Grade 11 Mabisang Komunikasyon Budget of Work
Grade 11 Mabisang Komunikasyon budget of work for SY 2026-2027 (Core Subjects): DepEd's 44 learning competencies by term, the weeks set by the teacher.
DepEd places each competency in a term and leaves the weeks to the teacher.
DepEd lists it under Core Subjects.
DepEd's Grade 11 budgets of work are for its strengthened senior high school curriculum, which DepEd directs every public and private senior high school to teach in Grade 11 from SY 2026-2027 (DM 012, s. 2026, para. 4).
On this page
At a glance
Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.
| Term | Weeks | Competencies |
|---|---|---|
| Unang Termino Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Interpersonal | Set by the teacher | 20 |
| Ikalawang Termino Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Akademiko at Pagsasanay | Set by the teacher | 14 |
| Ikatlong Termino Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Propesyonal at Pantrabaho | Set by the teacher | 10 |
| All terms | 44 |
DepEd's notes
* Pangkatin (i-cluster) ang mga kasanayang pampagkatuto mula sa iba’t ibang domeyn sa pagdidisenyo ng lingguhang aralin, batay sa pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral.
Unang Termino
Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Interpersonal
- Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mabisang komunikasyon sa personal, interpersonal, sosyal at kultural na konteksto sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nilang ang mga padron ng interaksyon ay naiaangkop, kolaboratibo, sumasalamin sa gampaning panlipunan, mga panlipunang pamantayan at dinamika, at kultural na pagkakaiba-iba; at ang pagkakaroon ng tiwala, emosyonal na pagtugon, pag-unawa sa konteksto, pagiging bukas, pagkakaroon ng sensibilidad sa kultura, paggamit ng ingklusibong wika, at mga etikal na konsiderasyon ay nagpapalalim ng makakabuluhang ugnayan at pakikipagpalagayang-loob sa malalim na pag-unawa sa iba't ibang komunidad, sa parehong pampubliko at dihital na espasyo.
- Performance standard
Nagagampanan ng mga mag-aaral ang mga tiyak na papel sa mga kontrolado at di-kontroladong personal, interpersonal, sosyal, at kultural na sitwasyong komunikatibo; nakikibahagi sa komunikasyong intrapersonal kabilang ang pagtatakda ng layunin, pagninilay, at pagsusulat sa talaarawan; nakalalahok sa mahahabang usapan at talakayan hinggil sa iba’t ibang paksang personal, interpersonal, sosyal, at kultural; nakapagbibigay ng maiikli at mahahabang tugon sa mga tanong na may kaugnayan sa nilalaman at layunin ng mga pag-uusap at korespondensiya; nakalilikha ng maiikli at mahahabang personal at interpersonal na korespondensiya sa mga anyong gaya ng liham, email, text o chat, at mga post sa social media; nakikilahok sa mga sitwasyong komunikatibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat panlipunan at kultural nang may sensibilidad sa mga pamantayang kultural at gawi: at nakalilikha ng mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal tulad ng mga anunsiyong panserbisyo publiko, lathalain o opinyon, naratibong kultural, blog ng komunidad, at mapagnilay na komentaryong nagtataguyod ng inklusibo at etikal na komunikasyong panlipunan.
Mga Mungkahing Sitwasyong Komunikatibo, Unang Termino Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Interpersonal
Pagpapakilala ng sarili at pagpapakilala ng ibang tao sa iba’t ibang uri ng tagpuan (pormal/impormal, online/offline)
Pakikipag-usap nang “puso sa puso” at pagbibigay ng makabuluhang mensahe sa iba’t ibang okasyon
Pagpapahayag ng saloobin at papuri nang may pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba
Pakikilahok sa mga usapang nangangailangan ng aktibong pakikinig at pagkakaroon ng empatiya (hal., pakikiramay at pakikidalamhati, pagbibigay ng eulohiya, atbp.)
