Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino) Curriculum Guide
DepEd's curriculum guide for Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino), an 80-hour Academic Elective in the Arts, Social Sciences, and Humanities cluster of its strengthened senior high school curriculum (DO 017, s. 2026, Annex A). The guide lists 18 learning competencies.
DepEd Order No. 017, s. 2026 lists this elective for Grade 11 or 12 (Annex A). DepEd directs every public and private senior high school to teach its strengthened senior high school curriculum in Grade 11 from SY 2026-2027 (DM 012, s. 2026, para. 4). In SY 2026-2027 only the schools that piloted that curriculum in Grade 11 in SY 2025-2026 teach it in Grade 12, and every school moves Grade 12 to it in SY 2027-2028 (DO 017, s. 2026, para. 7; DM 036, s. 2026, para. 4).
DepEd lists it under Academic Electives › Arts, Social Sciences, and Humanities.
On this page
At a glance
The guide lists 18 learning competencies.
DepEd Order No. 017, s. 2026, Annex A
- Hours
- 80
- Grade level
- 11/12
- Prerequisites
None
About the course
- Paunang Kailangang Asignatura
Wala
- Deskripsiyon ng Kurso
Nakatuon ang kursong ito sa pag-aaral ng mga katangian at pag-unlad ng wikang Filipino tungo sa mabisang pagdidiskurso sa iba’t ibang disiplina.
- Elective
Akademiko
- Itinalagang Oras
Kabuoang 80 oras sa loob ng isang termino
- Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kritikal na pag-unawa sa wika at sa mga wika ng Pilipinas tungo sa pagpapahalaga sa Filipino bilang wikang pambansa, gayundin ang mga batayang kaalaman sa komunikasyon at kasanayan sa akademikong Filipino sa pagsusuri ng mga teksto mula sa iba’t ibang disiplina, tungo sa mabisang pakikipagdiskurso.
- Pamantayan sa Pagganap
- Nakasusulat ng kritikal na sanaysay na tumatalakay sa sitwasyon ng wikang Filipino sa lipunang Pilipino at nakapagsasagawa ng kritikal na talakayan hinggil sa mga napapanahong usaping panlipunan.
Standards and competencies
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 1.
Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan, at katangian ng wika sa komunikasyon at ang papel nito sa lipunan
NILALAMAN
- I. Batayang Kaalaman sa Wika
- A. Kahulugan at Kahalagahan ng Wika sa Komunikasyon
- B. Katangian ng Wika
- 1. Arbitraryo
- 2. Dinamiko
- 3. Malikhain
- 4. Iba pa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 2.
Nasusuri ang gamit at tungkulin ng wika sa sarili, pamilya, lipunan, bansa, at daigdig
- 3.
Naibabahagi ang mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng mga gamit at tungkulin ng wika
NILALAMAN
- C. Gamit at Tungkulin ng Wika
- 1. Interaksiyonal
- 2. Instrumental
- 3. Regulatoryo
- 4. Heyuristiko
- 5. Impormatibo
- 6. Personal
- 7. Imahinatibo
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 4.
Naihahambing ang paggamit ng mga barayti ng wika ayon sa mga piling sitwasyong napakinggan, nabasa, at napanood
- 5.
Nasusuri ang barayti ng wika na ginamit sa teksto batay sa layon, konteksto, at target na awdyens
- 6.
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon batay sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan
NILALAMAN
- D. Barayti ng Wika
- 1. Idyolek
- 2. Dayalek
- 3. Sosyolek
- 4. Rehistro
- E. Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 7.
Naiisa-isa ang mga sanhi at bunga ng mahahalagang pangyayari sa pag-unlad ng wikang Filipino
- 8.
