Skip to content
NASH Reviewer

Filipino 2 (Filipino sa Sining at Disenyo) Curriculum Guide

DepEd's curriculum guide for Filipino 2 (Filipino sa Sining at Disenyo), an 80-hour Academic Elective in the Arts, Social Sciences, and Humanities cluster of its strengthened senior high school curriculum (DO 017, s. 2026, Annex A). The guide lists 13 learning competencies.

DepEd Order No. 017, s. 2026 lists this elective for Grade 11 or 12 (Annex A). DepEd directs every public and private senior high school to teach its strengthened senior high school curriculum in Grade 11 from SY 2026-2027 (DM 012, s. 2026, para. 4). In SY 2026-2027 only the schools that piloted that curriculum in Grade 11 in SY 2025-2026 teach it in Grade 12, and every school moves Grade 12 to it in SY 2027-2028 (DO 017, s. 2026, para. 7; DM 036, s. 2026, para. 4).

DepEd lists it under Academic Electives › Arts, Social Sciences, and Humanities.

Published Updated

At a glance

The guide lists 13 learning competencies.

DepEd Order No. 017, s. 2026, Annex A

Hours
80
Grade level
11/12
Prerequisites

Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino)

About the course

Paunang Kailangang Asignatura

Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino)

Deskripsiyon ng Kurso

Nakatuon ang kurso sa kritikal na pag-unawa, pagsusuri, at pagpapahalaga sa paggamit ng komunikatibong Filipino sa larang ng Sining at Disenyo.

Elective

Akademiko

Itinalagang Oras

Kabuoang 80 oras sa loob ng isang termino

Pamantayang Pangnilalaman
  • Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa paggamit ng komunikatibong Filipino sa kritikal na pag-unawa sa mga batayang kaalaman sa sining at disenyo, kabilang ang pagsusuri at pagpapahalaga sa iba’t ibang uri nito gaya ng literatura, broadcast media, sining panteatro, sining biswal, at arkitektura tungo sa paghahanda sa pagsulat ng rebyu sa mga likhang-sining sa komunidad at sa pagsasagawa ng eksibit.
Pamantayan sa Pagganap
  • Nakasusulat ang mga mag-aaral ng rebyu ng isang likhang-sining at disenyo sa komunidad at nakapagsasagawa ng eksibit ng mga anyong sining gamit ang mabisang komunikatibong Filipino.

Standards and competencies

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 1.

    Naipaliliwanag ang gamit ng komunikatibong Filipino sa sining at disenyo

NILALAMAN

  • I. Gamit ng Komunikatibong Filipino sa Sining at Disenyo Batay sa:
  • A. Pagpapahayag ng Kultura
  • B. Pagbuo ng Mensahe at Diskurso
  • C. Pagpapalaganap ng Sining
  • D. Pagtataguyod ng Ugnayan sa Komunidad

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 2.

    Nasusuri ang paggamit ng komunikatibong Filipino sa iba’t ibang uri ng sining at disenyo

  • 3.

    Nasusuri ang iba't ibang uri ng sining batay sa mga elemento ng anyo nito at ekspresyong kultural

  • 4.

    Naipaliliwanag ang batayang kaalaman, kalikasan , at mga elemento ng mga tekstong pansining