Pagsulat ng Liham
- personal na liham para sa magulang, kaibigan, kamag-anak, at guro gamit ang email
- liham pakikiramay at pakikidalamhati
- liham pang-adbokasiya o sulating opinyon para sa mga platapormang pampamayanan
Pagsulat ng dyornal (travel, personal, at repleksiyon) tungkol sa mga pangyayari sa buhay
Pagsulat ng naganap o hinaing tungkol sa di magandang karanasan
Pagsulat ng blotter ng pagrereklamo sa barangay o tanggapan ng pulisya tungkol sa pang-aabusong naganap at personal na hinaing o kaso (Tematikong pagsasalaysay ng mga pangyayari)
Pagsulat ng mga mensahe sa text, email o pahayag na sulat-kamay para sa layuning personal
Paglutas sa mga di-pagkakasundo sa pamamagitan ng magalang na pakikipag-usap
Paglikha ng mga digital diary o vlog na nagpapahayag ng mga pansariling karanasan (hal. reels, blogs, vlogs, memes, video diaries, atbp.)
Paggamit ng multimedia sa mga usapang online (hal. voice notes, GIFs, images, atbp.)
Pakikilahok sa mga talakayang interkultural at diyalogong pampamayanan
Pakikipag-ugnayan/usap sa iba’t ibang lugar at konteksto
Pagho-host o paglahok sa mga online forum tungkol sa mga isyung panlipunan o mga adbokasiya
Pagsulat at pagbigkas ng mga talumpati para sa mga paaralan, barangay, o pagtitipong pangkabataan
Paggawa ng blog post o content sa social media tungkol sa katutubong pagkakakilanlan, pamanang kultural, o mga kilusang panlipunan
Pakikilahok sa mga gawaing pagkukuwento o pagbigkas ng tula na may temang panlipunan
Pag-unawa sa kultural na konteksto at pagsaalang-alang ng mga kultural na pagkakaiba na maaaring makaapekto sa interpretasyon ng mensahe
Pakikipanayam sa mga lokal na tagapamuno, mga nakatatanda, o mga tagapag-ingat ng kultura para sa podcast o publikasyong pampamayanan
Weeks *
* Pangkatin (i-cluster) ang mga kasanayang pampagkatuto mula sa iba’t ibang domeyn sa pagdidisenyo ng lingguhang aralin, batay sa pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral.
Pagbibigay-kahulugan sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal at kung paano ito hinuhubog ng awdyens, layon, konteksto, mga pagpapahalaga, at mga pamantayang panlipunan
Natutukoy kung paano ginagamit nang may layunin ang wika at tono sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa.
Nahihinuha ang mga pangunahing idea mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal (hal. naitala at aktuwal na personal na interaksyon).
Nasusuri ang nilalaman at layunin ng personal at interpersonal na komunikasyon, gaya ng pag-uusap at korespondensiya.
Naipaliliwanag ang mga nakapaloob na saloobin, paniniwala, o pananaw sa mga paksang sosyal at kultural sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon (hal. talumpati, brodkast pangmidya, kultural na pagtatanghal).
Nagagamit ang iba't ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood, kabilang ang kamalayang kultural at sensibilidad upang bigyang-kahulugan ang iba't ibang anyo ng panitikan, midya, at komunikasyong dihital.
Nahihinuha ang pangunahing mensahe, ipinahihiwatig na kahulugan, at pagkiling o bias sa mga komunikasyong pampubliko, sibiko, o kultural (hal. social media post, podcast, art exhibit, pista o festival).
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon gamit ang angkop na berbal at di-berbal na mga estratehiya
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa.
Nakagagamit ng magagalang na pananalita at mga estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan (hal. pagpapasimula ng paksa, pagpapalit o pagkontrol ng daloy ng usapan, turn-taking, pagbibigay ng kumpirmasyon o back-channeling, pagbibigay ng tugon, at pagtatapos ng usapan).
Nakagagamit ng angkop na di-berbal na mga estratehiya upang mapahusay ang kalidad ng komunikasyong personal at interpersonal.