Naipaliliwanag ang sistema ng pagsulat at ang mga batayang tuntunin sa pagbabaybay sa Filipino
NILALAMAN
- II. Pag-unlad ng Wikang Filipino
- A. Mga Katutubong Wika
- B. Tagalog
- C. Pilipino
- D. Filipino
- III. Mga Sistema ng Pagsulat sa Pilipinas
- A. Mga Katutubong Sistema ng Pagsulat
- B. Alpabeto
- 1. Abecedario
- 2. Abakada
- 3. Alpabetong Filipino (Walong dagdag na letra at mga tuntunin sa pagbabaybay)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 9.
Nasusuri ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas mula sa mga napakinggan, nabasa, at napanood
NILALAMAN
- IV. Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
- A. Edukasyon
- B. Midya
- C. Pamahalaan
- D. Kalakalan
- E. Batas
- F. Iba pa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 10.
Nakasusulat ng kritikal na sanaysay na tumatalakay sa sitwasyon ng wikang Filipino sa lipunang Pilipino
NILALAMAN
- Awtput: Kritikal na Sanaysay
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 11.
Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan, uri, antas, elemento, at proseso ng komunikasyon
- 12.
Nailalapat ang mga konseptong pangkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon
NILALAMAN
- I. Konseptong Pangkomunikasyon
- A. Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon
- B. Uri ng Komunikasyon
- 1. Berbal
- 2. Di-berbal
- C. Antas ng Komunikasyon
- 1. Intrapersonal
- 2. Interpersonal
- 3. Publiko
- 4. Iba pa
- D. Elemento at Proseso ng Komunikasyon
- 1. Nagpadala
- 2. Mensahe
- 3. Tumanggap
- 4. Daluyan
- 5. Tugon (feedback)
- 6. Konteksto
- 7. Ingay
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 13.
Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng kakayahang komunikatibo
NILALAMAN
- II. Kakayahang Komunikatibo
- A. Lingguwistiko/ Estruktural/ Gramatikal
- B. Sosyolingguwistiko
- C. Pragmatiko
- D. Diskorsal
- E. Estratehiko
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 14.
Naipaliliwanag ang kahulugan, kahalagahan, at katangian ng akademikong Filipino
- 15.
Naipaliliwanag ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina
- 16.
Nasusuri ang paggamit ng akademikong Filipino sa mga sulatin sa iba’t ibang disiplina
NILALAMAN
- III. Akademikong Filipino
- A. Kahulugan, Kahalagahan, at Katangian
- B. Pasalita at Pasulat na Tuntunin sa Paggamit ng Akademikong Filipino
- C. Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino (Pagsasakatutubo, Pagsasalin, Paglikha ng Terminong Teknikal)
- IV. Akademikong Filipino sa Iba't ibang Disiplina
- A. Edukasyon
- B. Sining at Humanidades
- C. Agham at Teknolohiya
- D. Medisina at Kalusugan
- E. Agham Panlipunan
- F. Batas
- G. Inhenyeriya at ICT
- H. Negosyo at Kalakalan
- I. Teknikal-Propesyonal na Larang
- J. Iba pa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 17.
Natutukoy ang mga tuntunin at hakbang sa pagsasagawa ng kritikal na talakayan gamit ang iba’t ibang mungkahing moda ng diskurso
NILALAMAN
- V. Mga Tuntunin at Hakbang sa Pagsasagawa ng Kritikal na Talakayan Gamit ang mga Mungkahing Moda ng diskurso (hal., FGD, Forum, Mobile Journalism, Debate, Blog, Vlog, Video Conference, Podcast, Vodcast, Zine, at iba pa)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 18.
Nakapagsasagawa ng kritikal na talakayan tungkol sa isang napapanahong usaping panlipunan
NILALAMAN
- Pinal na Awtput: Pagsasagawa ng Kritikal na Talakayan
Glosaryo
- Akademikong Filipino
- wikang ginagamit sa iba’t ibang disiplina ng pag-aaral na nakatuon sa mga gawaing praktikal, teknikal, diskurso, at pananaliksik (Timbreza, 1999).
