Skip to content
NASH Reviewer

Filipino 2 (Filipino sa Isports) Curriculum Guide

DepEd's curriculum guide for Filipino 2 (Filipino sa Isports), an 80-hour Academic Elective in the Arts, Social Sciences, and Humanities cluster of its strengthened senior high school curriculum (DO 017, s. 2026, Annex A). The guide lists 12 learning competencies.

DepEd Order No. 017, s. 2026 lists this elective for Grade 11 or 12 (Annex A). DepEd directs every public and private senior high school to teach its strengthened senior high school curriculum in Grade 11 from SY 2026-2027 (DM 012, s. 2026, para. 4). In SY 2026-2027 only the schools that piloted that curriculum in Grade 11 in SY 2025-2026 teach it in Grade 12, and every school moves Grade 12 to it in SY 2027-2028 (DO 017, s. 2026, para. 7; DM 036, s. 2026, para. 4).

DepEd lists it under Academic Electives › Arts, Social Sciences, and Humanities.

Published Updated

At a glance

The guide lists 12 learning competencies.

DepEd Order No. 017, s. 2026, Annex A

Hours
80
Grade level
11/12
Prerequisites

Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino)

About the course

Paunang Kailangang Asignatura

Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino)

Deskripsiyon ng Kurso

Nakatuon ang kursong ito sa kritikal na pag-unawa, pagsusuri, at pagbuo ng iba’t ibang sulating pang-isports na naaangkop sa mga interes at pangangailangan ng mga mag-aaral.

Elective

Akademiko

Itinalagang Oras

Kabuoang 80 oras sa loob ng isang termino

Pamantayang Pangnilalaman
  • Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa akademikong Filipino sa kritikal na pag-unawa, pagsusuri, at pagbuo ng iba’t ibang sulating pang-isports, gaya ng ulat ng laro, plano ng laro, patakarang pang-isports, mga sulating pangkalakalan at panserbisyo, plano sa pangangalaga ng kalusugan, at iba pang tekstong teknikal sa larangan ng isports.
Pamantayan sa Pagganap
  • Nakabubuo ng mga sulating pang-isports batay sa elemento at etika sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino, at nakabubuo ng sports brochure na naglalahad ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pangangalaga ng mental at pisikal na kalusugan ng manlalaro sa napiling isports.

Standards and competencies

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 1.

    Naipaliliwanag ang gamit ng akademikong Filipino sa kalusugan, isports, at kaangkupang pisikal

NILALAMAN

  • I. Mga Gamit ng Akademikong Filipino:
  • A. Pagpapahayag ng kultura (mga ugali, kilos o gawi at pagpapahalaga)
  • B. Pagpapalaganap ng Sports, Health and Wellness
  • C. Pagtataguyod ng ugnayan sa komunidad

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 2.

    Naipaliliwanag ang mga elemento ng mga sulating pang-isports

  • 3.

    Nasusuri ang mga elemento ng mga sulating pang-isports

  • 4.

    Naihahambing ang sulating pang-isports sa iba pang uri ng sulatin batay sa mga elemento

  • 5.

    Naiisa-isa ang mga etika at hakbang sa pagsulat ng sulating pang-isports

NILALAMAN

  • II. Mga Elemento ng Sulating Pang-isports:
  • A. Nilalaman
  • B. Layon
  • C. Estruktura/Pagkakaayos
  • D. Estilo
  • E. Rehistro ng Wika
  • F. Target na Awdyens
  • III. Mga Uri ng Sulating Pang-isports
  • A. Ulat ng laro
  • B. Incident report
  • C. Iba’t ibang plano sa isports at e-sports
  • 1. Training log
  • 2. Skills development plan
  • 3. Emergency action plan
  • 4. Athlete development plan
  • D. Iskedyul ng event, tala ng iskor, at mga pormularyo para sa gawad at pagkilala
  • E. Mga sulatin tungkol sa patakaran
  • 1. Game day manual o mga polisiya ng pangkat
  • 2. Sports Code of Conduct
  • IV. Etika sa Pagsulat ng Sulating Pang-isports
  • V. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sulating Pang-isports
  • A. Pagpili ng isports batay sa interes
  • B. Pangangalap ng impormasyon
  • C. Pagbabalangkas
  • D. Pag-eedit at pagsusuri
  • E. Paglalathala o pagbabahagi

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 6.

    Nakabubuo ng mga sulating pang-isports batay sa elemento at etika ng pagsulat gamit ang akademikong Filipino

NILALAMAN

  • VI. Mga Sulating Pang-isports

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 7.

    Nasusuri ang mga sulating pangkalakalan sa isports batay sa mga elemento nito

NILALAMAN

  • VII. Mga Sulating Pangkalakalan sa Isports
  • A. Mungkahing marketing at sponsorship
  • B. Proposal para sa negosyong pang-isports

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 8.