Nakagagamit ng angkop na berbal at di-berbal na mga estratehiya (hal. magagalang na pananalita, hudyat at estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan) upang mabisang makipag-ugnayan tungkol sa iba’t ibang kontekstong sosyal at kultural.
Naipakikita ang sensibilidad sa mga panlipunang gampanin, pangkatang dinamika at kultural na pagkakakilanlan sa mga interaksyong face-to-face at online.
Malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga ideya sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon, awdyens, at konteksto
Nakabubuo ng maayos na personal at interpersonal na komunikasyon na nagpapakita ng malinaw na layunin at pag-unawa sa awdyens (hal. pagtatanong, pagkukwento, paglalahad ng obserbasyon, pagsasalaysay ng karanasan, o pagpapahayag ng opinyon).
Nakalalahok sa komunikasyong intrapersonal (hal. pagsulat ng talaarawan o dyornal, pagbuo ng social media profile) upang mapagnilayan ang mga natutuhan at karanasan, makapagtakda ng layunin, at makagawa ng online na presensiya habang pinoprotektahan ang mga pribadong datos.
Nakagagamit ng angkop at mabisang wika at estruktura (hal. paggamit ng mga panandang kohesyong gramatikal) sa iba't ibang layunin.
Nakabubuo ng mga tekstong public-facing (hal. blog, komentaryo, adbokasiyang post sa social media, o maikling opinyon o kolum) na nagsusulong ng pagiging ingklusibo, pagkakapantay-pantay, o kamalayang panlipunan.
Nakabubuo ng mga mapanuring rebyu ng mga tekstong may kabuluhang kultural (hal. pelikula, maikling kuwento, tula, serye sa telebisyon).
Nakabubuo ng magkakaugnay na argumento o naratibong sumasalamin sa pag-unawa sa panlipunang pananagutan, pagkakaiba-iba, at mga kaugalian.
Pagninilay sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa personal, interpersonal, sosyal, at kultural na komunikasyon
Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga personal, interpersonal, sosyal, at kultural na konteksto na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin.
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa komunikasyong personal, interpersonal, sosyal, at kultural na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan pa ng paglinang upang mapaunlad ang kakayahang komunikatibo.
Naipaliliwanag kung paano nakaaapekto ang kamalayang kultural at sensibilidad sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa iba’t ibang kontekstong panlipunan.
Ikalawang Termino
Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Akademiko at Pagsasanay
- Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mabisang komunikasyon sa mga akademiko at pampagsasanay na konteksto sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nila na ang mga padron ng interaksyon sa ganitong konteksto ay pormal, may estruktura, at batay sa partikular na disiplina, at na ang integridad sa intelektuwal na gawain, tapat at magalang na pagpuna, at ingklusibong wika ay nagpapalalim ng makabuluhang pakikilahok sa mga akademiko at pampagsasanay na konteksto.
- Performance standard
Nakabubuo ang mga mag-aaral ng mga akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon at awdyens, gaya ng artikulo, ulat-pananaliksik, presentasyon, rebyu, at podcast; nakapaghahanda ng mga tala at listahan ng mapagkakatiwalaang sanggunian bilang batayan ng mga tekstong ito; nailalapat ang mga tekstong ito sa anyong presentasyon na ginagamitan ng di-berbal na komunikasyon at multimedia; at nakapagbibigay ng tugon at nakatatanggap ng puna hinggil sa nilalaman, estruktura, at wika upang mapaunlad ang pagganap.
