Malikhaing Pagsulat Curriculum Guide
DepEd's curriculum guide for Malikhaing Pagsulat, an 80-hour Academic Elective in the Arts, Social Sciences, and Humanities cluster of its strengthened senior high school curriculum (DO 017, s. 2026, Annex A). The guide lists 25 learning competencies.
DepEd Order No. 017, s. 2026 lists this elective for Grade 11 or 12 (Annex A). DepEd directs every public and private senior high school to teach its strengthened senior high school curriculum in Grade 11 from SY 2026-2027 (DM 012, s. 2026, para. 4). In SY 2026-2027 only the schools that piloted that curriculum in Grade 11 in SY 2025-2026 teach it in Grade 12, and every school moves Grade 12 to it in SY 2027-2028 (DO 017, s. 2026, para. 7; DM 036, s. 2026, para. 4).
DepEd lists it under Academic Electives › Arts, Social Sciences, and Humanities.
On this page
At a glance
The guide lists 25 learning competencies.
DepEd Order No. 017, s. 2026, Annex A
- Hours
- 80
- Grade level
- 11/12
- Prerequisites
None
About the course
- Paunang Kailangang Asignatura
Wala
- Deskripsiyon ng Kurso
Nakatuon ang kurso sa pag-aaral at pagsasanay sa malikhaing pagsulat ng tula at maikling kuwento gamit ang wikang Filipino at/o iba pang wika sa Pilipinas. Nakapaloob sa kurso ang mahahalagang yugto sa pagkatha—mula sa paglinang ng mga bukal ng idea at inspirasyon at pagsusulat ng unang borador hanggang sa pagsasagawa ng palihan at rebisyon.
- Elective
Akademiko
- Itinalagang Oras
Kabuoang 80 oras sa loob ng isang termino
- Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang bukal ng ideya at inspirasyon sa pagkatha, gayundin sa batayang kaalaman sa mga pangunahing anyo ng malikhaing pagsulat tulad ng tula at maikling kuwento, kasama ang mga elemento ng mga ito. Ipinapakita rin nila ang pag-unawa sa proseso ng palihan at sa pagsasaalang-alang sa rebisyon ng isang malikhaing proyekto.
- Pamantayan sa Pagganap
- Nakasusulat ang mga mag-aaral ng unang borador at pinal na bersiyon ng piniling malikhaing proyekto—maaaring koleksiyon ng pitong tula o isang maikling kuwentong hindi bababa sa 10 pahina—at nakapagsasagawa ng palihan nang may pagsasaalang-alang sa mga puna at mungkahi tungo sa rebisyon ng isang malikhaing proyekto.
Standards and competencies
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 1.
Natutukoy ang mahahalagang detalye sa paligid sa pamamagitan ng pagmamasid
- 2.
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pandama sa paglalarawan
- 3.
Nagagamit ang limang pandama sa masining na paglalarawan ng paligid
- 4.
Nakabubuo ng mga imahen gamit ang pagwawangis at pagtutulad
NILALAMAN
- I. Mga Paghahanda sa Pagsulat
- A. Pagsasanay sa Paglalarawan
- 1. Pagmamasid sa Paligid
- 2. Paggamit ng Limang Pandama
- 3. Eksperimentasyon sa Imahen/Pagbuo ng Imahen Gamit ang Pagwawangis at Pagtutulad
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 5.
Natutukoy ang simula, gitna, at wakas ng mga naratibo
- 6.
Nakabubuo ng naratibong may tatlong pangungusap na may malinaw na simula, gitna, at wakas
NILALAMAN
- B. Pagsasanay sa Pagsasalaysay
- 1. Pagbabahagi ng mga Naratibo
- 1.1. Naratibong Biro (Narrative Jokes)
- 1.2. Personal na Alaala o Karanasan
- 2. Pagkatha ng mga Naratibo
- 2.1. Hakang Karanasan ng Iba (Makatotohanan)
- 2.2. Hakang Karanasan (Pantastiko)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 7.
Nagagamit ang mga pamilyar na salaysay sa paghubog ng mga bagong tauhan
NILALAMAN
- C. Pagsasanay sa Pagbuo ng Tauhan
- 1. Pagbibigay ng Modernong Katangian sa Tauhan mula sa mga Mito at/o Alamat
- 2. Paglalaro/Pagpapalit ng mga Tauhan
- 2.1. Bida at Kontrabida
- 2.2. Bagay o Hayop Bilang Tauhan
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 8.
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng sukat at tugma
- 9.