    Nasusuri ang mga sulatin sa serbisyong pang-isports

  • 9.

    Nakasusulat ng scouting report batay sa napanood na bidyo ng laro

  • 10.

    Nakasusulat ng piling sulatin sa serbisyong pang-isports batay sa interes ng mag-aaral

NILALAMAN

  • VIII. Mga Sulatin sa Serbisyong Pang-isports
  • A. Coaching manual
  • B. Compliance documents
  • 1. Registration Forms
  • 2. Waivers and Releases
  • 3. Kasunduan sa Pagboboluntaryo
  • 4. Kontrata ng Manlalaro
  • C. Itineraryo ng paglalakbay
  • D. Scouting report
  • E. Mga press release

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 11.

    Nakapagsasagawa ng panayam tungkol sa kaligtasan at pangangalaga ng mental at pisikal na kalusugan ng manlalaro

NILALAMAN

  • IX. Pangangalaga ng Kalusugan Bago, Habang, at Pagkatapos ng Laro
  • A. Nutritional plan
  • B. Health and safety protocols

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 12.

    Nakabubuo ng sports brochure kaugnay ng mahahalagang impormasyong nakalap sa pangangalaga ng mental at pisikal na kalusugan ng manlalaro sa napiling isports

NILALAMAN

  • X. Pagbuo ng Sports Brochure

GLOSARYO

Akademikong Filipino.
Wikang ginagamit sa iba’t ibang disiplina ng pag-aaral na nakatuon sa mga gawaing praktikal, teknikal, diskurso, pampananaliksik.
Athlete Development Plan.
Komprehensibong planong idinisenyo upang tulungan ang isang atleta na maabot ang pinakamataas na antas ng pagganap sa napiling isport.
Balitang Pang-isports.
Ulat na naglalaman ng mga kaganapan, pinakabagong impormasyon, at mahahalagang detalye tungkol sa isports at sa mga atleta, koponan, o organisasyong kaugnay nito.
Coaching Manual.
Isang uri ng teksto na nagbibigay ng gabay at mga alituntunin para sa mga coach sa iba't ibang aspekto ng kanilang gawain, mula sa pagpaplano ng pagsasanay hanggang sa pamamahala at pagpapaunlad ng mga atleta sa aspektong pisikal at mental.
Compliance Document.
Isang opisyal na dokumentong ginagamit upang matiyak na ang isang negosyo, organisasyon, o indibidwal ay sumusunod sa mga angkop na batas, regulasyon, at mga pamantayan.
E-sports o Electronic Sports.
Uri ng kompetisyon na isinasagawa gamit ang video games na ang mga manlalaro o koponan ay naglalaban-laban upang makamit ang tagumpay sa isang partikular na laro.
Emergency Action Plan.
Isang dokumentadong plano na nagsasaad ng mga hakbang at prosesong dapat sundin sa panahon ng emergency, lalo na sa mga sitwasyon ng pinsala o aksidente sa isports o iba pang gawaing pisikal.
Game Day Manual.
Komprehensibong gabay o dokumentong naglalaman ng mga detalyadong impormasyon at hakbang na dapat sundin sa araw ng isang laro o palaro.
Health and Safety Protocols.
Mga alituntunin at hakbang na ipinapatupad upang protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga tao sa isang partikular na setting tulad ng lugar na pinagtatrabahuhan, paaralan, sports event, o pampublikong lugar.
Isports.
Aktibidad o laro na nangangailangan ng pisikal na kasanayan at kompetisyon; nakatuon ito sa pagpapaunlad ng kalusugan, pagpapalakas ng katawan, at paglinang ng kooperasyon at disiplina.
Itineraryo sa Paglalakbay o Travel Itinerary.
Detalyadong plano o iskedyul na nagsasaad ng mga aktibidad, destinasyon, at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng isang paglalakbay.
Iskedyul ng Event.
Detalyadong plano na nagsasaad ng mga aktibidad, oras, at lugar ng isang partikular na kaganapan o laro.
Kasunduan sa Pagboboluntaryo.
Isang dokumento na naglalahad ng mga kondisyon at responsibilidad ng mga boluntaryo sa isang partikular na aktibidad o organisasyon.
Kontrata ng Manlalaro.
Isang legal na dokumento na nagsasaad ng mga kasunduan at kondisyon sa pagitan ng isang manlalaro o atleta at ng isang koponan, liga, o organisasyon
Marketing and Sponsorship.
Mahahalagang aspekto ng industriya ng isports na tumutulong sa pagpapalaganap ng isang brand, organisasyon, o event at sa pangangalap ng pondo para sa mga gawaing may kaugnayan sa isports.
Mental Health and Social Media Policy.
Isang dokumento o kalipunan ng mga alituntuning naglalayong pangalagaan ang kalusugang mental ng mga indibidwal, lalo na ng mga gumagamit ng social media, laban sa mga negatibong epekto ng mga online platform.
Nutritional Plan.
Organisadong plano ng pagkain na idinisenyo upang matugunan ang mga layuning pangkalusugan, pangangailangang pangnutrisyon, at pangkalahatang kagalingan ng isang tao.
Panukalang Planong Pang-isports.
Isang dokumento na naglalaman ng detalyadong plano para sa pagpapatupad ng isang programa o proyekto na may kaugnayan sa isports; layunin nitong maitaguyod ang kalusugan, aktibong pamumuhay, at pagpapabuti ng kasanayan sa larangan ng isports.
Planong Pang-isports.
Isang uri ng sulatin na naglalayong magtakda ng mga layunin, estratehiya, at hakbangin upang mapaunlad ang mga gawain na may kinalaman sa isports.
Pormulayo para sa Gawad at Pagkilala.
Form na ginagamit upang magbigay ng pormal na pagkilala o gantimpala sa isang tao, grupo, o organisasyong nagpakita ng natatanging kontribusyon o tagumpay sa isang partikular na larangan.
Proposal ng Negosyong Pang-isports.
Isang dokumento na nagsisilbing plano para sa pagtatayo, pagpapalago, o pagpapasok ng negosyo sa industriya ng isports
Press Release.
Pormal na pahayag o dokumentong inilalabas ng isang kompanya, organisasyon, o indibidwal upang ipaalam sa publiko at media ang mahahalagang balita, kaganapan, o impormasyon.
Registration Form.
Isang dokumento na ginagamit upang magtala ng mga kalahok, atleta, o miyembro ng isang organisasyon para sa isang tiyak na aktibidad, event, o serbisyo.
Scouting Report.
Isang dokumento o ulat na nagbibigay ng detalyadong pagsusuri sa isang atleta, koponan, o kalaban sa isang laro o kompetisyon.
Skills Development Plan.
Sistematikong planong naglalayong paunlarin ang mga partikular na kasanayan ng isang atleta sa kaniyang isport.
Sports Code of Conduct.
Opisyal na dokumentong naglalaman ng mga alituntunin at pamantayan ng pag-uugali na inaasahang susundin ng lahat ng kalahok sa isang sports event, kabilang ang mga atleta, coach, referee, at tagasuporta.
Sulating Pang-isports.
Isang uri ng sulatin o akdang tumatalakay sa mga laro, atleta, at iba pang kaganapan o aspekto ng isports.
Training Log.
Talaang ginagamit ng mga atleta, coach, at iba pang indibidwal upang masubaybayan at mapabuti ang kanilang pisikal na kondisyon at pagganap sa isports.
Ulat ng Laro at Pinsala o injury.
Isang uri ng sulating pang-isports na tumatalakay hindi lamang sa resulta ng laro kundi pati sa mga pinsala o injury na naganap sa mga atleta habang naglalaro.