NILALAMAN

  • II. Ang Espasyo ng Wika sa mga Uri ng Sining at Disenyo
  • A. Katutubong Sining
  • B. Literatura
  • C. Sining Panteatro
  • D. Sining Biswal
  • E. Arkitektura
  • F. Sining Pambrodkast
  • G. Iba Pa
  • III. Ang Literatura Bilang Uri ng Sining at Disenyo
  • A. Anyong Patula
  • 1. Katutubong Pagtula
  • 1.1. Sukat
  • 1.2. Tugma
  • 1.3. Talinghaga
  • 1.4. Haraya o Kariktan
  • 2. Mga Halimbawa ng Kontemporaneong Tula
  • 2.1. Tugmang De-gulong
  • 2.2. Spoken Word Poetry
  • 2.3. Novelty Songs
  • 2.4. Fliptop
  • 2.5.Pick-up Lines
  • 2.6. Iba Pa
  • B. Tuluyan
  • 1. Maikling Kuwento
  • 2. Dagli
  • 3. Malikhaing Di-piksiyon
  • 4. Nobela
  • 5. Iskrip
  • IV. Mga Batayang Kaalaman at Kalikasán ng Tekstong Pansining
  • A. Kahulugan
  • B. Layon
  • C. Gamit
  • D. Katangian
  • E. Kahalagahan
  • F. Target na Awdyens
  • V. Mga Elemento ng Tekstong Pansining
  • A. Tekstong Pampanitikan
  • B. Tekstong Ekspositoryo
  • C. V-Text
  • D. Tekstong Multimodal

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 5.

    Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng mga tekstong pansining sa sariling pananaw, karanasan ng tao, at mga usaping panlipunan

  • 6.

    Nakabubuo ng ulat-suri sa mga tekstong pansining ayon sa:

    • a. gamit ng komunikatibong Filipino
    • b. elemento
    • c. ekspresyong kultural
    • d. etikal na pananagutan (hal., paggamit ng Artificial Intelligence o AI, plagiarism, at iba pa)

NILALAMAN

  • VI. Paggawa ng Rebyu ng Tekstong Pansining (hal., rebyu ng iskrip ng pelikula o teleserye, at iba pa)
  • A. Gamit ng Komunikatibong Filipino
  • B. Mga Elemento
  • C. Ekspresyong Kultural
  • D. Pananagutang Etikal (hal., paggamit ng Artificial Intelligence o AI, plagiarism, at iba pa)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 7.

    Nakasusulat ng rebyu sa likha ng isang alagad ng sining o artista sa komunidad gamit ang komunikatibong Filipino

NILALAMAN

  • VII. Rebyu ng Likha ng mga Alagad ng Sining o Artista sa Komunidad

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 8.

    Nasusuri ang iba't ibang uri ng sining batay sa mga elemento at ekspresyong kultural

  • 9.

    Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng mga tekstong pansining sa sariling pananaw, karanasan ng tao, at mga usaping panlipunan

  • 10.

    Naipaliliwanag ang mahahalagang elemento ng mahusay na sulating pansining sa napanood na teleserye, dula, shadow play, puppet show, at iba pa

  • 11.

    Nakalilikha ng sulatin batay sa wasto at angkop na paggamit ng wika sa mga sining biswal

  • 12.

    Nakabubuo ng ulat-suri sa mga tekstong pansining ayon sa:

    • a. gamit ng komunikatibong Filipino
    • b. elemento
    • c. ekspresyong kultural
    • d. etikal na pananagutan (hal., paggamit ng Artificial Intelligence, plagiarism, at iba pa)

NILALAMAN

  • VIII. Sining Panteatro
  • A. Dulang May Isang Yugto
  • B. Shadow Play
  • C. Monologo
  • D. Improbisasyon
  • E. Puppet Show
  • F. Iskit
  • G. Rebyu ng Dula
  • H. Pagsusuri sa Kasuotan

NILALAMAN

  • IX. Sining Biswal
  • A. Magasin
  • B. Comic Strip
  • C. Editorial Cartoon
  • D. Graphic Novel
  • D. Billboard
  • E. Picture Essay

NILALAMAN

  • X. Arkitektura
  • A. Bahay
  • B. Simbahan
  • C. Gusali
  • D. Tulay
  • E. Parke
  • F. Mga Pampublikong Espasyo

NILALAMAN

  • XI. Sining Pambrodkast
  • A. Mass Media
  • 1. Pagsusuri sa Salin at Dubbing at Subtitiling ng mga Banyagang Teleserye at Anime
  • 2. Islogan
  • B. Social Media
  • 1. Social Networking Sites
  • 2. Blogging, Microblogging, Vlogging
  • 3. YouTube at Iba Pang Video Hosting at Streaming Platforms
  • 4. Mobile Journalism

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

  • 13.