- Awdyens
- tumutukoy sa mga taong nakikinig, nagbabasa, o nanonood ng isang presentasyon; sila ang tumatanggap ng mensahe o nilalamang ibinabahagi ng mga tagapagsalita, performer, o content creator (McQuail, 2010).
- Diskurso
- tumutukoy sa mas malawak na pag-unawa sa komunikasyon na hindi lamang nakatuon sa mga indibidwal na pahayag kundi maging sa kabuoang konteksto ng mga ito (Komisyon sa Wikang Filipino).
- Kritikal na Rebyu
- isang akademikong pagsusuri na naglalaman ng masusing ebalwasyon at interpretasyon ng isang akda, pelikula, o iba pang likhang sining, gamit ang analitikal na pag-iisip at suportado ng ebidensyang mula sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian (Constantino, 2016)
- Kuwentong-búhay
- pakikipanayam na isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasalaysay sa impormante ng kaniyang talambuhay o bahagi ng talambuhay.
- Kritikal na Sanaysay
- isang masusing pagsusuri at interpretasyon ng isang paksa o akda na gumagamit ng lohikal na argumento at ebidensya upang maipakita ang kahalagahan o implikasyon nito (Atienza et al., 2013).
- Mapa-kuwento
- pagsasanib ng mga metodong pagpapaguhit ng mapa at pagkukuwento kung saan ginagamit ang iginuguhit na mapa bilang batayan ng pagsasalaysay.
- Multimodal
- tumutukoy sa iba't ibang uri ng moda o paraan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang iba't ibang plataporma. Maaaring kinabibilangan ng kombinasyon ng teksto, mga imahen, galaw, at tunog (University of Illinois Springfield, 2022).
- Pamantayan
- anumang huwarang pinagkasunduan o pinagtibay alinsunod sa pasiya ng nakararami (Diver, 1983; Kaplow, 1992).
- Panukalang Pananaliksik
- isang dokumentong naglalahad ng plano at layunin ng isang iminumungkahing pag-aaral, kabilang ang kahalagahan ng paksa, metodolohiya, at mga inaasahang resulta nito (Creswell, 2014).
- Talakayang-búhay
- tinatawag ding bangkaan o sharing; isinasagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan at kwento ng buhay sa loob ng isang pangkat.
- Teksto
- anumang anyo ng komunikasyong pasulat o pasalita na naglalaman ng mga idea, impormasyon, o damdaming inihahatid sa mambabasa o tagapakinig (San Juan, 2019).
- Tuntunin
- prinsipyong batay sa masusing pag-aaral o pananaliksik na nagtatakda ng mga dapat sundin, nagbibigay ng tagubilin, at naglilinaw ng mga pinagbabawal (UP Diksiyonaryo; KWF Diksiyonaryo)
TALASANGGUNIAN
- Almario, V., at Komisyon sa Wikang Filipino. Manwal sa Masinop na Pagsulat. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino.
- Ampil, R. D., et. al. (2010). Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global. Manila: UST Publishing House.
- Constantino, P. C. (2014). Ganito na Noon, Ganito Uli Ngayon: Pagtalunton sa Kasaysayan at Daynamiks ng Multilinggwal na Edukasyon sa Pilipinas. Daluyan, 190-207.
- Demeterio, F. P. III. (2012). Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa. Malay, 23-38.
- Diver, C.S. (1983). “The optimal precision of administrative rules.” Yale Law Journal, 93: 65–109.
- Flores, M. L. (2015). Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino. Daluyan, 10-39.
- Halliday, M.A.K. (1973). Explorations in the Functions of Language. London: Edward Arnold.
- Kaplow, L. (1992). “Rules versus standards, an economic analysis.” Duke Law Journal, 557–629.
- Komisyon sa Wikang Filipino (2021). Patnubay sa Korespondensiya Opisyal. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino.