Nakabubuo ng modernong bugtong at/o salawikain na may wastong sukat at tugma
NILALAMAN
- D. Pagsasanay sa Pagbuo ng Taludtod
- 1. Paggamit ng Sukat at Tugma
- 1.1. Sukat (gaya ng pipituhin at wawaluhin)
- 1.2. Tugmang Malakas, Mahina, May Impit, at Walang Impit
- 2. Pagsasanay sa mga Bukal ng Pagtula
- 2.1. Bugtong
- 2.2. Salawikain
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 10.
Natutukoy ang persona o tinig sa tula
- 11.
Naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga himig sa tula
- 12.
Nakabubuo ng mga tulang nasa anyong tradisyonal, moderno, at postmoderno
NILALAMAN
- II. Pagsulat ng Tula
- A. Pagsasanay sa mga Anyong Tradisyonal
- 1. Tanaga
- 2. Dalit
- 3. Awit
- B. Pagsasanay sa mga Anyong Moderno
- 1. Malayang Taludturan
- 2. Tulang Naratibo
- C. Pagsasanay sa mga Elemento ng Tula
- 1. Persona o Tinig
- 2. Himig
- 2.1. Nangangaral
- 2.2. Naglilimi
- 2.3. Nanghihimok
- 2.4. Naglalarawan
- 2.5. Nagpapatawa
- 2.6. Nang-uuyam
- D. Pagsasanay sa mga Anyong Postmoderno
- 1. Concrete Poetry
- 2. Spine Poem
- 3. Erasure Poetry
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 13.
Naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga popular na genre sa maikling kuwento
- 14.
Naipaliliwanag ang pagkakaiba-iba ng mga uri ng tunggalian
- 15.
Nagagamit ang angkop na punto de bista para sa binubuong kuwento
- 16.
Nakapagbabalangkas ng banghay para sa binubuong maikling kuwento
- 17.
Nakabubuo ng mga tauhan, tagpuan, at tunggalian para sa maikling kuwento
NILALAMAN
- III. Pagsulat ng Maikling Kuwento
- A. Pagbubuo ng mga Tauhan
- 1. Protagonista/Bida
- 2. Antagonista/Kontrabida
- 3. Iba Pang Tauhan
- B. Pagpapasya sa Tagpuan
- 1. Panahon
- 2. Lunan/Lugar
- C. Paghubog ng Tunggalian
- 1. Tao Laban sa Sarili
- 2. Tao Laban sa Ibang Tao
- 3. Tao Laban sa Lipunan
- 4. Tao Laban sa Kalikasan
- 5. Tao Laban sa Tadhana
- 6. Tao Laban sa Teknolohiya
- D. Pagbabalangkas ng Banghay
- 1. Eksposisyon/Panimula
- 2. Introduksiyon ng Tunggalian
- 3. Kaigtingan ng mga Pangyayari
- 4. Kasukdulan ng mga Pangyayari
- 5. Kakalasan ng mga Pangyayari
- 6. Resolusyon/Wakas
- E. Pagpapasya sa Punto de Bista
- 1. Unang Panauhan
- 2. Ikalawang Panauhan
- 3. Ikatlong Panauhan
- 3.1. Omniscient/Masaklaw na Pananaw
- 3.2. Limitadong Pananaw
- F. Eksperimentasyon sa mga Popular na Genre (hal., Fantasy, Horror, Sci-Fi, Detective Fiction, Romance)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 18.
Nakapagsusulat ng unang borador ng alinman sa koleksiyon ng mga tula o isang maikling kuwento.
NILALAMAN
- Awtput: Unang borador ng alinman sa koleksiyon ng pitong tula na gumagamit ng iba’t ibang anyo o isang maikling kuwentong nasa anyo ng isang popular na genre na hindi bababa sa sampung pahina ang haba.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 19.
Naipaliliwanag ang halaga at mga katangian ng isang palihan
NILALAMAN
- I. Paghahanda sa Palihan
- A. Halaga ng Palihan
- 1. Paghubog sa Pagiging Mapanuri
- 2. Pagpapahalaga sa Rebisyon
- 3. Pagkakaroon ng Pananagutan
- 4. Paghahanda sa Paglalathala
- 5. Pagbubuo ng Komunidad
- B. Mga Katangian ng Palihan
- 1. Inter-aktibo (Hindi Pasibo)
- 2. Peer-Driven (Hindi Pinangingibabawan ng Guro)
- 3. Nakatuon sa Proseso (Hindi sa Akda)
- 4. Bukas sa Eksperimentasyon (Sa Halip na Preskripsiyon)
- 5. Pagkilala sa Indibidwal na Tinig (Hindi Iisang Paraan o Anyo Lang ang Mayroon)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 20.
Nasusuri ang mga puna at mungkahi na makatutulong sa rebisyon ng mga akda
- 21.