Mga Mungkahing Sitwasyong Komunikatibo, Ikalawang Termino Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Akademiko at Pagsasanay
Pakikilahok sa mga nakaestrukturang talakayang pangklase o seminar
Pagtatanong/pagmumungkahi
Pakikilahok sa mga debateng akademiko o talakayang panel
Paglalahad ng mga resulta ng saliksik o imbestigatibong ulat sa pulong o kumperensiya
Pagbuo ng kagamitang biswal katulad ng dayagram, tsart, at iba pa sa paglalahad ng kaalaman
Pagsulat ng mga replektibong sanaysay, posisyong papel, o kritisismo
Paggawa ng mga akademikong lagom, abstrak, o reaksiyong papel
Pakikipagkolaborasyon para sa mga pangkatang pagtatanghal o workshop na may feedback
Pagrerekord ng naka-videong sanaysay o pasalitang pagtatanggol ng mga proyekto o tesis
Pagbuo ng teksto gamit ng podcasts, infographics, o digital newsletters
Weeks *
* Pangkatin (i-cluster) ang mga kasanayang pampagkatuto mula sa iba’t ibang domeyn sa pagdidisenyo ng lingguhang aralin, batay sa pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral.
Pagbibigay-kahulugan sa mga akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat, at multimodal at kung paano ito hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto
Natutukoy kung paanong ang nilalaman, estruktura, at wika ng mga pasalita, pasulat, o multimodal na tekstong akademiko at teknikal ay hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto.
Nagagamit ang iba't ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood upang maunawaan ang mga tekstong akademiko at teknikal.
Nabibigyang-kahulugan ang datos na nakalarawan sa mga multimodal na anyo (hal. tsart, talahanayan, pigura, atbp.).
Nagagamit ang angkop na mga estratehiya sa pag-unawa ng mga salitang di-pamilyar, kabilang na ang espesyalisadong termino.
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon sa kontekstong akademiko at pampagsasanay
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang paksang akademiko at teknikal.
Nakasusunod sa mga pamamaraan, panuto, o proseso sa anyong pasalita, pasulat, o multimodal (hal. pigura, dayagram, tsart, atbp.) upang matagumpay na maisakatuparan ang layunin o matamo ang inaasahang resulta.
Nakikilahok nang may kabuluhan sa mga akademiko o teknikal na lektura, presentasyon, o diskusyon sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon.
Nakikibahagi sa kolaboratibong gawaing akademiko at teknikal (hal. panukalang proyekto, teknikal na ulat, lektura, manwal, atbp.) upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin.
Malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga idea sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon, awdyens, at konteksto
Nakabubuo ng maayos na tekstong akademiko at teknikal na nagpapamalas ng kamalayan at pagsasaalang-alang sa awdyens at layon (hal. presentasyong may visual aid, sanaysay, ulat sa pananaliksik at pagsusuri, atbp.).
Naipaliliwanag ang mga konsepto gamit ang angkop na bokabularyo at wikang akademiko at teknikal at representasyong multimodal (hal. dayagram, grap, tsart, infographic, atbp.).
Nakagagawa ng dayagram, tsart, balangkas, buod, sinopsis, o paraphrase mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, o multimodal.
Nakagagamit ng mga etikal na pamantayan (hal. wastong pagsipi, deklarasyon ng paggamit ng AI, pag-iwas sa plagiarism, atbp.) sa pagbuo ng mas mahahabang akademiko at teknikal na tekstong pasalita, pasulat at multimodal.
Pagninilay sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa kontekstong akademiko at pampagsasanay
Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga kontekstong akademiko at pampagsasanay na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin.
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa kontekstong akademiko at pampagsasanay na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan ng paglinang upang mapaunlad ang pagganap at mahubog ang panghabambuhay na pagkatuto[.
Ikatlong Termino
Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Propesyonal at Pantrabaho
- Content standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa mabisang komunikasyon sa mga propesyonal at pantrabahong konteksto sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal; nauunawaan nila na ang mga padron ng interaksyon ay batay sa konteksto at layon, at maikli; at na ang kalinawan, pormalidad, kaalaman sa hirarkiya, regulasyon ng emosyon, kultural na sensibilidad, at etikal na pananagutan ay nagpapalalim ng mabisang propesyonal at pantrabahong ugnayan.
