibang propesyon sa pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan na nagpapakita nang pantay na pagtingin sa iba’t ibang propesyon sa pamayanan bilang tanda ng pagiging magalang.
- Values standard
Magalang (Respect)
- 5.
Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng pagtatangi sa mga kontribusiyon ng bawat propesyon sa pamayanang kinabibilangan
- a. Nakapaglalarawan ng mga paraan na nagpapakita nang pantay-pantay na pagtingin sa iba’t ibang propesyon sa pamayanan
- b. Napatutunayan na ang pantay-pantay na pagtingin sa iba’t ibang propesyon sa pamayanan ay nangangailangan ng ibayong kamalayan at positibong pananaw na may kaakibat na paggalang, pagtanggap at pagpapahalaga sa kontribusiyon ng bawat indibidwal tungo sa pagpapabuti ng sariling pamumuhay at pamayanang kinabibilangan
- c. Naisasakilos ang mga paraan na nagpapakita nang pantay-pantay na pagtingin sa iba’t ibang propesyon sa pamayanan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 2 (SY 2026-2027, 15 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 3 (SY 2026-2027, 15 pages), pilot implementation
Weeks 6-7 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa nagkakaisang gawain ng iba’t ibang pananampalataya o paniniwala tungo sa mapayapang pamayanan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan bilang bahagi ng nagkakaisang gawain ng iba’t ibang pananampalataya o paniniwala tungo sa mapayapang pamayanan bilang tanda ng pakikiisa
- Values standard
Pakikiisa (Cooperation)
- 6.
Naisasabuhay ang pakikiisa sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga gawaing pampamayanan na nagpapabuklod sa iba’t ibang pangkat ng pananamapalataya o paniniwala
- a. Natatalakay ang mga nagkakaisang gawain ng iba’t ibang pananampalataya o paniniwala tungo sa mapayapang pamayanan
- b. Naipaliliwanag na ang nagkakaisang gawain ng iba’t ibang pananampalataya o paniniwala tungo sa mapayapang pamayanan ay magsusulong sa paglutas ng sigalot, pagtugon sa pangangailangan at pagtutulungan na kaakibat ang pagtanggap at paggalang sa tao sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba
- c. Nailalapat ang sariling paraan bilang bahagi ng nagkakaisang gawain ng iba’t ibang pananampalataya o paniniwala tungo sa mapayapang pamayanan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 4 (SY 2026-2027, 21 pages), pilot implementation
Weeks 7-8 (7 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga napapanahong pandaigdigang adbokasiyang pangkalikasan.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbubuo ng adbokasiya bilang pagtugon sa mga napapanahong pandaigdigang isyu ng kalikasan bilang tanda ng pagiging mapagmalasakit.
- Values standard
Mapagmalasakit (Compassionate)
- 7.
Naisasabuhay ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng panghihikayat sa iba na makibahagi sa iba’t ibang adbokasiya na tumutugon sa mga pandaigdigang isyu ng kalikasan
- a. Natutukoy ang mga napapanahong pandaigdigang adbokasiyang pangkalikasan
- b. Napatutunayan na ang mga napapanahong pandaigdigang adbokasiyang pangkalikasan ay pagtugon na nakaugat sa pagmamahal sa kapaligiran na dapat maisapuso ng bawat mamamayan ng daigdig bilang kaniyang gampanin sa pag-iingat at pagpapayaman dito
- c. Nakabubuo ng adbokasiya bilang pagtugon sa mga napapanahong pandaigdigang isyu ng kalikasan
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 5 (SY 2026-2027, 21 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 6 (SY 2026-2027, 12 pages), pilot implementation
Weeks 8-9 (6 days)
- Content standard
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan ng daigdig.
- Performance standard
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng wastong pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan ng daigdig (global citizen) bilang tanda ng pandaigdigang pag-unawa at pagkakaisa.
- Values standard
Pandaigdigang Pag-unawa at Pagkakaisa (International Understanding and Solidarity)
- 8.
Naisasabuhay ang pandaigdigang pag-unawa at pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpukaw sa kamalayan at damdamin ng iba sa pagtupad ng tungkulin bilang mamamayan ng daigdig (global citizen)
- a. Nasusuri ang mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan ng daigdig (global citizen)
- b. Naipaliliwanag na ang mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan ng daigdig (global citizen) ay humuhubog sa mga pagpapahalaga at pananaw sa lipunan ng bawat mamamayan
- c. Naisasakilos ang mga paraan ng wastong pagtugon sa mga mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan ng daigdig (global citizen)
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 7 (SY 2026-2027, 17 pages), pilot implementation
- Lesson exemplar, Quarter 4 Week 8 (SY 2025-2026, 19 pages), pilot implementation
For school heads
School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.
- The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
- Compare the plan's week with the weeks this page gives its competency. A plan ahead or behind is a question to ask about pacing, not a fault: DO 009, s. 2026 intends the budget of work as "a guiding reference only for teachers in lesson planning" (para. 25).
- Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
- DO 016, s. 2026 lets a competency "span several lessons", each session contributing "to clear and progressive goals toward learner mastery" (para. 7(a)(i)). It says nothing of a competency's parts: where one lists parts under it, check across the plan's sessions that every part is reached.
- This file gives content, performance and values standards for each block of weeks: where the plan quotes standards, check that they are its block's. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).
Guides
- DO 016, s. 2026: what a lesson plan holds, and how a school head reviews plans and coaches
- Writing an ILAW lesson plan, part by part, with three sample plans
- From curriculum to lesson: unpacking a competency, and the budget of work as a guide to pacing
- DO 015, s. 2026: summative tests, the term examination and what a school head checks
- The three-term school calendar: term dates, test dates and the End-of-Term Block
More Grade 10 budgets of work
- Araling Panlipunan
- English
- Filipino
- MAPEH
- Mathematics
- Science
- TLE: AFA - Agricultural Crop Production
- TLE: AFA - Animal Production
- TLE: AFA - Aquaculture (Fish Culture)
- TLE: AFA - Fish Capture
- TLE: AFA - Food and Beverage Processing
- TLE: FCS - Beauty Care Services
- TLE: FCS - Food Preparation
- TLE: FCS - Food Service
- TLE: FCS - Garments
- TLE: FCS - Handicraft
- TLE: FCS - Health and Wellness Massage
- TLE: FCS - Hotel Services
- TLE: FCS - Tourism Services
- TLE: IA - Automotive and Small Engine Servicing
- TLE: IA - Electrical and Electronics Servicing
- TLE: IA - Residential Carpentry
- TLE: IA - Residential Masonry and Tile Setting
- TLE: IA - Residential Plumbing
- TLE: IA - Shielded Metal Arc Welding (SMAW)
- TLE: ICT - Computer Programming
- TLE: ICT - Computer Systems Servicing
- TLE: ICT - Telecommunications
- TLE: ICT - Visual Arts
- Grade 10 Budgets of Work
About this page
A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to where in the term each one falls. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jul 20, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lesson exemplars are DepEd's. What this page says of each, its quarter, week, school year, pages and notice, and its title where one is shown, comes from DepEd's list of lesson exemplars and from the exemplar itself. The lines under the title, At a glance, the notes on the lesson exemplars, For school heads, the links under "More Grade 10 budgets of work", this section, and labels such as "Weeks" and "Content standard" are NASH Reviewer's.
NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.
If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.