Naibibigay ang mga makakabuluhang tanong at paglilinaw kaugnay ng akda
NILALAMAN
- II. Pagsasagawa ng Paglihan
- A. Pagbabasa ng mga Unang Borador
- 1. Matalik na Pagbasa
- 2. Anotasyon
- 3. Muling Pagbasa
- B. Pagbibigay ng Papuri at Puna sa mga Akda
- 1. Sa Usapin ng Anyo
- 2. Sa Usapin ng Nilalaman
- 3. Sa Usapin ng Tema
- 4. Organikong Kaisahan
- C. Pagtatanong at Paglilinaw
- 1. Tungkol sa Kabuoang Proyekto
- 2. Tungkol sa mga Detalye
- D. Pagbibigay ng mga Mungkahi sa Rebisyon
- 1. Malakihang (Major) Rebisyon
- 2. Kaunting (Minor) Rebisyon
- 3. Rekomendasyong Gawain o Babasahin na Makatutulong sa Isinusulat
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 22.
Natutukoy ang magkakatulad o magkakaugnay na puna at/o mungkahi mula sa palihan
- 23.
Nasusuri ang mga puna at mungkahi mula sa palihan ayon sa iba’t ibang uri ng usapin
- 24.
Nailalapat ang mga naisaayos na puna at mungkahi sa rebisyon ng unang borador
NILALAMAN
- III. Pagsasagawa ng Rebisyon
- A. Pagpoproseso ng mga Puna at Mungkahi mula sa Palihan
- 1. Pagsasama-sama ng Magkakatulad o Magkakaugnay na mga Puna at/o Mungkahi
- 2. Pag-uuri ng mga Puna at/o Mungkahi Ayon sa:
- 2.1. Malawakang Usapin: Tema, Estruktura, Daloy
- 2.2. Usapin ng Detalye o Elemento
- 2.3. Usapin ng Himig
- 2.4. Usapin sa Paggamit ng Wika
- 2.5. Iba Pang Usapin
- B. Pagsusulat ng Pinal na Borador
- 1. Pagrebisa ayon sa naisaayos na mga puna at mungkahi
- 2. Pagkaltas pa ng mga bahagi at/o salitang hindi kailangan
- 3. Pagtiyak na malinaw ang daloy mula simula hanggang wakas
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
- 25.
Nakasusulat ng pinal na bersiyon ng malikhaing akda
NILALAMAN
- Pinal na Awtput: Pinal na bersiyon ng alinman sa koleksiyon ng pitong tula na gumagamit ng iba’t ibang anyo, o isang maikling kuwentong nasa anyo ng isang popular na genre na hindi bababa sa sampung pahina ang haba. Mahalagang malinaw sa pinal na bersiyon ang naging pagbabago mula sa unang borador bunga ng mga puna at mungkahi sa palihan.
GLOSARYO
- Anotasyon.
- Maikling paliwanag, pagsusuri, o puna hinggil sa isang akda, kadalasang isinulat bilang reaksyon sa nilalaman nito.
- Banghay.
- Estruktura ng mga pangyayari sa loob ng isang naratibo na kinabibilangan ng simula, gitna, at wakas.
- Borador.
- Paunang sulatin o draft ng isang akda na maaaring baguhin o rebisahin.
- Estruktura.
- Paraan ng pagkakaayos o pagkakabuo ng isang akdang pampanitikan.
- Himig.
- Damdamin o tono ng tula o akda (hal,. naglalarawan, nang-uuyam, nagpapatawa).
- Imahen.
- Larawang nabubuo sa isipan ng mambabasa sa tulong ng masining na paglalarawan gamit ang wika.
- Kaigtingan.
- Bahagi ng banghay kung saan tumitindi ang mga pangyayari o tunggalian.
- Kakalasan.
- Bahaging ng banghay na nagsasaad ng unti-unting pagbaba ng tensyon matapos ang kasukdulan.
- Malakihang Rebisyon.
- Pagbabagong isinasagawa sa mas malawak na bahagi ng akda gaya ng tema, estruktura, at organisasyon.
- Masining na Paglalarawan.
- Teknik sa pagsulat kung saan ginagamit ang imahinasyon at malikhaing wika upang mailarawan ang isang bagay, damdamin, o karanasan.
- Panauhan.
- Perspektibo o pananaw sa pagsasalaysay ng isang kuwento (hal., unang panauhan, ikatlong panauhan).
- Palihan.
- Pagtitipon kung saan binabasa at pinupuna ang mga akda upang mapabuti ang mga ito.
- Paningin (Punto de Bista).
- Perspektibong ginagamit ng may-akda sa pagsasalaysay ng kuwento.
- Persona.
- Tinig o nagsasalita sa loob ng isang tula; maaaring iba sa tunay na may-akda.