    Nakapagsasagawa ng eksibit ng mga anyong sining na ginagamitan ng mabisang komunikatibong Filipino

NILALAMAN

  • Eksibit ng mga Anyo ng Sining

GLOSARYO

Anime
isang uri ng animasyon na nagmula sa Japan. Kilala ito sa makulay na sining at mga kuwentong puno ng emosyon na nag-ugat sa mga komiks na Hapones na tinatawag na manga. Sumasaklaw ito sa iba't ibang genre at pinapanood ng iba’t ibang edad. Hal., Attack on Titan, One Piece, Naruto, Demon Slayer.
Artista
itinuturing na tagalikha na gumagamit ng sining bilang isang paraan upang ipahayag ang kanilang mga ideya, damdamin, at karanasan. Ang kanilang mga likha ay nagsisilbing boses ng kanilang komunidad at naglalarawan ng kanilang pananaw sa mundo.
Awdiyens
tumutukoy sa mga tao o tagapakinig na tumatanggap, tumutunghay, o nagpapahalaga sa isang likhang-sining, tulad ng pagtatanghal, pelikula, musika, o likhang-biswal. Ang kanilang interpretasyon, emosyonal na tugon, at interaksiyon sa sining ay mahalagang bahagi ng proseso ng komunikasyon sa pagitan ng artista at ng lipunan. Ang epektibong sining ay tumutugon sa interes, pangangailangan, o karanasan ng awdyens upang makapagparating ng mensahe.
Blog
website na para sa pagtatalâ ng mga personal na repleksiyon, komentaryo, karanasan, atbp. ng may-ari na may estilong kaswal.
Dagli
anumang napakaikling akda, salaysay, o lathalain.
Disenyo
(1) anumang dagdag sa anyo ng isang bagay na nagsisilbing palamuti; (2) larawang-guhit ng anuman na ginagamit bilang tularan ng bagay na gagawin o na siyang nagpapakita kung paano ito gumagana; (3) plano o balangkas ng anumang estruktura.
Kakayahang Diskorsal
kakayahang komunikatibo na naipapakita sa kasanayan at pagpapahayag ng idea sa loob ng isang kontekstong pasulat, pasalita, biswal, o birtwal; hal., interbyu.
Kakayahang Estratehiko
kakayahang komunikatibo na naipapakita sa kaalaman sa angkop, wasto, at mabisang estratehiya upang magpatuloy ang komunikasyon sa kabila ng problema o aberya (hal., nalimutang salita, di-pamilyar na paksa, di-alam na impormasyon, atbp.). Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga cohesive device gaya ng ellipsis (...sa pasulat na anyo), pag-uulit ng salita, pagbibigay ng sinonim, paggamit ng mga salitang pamuno, at iba pa.
Kakayahang Komunikatibo
isinasaalang-alang ang mga sosyal, kultural, at kontekstwal na salik sa paggamit ng wika. Ito ay upang bigyang-diin na ang paggamit ng wika ay hindi lamang tungkol sa gramatika kundi pati na rin sa pag-unawa sa kultura at sa konteksto ng mga taong kausap.