- ---. Ortograpiyang Pambansa: Gabay sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2021. Accessed August 19, 2024. https://www.kwf.gov.ph/ortograpiyang-pambansa.
- Manzano, J. V. (2018). Ang Pilipinong Seaman sa Globalisasyon: Mga Naratibo ng Pagsubok at Pakikibaka. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman.
- Osserman, R. (n.d.). Mapping. Retrieved from Britannica: https://www.britannica.com/science/mapping
- San Juan, D. M. (2024, July). Sipat sa Sitwasyong Pangwika ng Bansa Bilang Lunsaran ng Pagbabalangkas ng Pambansang Planong Salubungan ng Estado-Sentrikong Polisiya at Baba-Taas na Adbokasiya Tungo sa Preserbasyon ng Mga Wika sa Pilipinas. Retrieved from ResearchGate: https://www.researchgate.net/publication/382694481_Sipat_sa_Sitwasyong_Pangwika_ng_Bansa_Bilang_Lunsaran_ng_Pagbabalangkas_ng_Pambansang_Planong_Salubungan_ng_Estado-Sentrikong_Polisiya_at_Baba-Taas_na_Adbokasiya_Tungo_sa_Preserbasyon_ng_Mga_Wika_sa_P
- Sy, J. M. (2023). Ang Heograpiyang mapagpalaya ng Lumad Bakwit School: Mula pagka-tayo Tungo sa Pagtayô ng mga Mag-aaral sa Piling Mapa-Kuwento. Banwaan, 31-68.
- Tariman, K. L. (2021, August 21). Talakayang-Buhay o ‘Panitikang Saksi’ ng Pambansa-Demokratikong Kilusan. Retrieved from Philippine Collegian: https://phkule.org/article/282/talakayang-buhay-o-panitikang-saksi-ng-pambansa-demokratikong-kilusan
For school heads
School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.
- The competency the plan names appears on this page, in this guide's list. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
- This guide places none of its competencies in a week or a term. Ask for the order the teacher follows through the course, and check the plan against it.
- DepEd Order No. 017, s. 2026 gives this elective 80 hours and lists no prerequisite (Annex A). Schools set their own schedules, but the order says "there is a need to meet the required number of hours per subject" (para. 24): check that the class program gives the course its 80 hours.
- A school need not offer every elective of a cluster (DO 017, s. 2026, para. 14), and the school head "shall ensure that their school offers only approved SSHS tracks and electives" (para. 32).
- Where the plan quotes content or performance standards, check that they are ones this guide prints. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).
Guides
More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities
- Art Criticism and Creative Markets
- Citizenship and Civic Engagement
- Contemporary Literature 1
- Contemporary Literature 2
- Creative Composition 1
- Creative Composition 2
- Creative Industries - Applied and Traditional Arts
- Creative Industries - Dance
- Creative Industries - Literary Arts
- Creative Industries - Media Arts
- Creative Industries - Music
- Creative Industries - Theater Arts
- Creative Industries - Visual Arts
- Creative Production and Presentation
- Filipino 2 (Filipino sa Isports)
- Filipino 2 (Filipino sa Larang Teknikal-Propesyonal)
- Filipino 2 (Filipino sa Sining at Disenyo)
- Filipino Identity Through the Arts
- Introduction to the Philosophy of Human Person
- Leadership and Management in the Arts
- Malikhaing Pagsulat
- Performance Criticism and Creative Markets
- Philippine Governance (Philippine Politics and Governance)
- Social Sciences (Theory and Practice)
- Academic Electives Curriculum Guides
About this page
A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this curriculum guide is where DepEd lists this elective's competencies and standards. The guide's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jun 5, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The grade, hours and prerequisites in the lines under the title and in At a glance are those of DepEd Order No. 017, s. 2026 (Annex A). The lines under the title, At a glance, For school heads, the links under "More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities", this section, and labels such as "About the course" and "Standards and competencies" are NASH Reviewer's.
NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.
If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.