- Simula, Gitna, Wakas.
- Tatlong bahagi ng banghay o estruktura ng isang naratibo.
- Spine Poem.
- Anyong postmodernong tula na binubuo gamit ang mga pamagat ng mga aklat o mga salita mula sa gilid o gulugod (spine) ng mga aklat.
- Tema.
- Pangunahing idea o mensahe ng isang akda.
BATAYANG SANGGUNIAN SA MALIKHAING PAGSULAT
Mga Banyagang Sanggunian
- 1. The Elements of Style ni William Strunk Jr. at E.B. White
- 2. On Writing: A Memoir of the Craft ni Stephen King
- 3. Bird by Bird: Some Instructions on Writing and Life ni Anne Lamott
- 4. Writing Fiction: A Guide to Narrative Craft ni Janet Burroway
- 5. The Creative Writing Coursebook: Forty Writers Share Advice and Exercises for Fiction and Poetry na inedit ni Julie Suk
Mga Lokal na Sanggunian
- 1. Mga Teknik sa Malikhaing Pagsulat ni Santiago M. Alvarez
- 2. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Malikhaing Pagsulat ni Virgilio S. Almario at E. San Juan Jr.
- 3. Malikhaing Pagsulat: Gabay sa Pagsusulat ng Maikling Kwento, Nobela, at Tula ni Rogelio L. Ordoñez
- 4. Pagsulat ng Malikhaing Akda ni Linda R. Lonzaga
- 5. Filipino sa Piling Larangan: Malikhaing Pagsulat na inihanda ng mga guro mula sa UP College of Arts and Letters
For school heads
School heads lead qualitative reviews of lesson plans "to ensure alignment with curriculum standards and learner needs", and the findings are the basis for coaching (DO 016, s. 2026, para. 37(b)). With a plan beside this page, a head can check these points.
- The competency the plan names appears on this page, in this guide's list. A plan identifies "the learning competencies to be targeted during the learning session" (DO 016, s. 2026, para. 7(a)(i)).
- This guide places none of its competencies in a week or a term. Ask for the order the teacher follows through the course, and check the plan against it.
- DepEd Order No. 017, s. 2026 gives this elective 80 hours and lists no prerequisite (Annex A). Schools set their own schedules, but the order says "there is a need to meet the required number of hours per subject" (para. 24): check that the class program gives the course its 80 hours.
- A school need not offer every elective of a cluster (DO 017, s. 2026, para. 14), and the school head "shall ensure that their school offers only approved SSHS tracks and electives" (para. 32).
- Where the plan quotes content or performance standards, check that they are ones this guide prints. Annex B of DO 016, s. 2026 asks for the content or performance standards "applicable to the sessions", but the order's framework names the competencies, not the standards, so leaving them out is no fault (paras. 7 and 10).
Guides
More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities
- Art Criticism and Creative Markets
- Citizenship and Civic Engagement
- Contemporary Literature 1
- Contemporary Literature 2
- Creative Composition 1
- Creative Composition 2
- Creative Industries - Applied and Traditional Arts
- Creative Industries - Dance
- Creative Industries - Literary Arts
- Creative Industries - Media Arts
- Creative Industries - Music
- Creative Industries - Theater Arts
- Creative Industries - Visual Arts
- Creative Production and Presentation
- Filipino 1 (Wika at Komunikasyon sa Akademikong Filipino)
- Filipino 2 (Filipino sa Isports)
- Filipino 2 (Filipino sa Larang Teknikal-Propesyonal)
- Filipino 2 (Filipino sa Sining at Disenyo)
- Filipino Identity Through the Arts
- Introduction to the Philosophy of Human Person
- Leadership and Management in the Arts
- Performance Criticism and Creative Markets
- Philippine Governance (Philippine Politics and Governance)
- Social Sciences (Theory and Practice)
- Academic Electives Curriculum Guides
About this page
A teacher's lesson plan names its competencies from the curriculum, and this curriculum guide is where DepEd lists this elective's competencies and standards. The guide's text on this page is DepEd's, as DepEd prints it in its PDF, which DepEd last updated on Jun 5, 2026; this copy was made from that PDF on Nov 16, 2026 by a program and checked against it. The grade, hours and prerequisites in the lines under the title and in At a glance are those of DepEd Order No. 017, s. 2026 (Annex A). The lines under the title, At a glance, For school heads, the links under "More curriculum guides in Arts, Social Sciences, and Humanities", this section, and labels such as "About the course" and "Standards and competencies" are NASH Reviewer's.
NASH Reviewer is not affiliated with DepEd, and these pages are free. For the official text, open DepEd's PDF.
If a line here differs from DepEd's PDF, write to support@nash.com.ph.