- Performance standard
Nakabubuo ang mga mag-aaral ng iba’t ibang uri ng korespondensiya alinsunod sa mga kumbensiyon sa pagsulat; nakagagawa ng mga propesyonal na profiles at resumés na akma sa layon at awdyens; nakasusulat ng mga case studies, panukalang proyekto, at ulat-pangnegosyo; nakapagmumungkahi ng mga lathalang pantrabaho, publikasyong korporatibo, o artikulo para sa industriya alinsunod sa pagkakakilanlan ng organisasyon; at nakikilahok sa makabuluhang mga panayam, pulong, talakayan, at negosasyon.
Mga Mungkahing Sitwasyong Komunikatibo, Ikatlong Termino Mabisang Komunikasyon sa Kontekstong Propesyonal at Pantrabaho
Pagsulat ng nakaestrukturang mga résumé, cover letter, at liham-aplikasyon para sa trabaho o iskolarsyip
Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal para sa iba’t ibang pangangailangan (hal., liham-pagtatanong, liham-kahilingan, liham-pagtanggi, liham-pag-uulat, liham-pagsubaybay, liham-panawagan, liham-pagpapatunay, liham-pakikiramay, liham-pakikidalamhati, atbp.)
Pagsulat ng panawagan o anunsiyong pampubliko
Pagbuo ng personal na profile (hal. LinkedIn, portfolio, at iba pang plataporma para sa propesyonal na networking )
Pagsasanay para sa interbyu sa trabaho, paglalahad ng ideang pangnegosyo, o pakikipagnetwork
Pagsasanay para sa interbyu sa trabaho,paglalahad ng ideyang pangnegosyo,o pakikipagnetwork
Pagsulat ng mga memo, incident report, o katitikan ng pulong
Pagsulat ng email para sa mga pormal na kahilingan, follow-up, at korespondensiya sa ibang opisina
Pagsasadula ng konsultasyon sa mga kliyente, pagsagot sa tawag ng kliyente, o propesyonal na pagpapakilala
Presentasyong pang-multimedia gamit ang mga propesyonal na app (hal., Canva, Powerpoint, atbp.)
Pagtugon sa feedback o reklamo ng mga kustomer gamit ang pasalita at pasulat na komunikasyon
Weeks *
* Pangkatin (i-cluster) ang mga kasanayang pampagkatuto mula sa iba’t ibang domeyn sa pagdidisenyo ng lingguhang aralin, batay sa pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral.
Pagbibigay-kahulugan sa mga propesyonal at pantrabahong tekstong pasalita, pasulat, at multimodal at kung paano ito hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto
Natutukoy ang paggamit ng wika at tono nang may layunin sa pagtalakay ng iba't ibang propesyonal at pantrabahong paksa.
Nakikinig nang aktibo sa komunikasyong pantrabaho at propesyonal (hal. mga pulong, tawag sa telepono, presentasyon, panuto, atbp.) upang makapagtala ng tumpak at organisadong impormasyon bilang batayan sa pagsasakatuparan ng gawain at sanggunian sa hinaharap.
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon sa kontekstong pantrabaho at propesyonal
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang usaping propesyonal o pantrabaho.
Nakikilahok nang may kabuluhan sa komunikasyong propesyonal o pantrabaho (hal. mga panayam, pulong, negosasyon, sesyon ng pagbibigay ng puna, atbp.) sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon.
Nakikibahagi sa mga kolaboratibong gawaing pantrabaho o propesyonal (hal. paggawa ng panukala, ulat, presentasyon, o proyekto) upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin.
Malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga idea sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon, awdyens, at konteksto
Nakabubuo ng maayos na komunikasyong propesyonal o pantrabaho na nagpapamalas ng kamalayan sa awdyens at layon (hal. presentasyon na may visual aid, email, ulat, atbp.).
Nagagamit ang angkop na kumbensiyon sa pagsulat (hal. anyo at disenyo, font, bulleting at numbering, bolding, italicization, atbp.) at tiyak at malinaw na wika upang makapagpahayag ng mabisang komunikasyong propesyonal at pantrabaho.