Kakayahang Lingguwistiko
kakayahan at kaalamang komunikatibo na naipapakita sa kasanayan sa gramatikal o estruktural na paggamit ng wika; hal., paggamit ng angkop at wastong pangungusap.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa pamamagitan ng kaalaman sa angkop na gamit ng wika nang naaayon sa sino ang kausap, ano ang pinag-uusapan, at paano, kailan, o saan nagaganap ang usapan.
Katutubong Sining
tumutukoy sa mga sining at likha ng mga katutubong grupo sa Pilipinas. Ito ay nagpapakita ng kanilang kasaysayan, kultura, at mga tradisyon.
Kulturang Popular
kulturang mula sa at naimpluwensyahan ng media, ng imahen, ng mamimili, o ng komersiyo, at may malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lipunan; hal., mga programang pantelebisyon, mga Koreanobela (hal., When Life Gives You Tangerines), at iba pa.
Mass Media
paraan ng publikong komunikasyon na nakaaabot sa malawak at maramihang awdyens; hal., diyaryo, magasin, radyo, telebisyon.
Plagiarism
tumutukoy sa pag-aangkin ng ideya, salita, o gawa ng iba bilang sarili nang walang tamang pagbibigay-kredito o pagkilala sa orihinal na may-akda. Ito ay isang anyo ng pandaraya at paglabag sa mga etikal na pamantayan sa akademya, pananaliksik, at iba't ibang larang ng pagsulat.
Sining
ito ay isang mahalagang aspekto ng kultura at panitikan na nagiging daluyan ng malikhaing diwa at pagpapahayag ng pagkatao at pagkakakilanlan ng isang lipunan.
Social Media
mga website at aplikasyon na ginagamit para lumikha o magbahagi ng nilalaman, o lumahok sa social networking. Hal., Facebook, X, Instagram, YouTube, atbp.
Textula
maikling tula na sumusunod sa limitasyon ng mga karakter sa cellphone, gaya ng karaniwang text message; isa itong malikhaing paraan upang muling buhayin ang interes sa tula gamit ang modernong teknolohiya.
Tekstong Multimodal
tekstong ginagamitan ng dalawa o higit pang moda ng komunikasyon. Maaaring pinagsanib na teksto, biswal, awit, dula, sayaw, at iba pa. Maaari rin itong dihital.
Tekstong Pansining
anyo ng pagsulat na naglalaman ng mga elemento ng sining at kultura. Ito ay naglalaman ng mga idea, pananaw, at interpretasyon ng mga likhang-sining kabilang ang panitikan, musika, sining biswal, at iba pa.
Ulat-suri
isang analitikal na ulat na naglalayong suriin ang mga detalye, bigyang-interpretasyon, at magmungkahi ng solusyon o rekomendasyon tungkol sa isang paksa o isyu.

