Skip to content
NASH Reviewer

Grade 9 Values Education Budget of Work

Grade 9 Values Education budget of work for SY 2026-2027: DepEd's 28 learning competencies by term and week, with links to 20 DepEd lesson exemplars.

DepEd places each competency in a term and in its weeks.

The lesson exemplars named on this page are on one page of their own: Grade 9 Values Education Lesson Exemplars.

Published Updated

At a glance

Counted by NASH Reviewer from DepEd's file, term by term.

TermWeeksCompe­tenciesWith an exemplar
First Term1 to 987
Second Term1 to 11104
Third Term1 to 11107
All terms2818

DepEd's lesson exemplars are listed under the competencies they match. Each linked exemplar opens DepEd's copy on Google Drive. An exemplar's quarter and week are those of the four-quarter calendar it was written for, even where it names SY 2026-2027; they are not this budget of work's terms and weeks. An exemplar may also cover competencies this budget of work words differently or does not print. Every exemplar's notice reserves it for teachers and forbids copying or sharing it without leave.

First Term

Weeks 1 -2 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga upang malinang ang mapanuring pag-iisip.

Values standard

Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

  • 1.

    Naisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa impluwensiya ng pagpapahalaga sa pagpapalalim ng kamalayan sa sarili

    • a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga ay makatutulong upang maisabuhay ang mga katangian at gawi ng lahing pinagmulan na makabubuti sa kaniyang kaganapan bilang tao
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagpapalalim ng kamalayan sa sarili batay sa mga pagpapahalaga

Weeks 2-3 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga salik sa pagpili ng karera ayon sa gabay ng pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglikha ng personal na plano sa karera na may pagsasaalang- alang sa mga salik ayon sa gabay ng pamilya bilang tanda ng matalinong pagpapasiya

Values standard

Matalinong Pagpapasiya (Wise Decision Making)

  • 2.

    Naisasabuhay ang matalinong pagpapasiya sa pamamagitan ng paghahanda ng sarili sa mga pangangailangan (requirements) at hamon ng pipiliing karera

    • a. Natutukoy ang mga salik sa pagpili ng karera ayon sa gabay ng pamilya
    • b. Naipaliliwanag na ang mga salik sa pagpili ng karera ay dapat isasaalang-alang upang matiyak ang kahandaan sa pagpapasiya sa nais tahakin na landas sa hinaharap tungo sa matagumpay at makahulugang pamumuhay
    • c. Nakalilikha ng personal na plano sa karera na may pagsasaalang-alang sa mga salik ayon sa gabay ng pamilya

Weeks 3-4 (7 days)

Content standard

Natututuhan ang pag-unawa sa pagbuo sa personal na misyon sa buhay.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan upang makabuo ng personal na misyon sa buhay ayon sa kakayahan bilang tanda ng pagiging responsable.

Values standard

Responsable (Responsible)

  • 3.

    Naisasabuhay ang pagiging responsable sa pamamagitan ng paghahanda sa sarili sa mga posibleng hamon ng binubuong personal na misyon sa buhay

    • a. Nakakikilala ng mga paraan upang mabuo ang personal na misyon sa buhay ayon sa kakayahan
    • b. Naipaliliwanag na ang pagbuo sa personal na misyon sa buhay ay nagbibigay-kahulugan at direksiyon na mamuhay nang makabuluhan upang itaguyod ang kabutihan at kaunlaran ng sarili at lipunan
    • c. Nailalapat ang mga paraan upang mabuo ang personal na misyon sa buhay ayon sa kakayahan

Weeks 4-5 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paggawa na may gabay ng pananampalataya o paniniwala.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng pananampalataya o paniniwala sa paggawa upang malinang ang integridad.

Values standard

Integridad (Integrity)

  • 4.

    Nakapagsasanay ng integridad sa pamamagitan ng matapat na paggawa ng kaniyang tungkulin sa lahat ng pagkakataon

    • a. Nailalarawan ang paggawa na ginagabayan ng pananampalataya o paniniwala
    • b. Napatutunayan na ang paggawa na may gabay ng pananampalataya o paniniwala ay moral na tungkulin bilang pakikibahagi upang makamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao
    • c. Nailalapat ang paggawa batay sa pananampalataya o paniniwala sa mga nakaatang na gawain sa tahanan at paaralan

Weeks 5-6 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mapanagutang pagpapasiya gabay ang pananampalataya o paniniwala.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mapanagutang pagpapasiya na nakaugat sa pananampalataya o paniniwala bilang tanda ng maingat na paghusga.

Values standard

Maingat na paghusga (Prudence)

  • 5.

    Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pananahimik, pagninilay, at pananalangin bago magpasiya

    • a. Natutukoy ang papel ng konsensiya sa mapanagutang pagpapasiya na nakaugat sa pananampalataya o paniniwala
    • b. Naipaliliwanag na ang mapanagutang pagpapasiya gabay ang pananampalataya o paniniwala ay ang maingat na paghusga ng isip na piliin ang mabuti at iwasan ang masama sa kongkretong situwasyon
    • c. Nailalapat ang mapanagutang pagpapasiya na nakaugat sa pananampalataya o paniniwala

Weeks 6-7 (7 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang mga pag-unawa sa pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag- iingat sa kalikasan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pagkalinga sa kalikasan upang malinang ang pagiging mabuting katiwala (stewardship).

Values standard

Mabuting Katiwala (Good stewardship)

  • 6.

    Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa na bantayan ang sariling pagkonsumo ng pagkain, damit, tubig, at kuryente sa bahay, paaralan, at pamayanan

    • a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan
    • b. Naipaliliwanag na ang pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan ay tungkulin ng bawat isa tungo sa pagkakaroon ng balanse, sustenable at malusog na kapaligiran
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagbabawas ng sariling pagkonsumo ng resorses bilang pag-iingat sa kalikasan

Weeks 7-8 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan upang mapaunlad ang sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen upang malinang ang pagiging mapanagutan.

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 7.

    Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagtalima sa mga netiquette o alituntunin ng pakikipag- ugnayan sa social media

    • a. Nakapagpapahayag ng sapat at angkop na kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen
    • b. Naipaliliwanag na ang sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen ay nakatutulong sa pagtataguyod ng kultura ng paggalang, kaligtasan, at kapayapaan sa social media
    • c. Nailalapat ang mga paraan upang mapaunlad ang sariling kamalayan sa pagiging mabuting digital citizen

Weeks 8-9 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paggabay ng pamilya sa pagkilala sa sariling seksuwalidad.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paraan ng pagkilala sa sariling seksuwalidad ayon sa gabay ng pamilya upang malinang ang paggalang sa buhay.

Values standard

Paggalang sa buhay (Respect for life)

  • 8.

    Naisasabuhay ang paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga wasto at pinagkakatiwalaang tao

    • a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng paggabay ng pamilya sa pagkilala sa sariling seksuwalidad
    • b. Napatutunayan na ang paggabay ng pamilya sa pagkilala sa sariling seksuwalidad ay mahalagang tungkulin bilang paghahanda sa kaakibat nitong mga katangian, gampanin, at kahihinatnan ng mga pasiya na may kaugnayan sa kaniyang pagkakakilanlan
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagkilala sa sariling seksuwalidad ayon sa gabay ng pamilya

Second Term

Weeks 1 to 2 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsunod ng pamilya sa mga batas na ayon sa likas na batas moral

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang wastong pagtatasa ng mga batas batay sa kaangkupan nito sa dignidad ng tao upang malinang ang mapanuring pag-iisip.

Values standard

Mapanuring pag-iisip (Critical thinking)

  • 1.

    Naisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng paraan sa pagsunod ng pamilyang kinabibilangan sa mga batas na ayon sa likas na batas moral

    • a. Natutukoy ang mga batas na ayon sa likas na batas moral na dapat sundin ng pamilya
    • b. Naipaliliwanag na ang pagsunod ng pamilya sa mga batas na ayon sa likas na batas moral ay paraan ng pagsusulong ng dignidad, kapayapaan at katarungan tungo sa pagpapatatag ng lipunan
    • c. Nailalapat ang wastong pagtatasa ng mga batas batay sa kaangkupan nito sa dignidad ng tao

Weeks 2-3 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng wastong pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa upang malinang ang pagiging mapagpasensiya.

Values standard

Mapagpasensiya (Patience)

  • 2.

    Nakapagsasanay ng pagiging mapagpasensiya sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa paglutas ng suliranin o pakikipagkasundo upang maiwasang lumala ang situwasyon

    • a. Nakakikilala ng mga paraan sa pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa ay pagpapanatili ng mapayapa at positibong ugnayan gamit ang mapanagutang pagpapasiya at maayos na pangangasiwa ng emosyon
    • c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pagtugon sa mga suliranin sa kapuwa

Weeks 3 to 4 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtupad sa mga pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pansariling gampanin bilang isang mahusay na namumuno at tagasunod bilang tanda ng pagiging mapanagutan.

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 3.

    Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagsunod sa alintuntunin ng pamayanan, pag-aaral nang mabuti, at paggawa ng tungkulin sa lipunang kinabilangan

    • a. Natutukoy ang mga pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod
    • b. Nahihinuha na ang pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod ay hakbang sa pagdidisiplina sa sarili tungo sa pagpapabuti ng lipunan upang umiral ang kabutihang panlahat
    • c. Nailalapat ang mga pansariling gampanin bilang isang mapanagutang namumuno at tagasunod

Weeks 4-5 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtugon ng pamilya laban sa karahasan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsusulong ng mga paraan upang maiwasan ang karahasan upang malinang ang kapayapaan.

Values standard

Kapayapaan (Peace)

  • 4.

    Naisasabuhay ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpili at paglahok sa mga positibong gawain na nagdudulot ng panloob na kapayapaan

    • a. Nakakikilala ng mga wastong pagtugon ng pamilya laban sa karahasan
    • b. Nasusuri na ang pagtugon ng pamilya laban sa karahasan ay makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at katiwasayan sa tahanan bilang pagkilala sa taglay nilang dignidad
    • c. Naisasakilos ang pagsusulong ng mga paraan aupang maiwasan ang karahasan

Weeks 5-6 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya upang malinang ang pagiging madasalin.

Values standard

Madasalin (Prayerful)

  • 5.

    Naisasabuhay ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng paglalaan ng oras o panahon upang makapag-isa, manahimik, at manalangin

    • a. Natutukoy ang mga kabutihang dulot at paghahanda sa panahon ng pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya
    • b. Napatutunayan na ang paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya ay nakatutulong upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos at positibong pananaw sa buhay
    • c. Naisasakilos ang paglalaan ng panahon sa pag-iisa, pananahimik, at pananalangin sa tulong ng pamilya

Weeks 6-7 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya

Values standard

Pananampalataya (Faith)

  • 6.

    Naisasabuhay ang pananampalataya sa mga gawi ng pamilya na nakatutulong upang mapalalim ang ugnayan sa Diyos

    • a. Naiisa-isa ang mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya
    • b. Nahihinuha na ang pag-unawa sa mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya ay nakatutulong upang mapanatili at mapatatag ang ugnayan ng pamilya sa Diyos at ang buhay espirituwal sa kabuuan
    • c. Nailalapat ang mga gawi ng pamilya sa pagpapalalim ng pananampalataya

Weeks 7-8 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan bilang tanda ng pagiging mabuting katiwala.

Values standard

Mabuting katiwala (Good stewardship)

  • 7.

    Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga gawaing pangkapaligiran ng pamilya

    • a. Nakakikilala ng mga pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan
    • b. Napatutunayan na ang pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan ay mahalagang gampanin ng bawat isa upang matiyak ang balanse at sustenableng kalagayan nito
    • c. Naisasakilos ang mga sariling paraan ng pananagutan ng pamilya sa pangangalaga at pagpapayaman ng kalikasan

Weeks 8-9 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagsasabuhay ng pagkakaisa ng pamilyang Pilipino tungo sa maunlad na lipunan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling gawi ng pagkakaisa tungo sa maunlad na lipunan bilang tanda ng pagiging mapanagutan

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 8.

    Nakapagsasanay ng pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng pagkakaisa sa pamilya

    • a. Natutukoy ang mga katangian ng pamilya na nagtataglay ng pagkakaisa tungo sa maunlad na lipunan
    • b. Napatutunayan na ang pagsasabuhay ng pagkakaisa ng pamilya tungo sa maunlad na lipunan ay daan sa pagpapaunlad ng sarili at pagkamit ng kabutihang panlahat
    • c. Nailalapat ang mga sariling gawi ng pagkakaisa tungo sa maunlad na lipunan

Weeks 9-10 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag unawa sa kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan upang makamit ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa upang malinang ang kahusayan

Values standard

Kahusayan (Excellence)

  • 9.

    Nakapagsasanay sa kahusayan sa pamamagitan ng palagiang pagsasakilos at pagpapaunlad ng taglay na kakayahan at kasanayan

    • a. Natutukoy ang mga paraan upang makamit ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa ay magbubunsod na abutin ang mataas na kalidad ng produkto o gawain habang yumayabong ang samahan o relasyon sa iba
    • c. Naisasakilos ang sariling paraan upang makamit ang kagalingan sa paggawa kaakibat ang positibong pakikipag-ugnayan sa kapuwa

Weeks 10-11 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagtanggap ng pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa upang malinang ang pagiging magalang.

Values standard

Magalang (Respect)

  • 10.

    Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kultura ng kapuwa sa mga gawaing pampaaralan o pampamayanan

    • a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa ay pagkilala sa dignidad ng kapuwa na magpapanatili ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kanila at magbubunga ng katiwasayan para sa lahat
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura ng kapuwa

Third Term

Weeks 1-2 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pagpapalalim ng pananampalataya katuwang ang kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapalalim ng sariling pananampalataya katuwang ang kapuwa bilang tanda ng pananalig sa Diyos.

Values standard

Pananalig sa Diyos (Faith in God)

  • 1.

    Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa pangkatang pagdarasal o gawaing pagsamba upang lalong lumalim ang pananamapalataya o paniniwala

    • a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagpapalalim ng pananampalataya katuwang ang kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pagpapalalim ng pananampalataya katuwang ang kapuwa ay pagtitiyak na laging may pag-asa na malalampasan ang mga hamon ng buhay nang hindi nag-iisa
    • c. Nailalapat ang mga wastong paraan ng pakikapag- ugnayan sa kapuwa sa kabila ng nagtutunggaliang paniniwala o relihiyon

Weeks 2 to 3 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa iba’t ibang anyo ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paraan ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa bilang tanda ng pagiging mapagpasalamat.

Values standard

Mapagpasalamat (Gratitude)

  • 2.

    Naisasabuhay ang pagiging mapagpasalamat sa pamamagitan ng panghihikayat sa iba na kilalanin na may kaugnayan ang Diyos sa lahat ng natatamong tulong mula sa kapuwa

    • a. Nakapagpapahayag ng iba’t ibang anyo ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa
    • b. Nahihinuha na ang iba’t ibang anyo ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa ay nagbibigay ng pagkakataon upang maging biyaya sa ibang tao bilang pagkilala na ang lahat ng bagay ay mula sa Kaniya
    • c. Naisasakilos ang paraan ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihang naidulot ng kapuwa

Weeks 3-4 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa bilang tanda ng pakikiisa.

Values standard

Pakikiisa (Cooperation)

  • 3.

    Naisasabuhay ang pakikiisa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kabutihang dulot ng pakikilahok at bolunterismo para sa kalikasan

    • a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa ay kinakailangan upang kagyat na matupad ang tungkulin bilang isang mabuting katiwala at matiyak na mapanatili ang balanse nito
    • c. Naisasakilos ang pakikilahok at bolunterismo sa pagkalinga sa kalikasan katuwang ang kapuwa

Weeks 4-5 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng kongkreto at positibong pagtugon sa mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa bilang tanda ng pagiging mapanagutan.

Values standard

Mapanagutan (Accountability)

  • 4.

    Naisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagpapasiya batay sa obhektibong pagtingin sa mga impormasyon o datos

    • a. Nakapagpapahayag ng ibat -ibang isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa
    • b. Napatutunayan na ang mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa ay nangangailangan nang wasto at kolektibong pagtugon ng mamamayan upang maiwasan ang mga kaakibat nitong suliranin
    • c. Nakabubuo ng kongkreto at positibong pagtugon sa mga isyung panlipunan na nakaiimpluwensiya sa pakikipagkapuwa

Weeks 5-6 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan bilang tanda ng pagiging makatarungan.

Values standard

Katarungan (Justice)

  • 5.

    Nakapagsasanay sa pagiging makatarungan sa pamamagitan ng pagkilos nang patas at pantay na pakikisalamuha sa kapuwa

    • a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan
    • b. Naipaliliwanag na ang makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan ay pagkilala ng dignidad na taglay ng bawat mamamayan anuman ang estado sa buhay tungo sa matiwasay na pamayanan
    • c. Nailalapat ang sariling paraan ng makatuwirang pagkilos katuwang ang pamilya sa pagsusulong ng kabutihan sa lipunan

Weeks 6-7 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan upang malinang ang pagiging matipid.

Values standard

Matipid (Thrifty)

  • 6.

    Naisasabuhay ang pagiging matipid sa pamamagitan ng pagtatabi ng mga pera o gamit upang makibahagi sa pagtugon ng pangangailangang pangkabuhayan sa lipunan ayon sa kakayahan

    • a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan
    • b. Naipaliliwanag na ang pagtitipid at pag-iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan ay nagdudulot ng kamalayan sa kahalagahan ng sama-samang pag-iipon upang makibahagi sa pagtugon ng pangangailangang pangkabuhayan sa lipunan
    • c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pagtitipid at pag- iimpok katuwang ang kapuwa tungo sa pagpapabuti ng lipunan

Weeks 7-8 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang paraan ng pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay upang malinang ang pagiging matatag.

Values standard

Matatag (Resilience)

  • 7.