For school heads

School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.

  • The competency the plan names appears on this page, in this guide's list. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
  • This guide places none of its competencies in a week or a term. Ask for the order the teacher follows through the course, and check the plan against it.
  • DepEd Order No. 017, s. 2026 gives this elective 80 hours and lists Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino) as its prerequisite (Annex A). Schools set their own schedules, but the order says "there is a need to meet the required number of hours per subject" (para. 24): check that the class program gives the course its 80 hours.
  • A school need not offer every elective of a cluster (DO 017, s. 2026, para. 14), and the school head "shall ensure that their school offers only approved SSHS tracks and electives" (para. 32).
  • Where the plan quotes content or performance standards, check that they are ones this guide prints. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).

Guides

More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities

About this page

A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this curriculum guide is where DepEd lists this elective's competencies and standards. The guide's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jun 5, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The grade, hours and prerequisites in the lines under the title and in At a glance are those of DepEd Order No. 017, s. 2026 (Annex A). The lines under the title, At a glance, For school heads, the links under "More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities", this section, and labels such as "About the course" and "Standards and competencies" are NASH Reviewer's.

NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.

If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.

From the curriculum guide to the NASH

Practice applying the standards

Checking lesson plans against the curriculum is instructional leadership, part of Focusing on Teaching and Learning, one of the five PPSSH domains the NASH tests. Practice it with timed situational items.

What you practice with

  • Timed situational items, two minutes each
  • Items aligned with the five PPSSH domains and the SOLO taxonomy
  • Partial credit and an explanation for every choice
  • Premium: every practice set and a NASH-style mock exam
Free
Practice sets to start
30-day pass
₱1,000 for 30 days
Lifetime
₱3,000 once

Practice scores are study aids, not official NASH ratings.