SANGGUNIAN

  • Berger, John. Ways of Seeing. London: British Broadcasting Corporation and Penguin Books, 1972.
  • Buley, Leah. The User Experience Team of One: A Research and Design Survival Guide. Brooklyn, NY: O'Reilly Media, 2013.
  • Cooper, Alan, Robert Reimann, David Cronin, at Christopher Noessel. About Face: The Essentials of Interaction Design. Hoboken, NJ: Wiley, 2014.
  • Correa, Ramilito B. "Kasaysayan ng Anime, Ang Pagpasok Nito sa Pilipinas, at Ilang Tekstwal na Pagsusuri sa Proseso ng Dubbing Nito." De La Salle University-Manila. Accessed December 12, 2024.
  • De Guzman, S. M. R., R. V. Nuñez, D. A. N. Fajarda, at J. J. A. Rojo. "Sining Malaya: Designing a Platform to Support Local Artists in the Philippines." Paper presented at the 2023 8th International Conference on Business and Industrial Research (ICBIR), Bangkok, Thailand, 2023. https://doi.org/10.1109/ICBIR57571.2023.10147527.
  • Dimbleby, R., at G. Burton. 2007. More Than Words: An Introduction to Communication. 4th ed. Routledge. https://doi.org/10.4324/9781003060284.
  • Eyal, Nir. Hooked: How to Build Habit-Forming Products. New York: Portfolio/Penguin, 2014.
  • Felshin, Nina. Art & Agenda: Political Art and Activism. New York: The New Press, 1995.
  • Krug, Steve. Don't Make Me Think, Revisited: A Common Sense Approach to Web Usability. New York: New Riders, 2014.
  • "KWF Diksiyonaryo." "Blog." Accessed December 12, 2024. https://kwfdiksiyonaryo.ph/?query=BLOG.
  • “KWF Diksiyonaryo. "Dagli." Accessed December 12, 2024. https://kwfdiksiyonaryo.ph/?query=dagli.
  • “KWF Diksiyonaryo. "Disenyo." Accessed December 12, 2024. https://kwfdiksiyonaryo.ph/?query=disenyo.
  • “KWF Diksiyonaryo. "Display." Accessed December 12, 2024. https://kwfdiksiyonaryo.ph/?query=display.
  • Lacruz, C. A. (2006, December). (PDF) the concept of “Artistic text” and its importance for the Documentation Sciences. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/38105901_The_concept_of_artistic_text_and_its_importance_for_the_Documentation_Sciences
  • Lidwell, William, Kritina Holden, at Jill Butler. Universal Principles of Design. Beverly, MA: Rockport Publishers, 2010.
  • Müller, Jens. Logo Modernism. London: Thames & Hudson, 2015.
  • Norman, Donald A. The Design of Everyday Things. New York: Basic Books, 2013.
  • "Pambansâng Komisyón pára sa Kultúra at mga Sining." National Commission for Culture and the Arts. Accessed December 12, 2024. https://philippineculturaleducation.com.ph/pambansang-komisyon-para-sa-kultura-at-mga-sining/.
  • Ries, Al, at Jack Trout. The 22 Immutable Laws of Marketing. New York: HarperBusiness, 2001.
  • Samara, Timothy. Design Elements: A Graphic Style Manual. New York: Rockport Publishers, 2015.
  • SERC. n.d. "What is Gallery Walk?" Accessed December 12, 2024. https://serc.carleton.edu/introgeo/gallerywalk/what.html.
  • Taylor, Fig. The Graphic Design Portfolio Handbook. New York: Allworth Press, 2006.
  • Wheeler, Alina. Designing Brand Identity: An Essential Guide for the Whole Branding Team. Hoboken, NJ: Wiley, 2017.

For school heads

School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.

  • The competency the plan names appears on this page, in this guide's list. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
  • This guide places none of its competencies in a week or a term. Ask for the order the teacher follows through the course, and check the plan against it.
  • DepEd Order No. 017, s. 2026 gives this elective 80 hours and lists Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino) as its prerequisite (Annex A). Schools set their own schedules, but the order says "there is a need to meet the required number of hours per subject" (para. 24): check that the class program gives the course its 80 hours.
  • A school need not offer every elective of a cluster (DO 017, s. 2026, para. 14), and the school head "shall ensure that their school offers only approved SSHS tracks and electives" (para. 32).
  • Where the plan quotes content or performance standards, check that they are ones this guide prints. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).

Guides

More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities

About this page

A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this curriculum guide is where DepEd lists this elective's competencies and standards. The guide's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jun 5, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The grade, hours and prerequisites in the lines under the title and in At a glance are those of DepEd Order No. 017, s. 2026 (Annex A). The lines under the title, At a glance, For school heads, the links under "More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities", this section, and labels such as "About the course" and "Standards and competencies" are NASH Reviewer's.

NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.

If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.

From the curriculum guide to the NASH

Practice applying the standards

Checking lesson plans against the curriculum is instructional leadership, part of Focusing on Teaching and Learning, one of the five PPSSH domains the NASH tests. Practice it with timed situational items.

What you practice with

  • Timed situational items, two minutes each
  • Items aligned with the five PPSSH domains and the SOLO taxonomy
  • Partial credit and an explanation for every choice
  • Premium: every practice set and a NASH-style mock exam
Free
Practice sets to start
30-day pass
₱1,000 for 30 days
Lifetime
₱3,000 once

Practice scores are study aids, not official NASH ratings.