    Naisasabuhay ang pagiging matatag sa pamamagitan ng palagiang pagninilay, pananalangin sa Diyos at pagdalo sa mga gawaing magpapapalalim ng ispiritwalidad

    • a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay
    • b. Napapatunayan na ang pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay ay paraan na maaaring taglayin ng isang indibidwal upang magkaroon ng lubos na paninindigan at pag-asa sa anumang suliranin na kahaharapin
    • c. Naisasakilos ang mga paraan ng pagpapalalim ng ispirituwalidad na gabay sa pagharap sa pagsubok ng buhay

Weeks 8-9 (5 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa bilang tanda ng pakikiisa.

Values standard

Pakikiisa (Cooperation)

  • 8.

    Nakapagsasanay sa pakikiisa sa pamamagitan ng pagsuporta at pakikilahok sa mga proyektong panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa

    • a. Naiisa-isa ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa
    • b. Naipaliliwanag na ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa ay magbibigay pag-asa at positibong pananaw sa pagtugon sa pagpapabuti ng lipunan at tiyakin ang positibong ugnayan ng bawat isa
    • c. Naisasakilos ang mga gawaing panrelihiyon na nagsusulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa

Weeks 9-10 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag- unawa sa pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan.

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan upang malinang ang pagiging mabuting katiwala

Values standard

Mabuting katiwala (Good stewardship)

  • 9.

    Naisasabuhay ang pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga proyektong pangkapaligiran

    • a. Nakakikilala ng mga paraan ng pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan
    • b. Naipaliliwanag na ang pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan ay nagtitiyak ng pagpapabuti ng kalagayan ng kapaligiran tungo sa kapakanan ng bawat mamamayan
    • c. Nailalapat ang sariling paraan ng pagsuporta sa adbokasiya ng mga lokal na pangkat na nangangalaga sa kalikasan

Weeks 10-11 (6 days)

Content standard

Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapaunald ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino

Performance standard

Naisasagawa ng mag-aaral ang sariling paraan ng pagpapaunlad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino upang malinang ang nasyonalismo.

Values standard

Nasyonalismo (Nationalism)

  • 10.

    Nakapagsasanay ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad na bumili ng produkto, piliin ang serbisyo, at ipagmalaki ang talentong Pilipino

    • a. Nakapagpapahayag ng mga paraan ng pagpapaunalad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino
    • b. Napatutunayan na ang pagpapaunlad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino ay nagpapakita ng malaking ambag ng bawat Pilipino upang mapalakas, mapasigla, at maalagaan ang maliliit na negosyo sa lipunan tungo sa ikabubuti ng lahat
    • c. Naisasakilos ang sariling paraan ng pagpapaunlad ng gawi sa pagtangkilik sa mga serbisyo, talento, at produktong gawang Pilipino

For school heads

School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.

  • The competency the plan names appears on this page under the term the plan is for. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
  • Compare the plan's week with the weeks this page gives its competency. A plan ahead or behind is a question to ask about pacing, not a fault: DO 009, s. 2026 intends the budget of work as "a guiding reference only for teachers in lesson planning" (para. 25).
  • Near the end of the term, compare the competencies the plans have taught with the term's list here; one not yet taught is something to plan with the teacher. Reports to parents reflect "the competencies covered within the term" (DO 009, s. 2026, para. 28).
  • DO 016, s. 2026 lets a competency "span several lessons", each session contributing "to clear and progressive goals toward learner mastery" (para. 7(a)(i)). It says nothing of a competency's parts: where one lists parts under it, check across the plan's sessions that every part is reached.
  • This file gives content, performance and values standards for each block of weeks: where the plan quotes standards, check that they are its block's. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).

Guides

More Grade 9 budgets of work

About this page

A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this budget of work is a guide to where in the term each one falls. The budget of work's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jul 20, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The lesson exemplars are DepEd's. What this page says of each, its quarter, week, school year, pages and notice, and its title where one is shown, comes from DepEd's list of lesson exemplars and from the exemplar itself. The lines under the title, At a glance, the notes on the lesson exemplars, For school heads, the links under "More Grade 9 budgets of work", this section, and labels such as "Weeks" and "Content standard" are NASH Reviewer's.

NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.

If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.

From the budget of work to the NASH

Practice applying the standards

Checking lesson plans against the curriculum is instructional leadership, part of Focusing on Teaching and Learning, one of the five PPSSH domains the NASH tests. Practice it with timed situational items.

What you practice with

  • Timed situational items, two minutes each
  • Items aligned with the five PPSSH domains and the SOLO taxonomy
  • Partial credit and an explanation for every choice
  • Premium: every practice set and a NASH-style mock exam
Free
Practice sets to start
30-day pass
₱1,000 for 30 days
Lifetime
₱3,000 once

Practice scores are study aids, not official NASH ratings.