Nakabubuo ng mga propesyonal na profile, resumé, at aplikasyon sa trabaho o kolehiyo na angkop sa layon at awdyens.
Pagninilay sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa komunikasyong propesyonal at pantrabaho
Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga kontekstong propesyonal at pantrabaho na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin.
Nasusuri ang sariling kahandaang makilahok sa komunikasyong propesyonal at pantrabaho na may pagtukoy sa mga kalakasan at mga aspektong nangangailangan ng paglinang para sa aktuwal na aplikasyon sa mundo ng trabaho.
DepEd's suggested clustering
MUNGKAHING PAGPAPANGKAT NG MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
SA PAGDISENYO NG LINGGUHANG ARALIN
Week 1
SITWASYONG KOMUNIKATIBO
Pagsulat ng personal na liham para sa magulang, kaibigan, kamag-anak, at guro gamit ang email
Pagbibigay-kahulugan
Pagbibigay-kahulugan sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal at kung paano ito hinuhubog ng awdyens, layon, konteksto, mga pagpapahalaga, at mga pamantayang panlipunan
Natutukoy kung paano ginagamit nang may layunin ang wika at tono sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa
Pakikilahok
Mabisang pakikilahok sa interaktibong komunikasyon gamit ang angkop na berbal at di-berbal na mga estratehiya
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon at konteksto sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa
Pagpapahayag
Malinaw at maayos na pagpapahayag ng mga ideya sa anyong pasalita, pasulat, at multimodal para sa tiyak na layon, awdyens, at konteksto
Nakagagamit ng angkop at mabisang wika at estruktura (hal. paggamit ng mga panandang kohesyong gramatikal) sa iba't ibang layunin
Pagninilay
Pagninilay sa mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa personal, interpersonal, sosyal, at kultural na komunikasyon
Naipaliliwanag ang mga proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa mga personal at interpersonal na konteksto na nagpapamalas ng kamalayan sa kanilang layunin
Weeks 2-10
Mga Opsiyon sa Pagdisenyo ng Aralin sa Susunod na mga Linggo
A. Ituloy ang aralin gamit ang mga nakapangkat na kasanayang pampagkatuto sa Unang Linggo, kung kinakailangan.
B. Ipagpatuloy ang pagdisenyo ng mga aralin gamit ang parehong napiling sitwasyong komunikatibo, ngunit ituon sa ibang hanay ng mga kasanayang pampagkatuto.
C. Pumili ng bagong sitwasyong komunikatibo na magsisilbing batayan para sa pareho o bagong hanay ng mga kasanayang pampagkatuto.
For school heads
School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.
- The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
- This file leaves the weeks to the teacher, and DepEd's note asks teachers to cluster competencies from different domains when designing weekly lessons, by learners' needs and abilities. Ask how the teacher spread the term's competencies, and check that the plans draw on more than one domain.
- Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
- Where the plan quotes content or performance standards, check that they are the ones printed at the head of its term here. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).
- A summative test or term examination, where one is given, is "teacher-made, competency-aligned, and based on the lessons actually covered" (DO 015, s. 2026, para. 26). Check that its items come from competencies on this page that the class has been taught.
Guides
- DO 016, s. 2026: what a lesson plan holds, and how a school head reviews plans and coaches
- Writing an ILAW lesson plan, part by part, with three sample plans
- From curriculum to lesson: unpacking a competency, and the budget of work as a guide to pacing
- DO 015, s. 2026: summative tests, the term examination and what a school head checks
- The three-term school calendar: term dates, test dates and the End-of-Term Block
More Grade 11 budgets of work in Core Subjects
About this page
A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to the term each one falls in. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Apr 8, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lines under the title, At a glance, For school heads, the links under "More Grade 11 budgets of work in Core Subjects", this section, and labels such as "Week" and "Content standard" are NASH Reviewer's.
NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.
If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.